66 - Nanay Bella

917 119 29
                                        

Anna's POV

Sobrang bilis ng pangyayari, kanina lang sobrang ang tension ko para sa dinner namin sa bahay nila Dondi. Ngayon mas malakas ang kabog ng dibdib ko, dahil sa hindi inaasahang pangyayari.


Ilang oras na ang nakakaraan nung biglaang ipinasara ni Mama Rio ang tindahan at inutusan kami ni Boyet na umuwi na. Biglaaang umalis sila Mama Rio at ang Lola Cora ni Dondi at walang nakakaalam kung saan sila pumunta. Ang sabi ni Mama, mag-uusap lang daw sila ni Lola Cora.

"Hindi ka ba nagugutom? Kanina pasado alas otso na ng gabi, yung tanghalian ang huling kain mo." Sabi ni Dondi sa akin.

Mas pinili ni Dondi na samahan ako sa bahay habang hinihintay namin si Mama Rio, salungat sa gusto ng Papa nya na sumabay na sa kanilang umuwi ng bahay.

Umiling lang ako sa tanong ni Dondi, sa sobrang dami ng mga tanong sa utak ko, hindi ko na kakayaning pang makakain.

"Kumain ka naman kahit konti, baka magkasakit ka eh." Pamimilit ni Dondi sa akin.

"Ano ang gagawin natin. Sa takbo ng mga pangyayari, nagsusumigaw na magpinsan tayo. Hindi nag-deny si Mama Rio na ang nanay ko ang tinutukoy ni Lola Cora na anak nyang si Isabel." Sabi ko.

"Wag muna nating isipin yan." Sabi ni Dondi.

"Hindi pwedeng hindi natin isipin Dondi, yung relasyon natin ang mas maaapektuhan. Naiintindihan mo ba Dondi, hindi pwedeng maging tayo, kasi mag-pinsan tayo." Sabi ko

"Hindi pa nga tayo siguradong mag-pinsan tayo, balik Dondi na agad ang tawag mo sa akin. Sumusuko ka na ba agad, Sung?" Tanong ni Dondi.

"Bakit, may mangyayari ba kung ipaglalaban pa natin ang relasyon natin, eh hindi nga tama, kasi mag-pinsan tayo." Sabi ko.

"Malay mo naman, hindi tayo tutoong mag-pinsan. Malay mo naman, ampon lang ako ni Mama at Papa. Hindi mo ba nakikita kung paano nila ako tratuhin, compare dun sa mga kapatid ko? Kung tutoong anak nila ako, hindi ako tatratuhin nang ganon ng Papa ko, lalo pa at sobrang tagal namin hindi nagkita. Hindi ba dapat bumawi sila sa akin, sa mga panahon na wala sila sa tabi ko? Pero sa ilang buwan na nandito sila sa Pilipinas, kahit minsan hindi ko sila nakitaan na nasasabik sila sa akin." Sabi ni Dondi at nakuha ko ang punto nya. Sana nga, ampon na lang si Dondi para wala kaming problemang ganito.

"Ewan ko, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Bakit ba kasi hanggang ngayon, hindi pa bumabalik si Mama?" nag-aalala kong tanong ko.

"Sinubukan mo na bang tawagan?" tanong ni Dondi.

"Oo, kaso pinatay nya yung phone nya." sagot ko.

"Ang tagal na nga nilang wala ni Mama, saan kaya sila nagpunta?" tanong ni Dondi, nung bigla naming narinig na may nagbukas ng gate.

Si Mama Rio ang dumating na nag-iisang at hindi nya kasama si Lola Cora. "Ma, bakit ngayon ka lang umuwi?" tanong ko kay Mama, pagkapasok na pagkapasok nya ng bahay.

"Nasaan po si Lola Cora?" Tanong ni Dondi

"Umuwi na si Nanay Cora sa bahay nyo Dondi. At mas makakabuti kung umuwi ka na muna, kailangan naming mag-usap ni Anna." Sabi ni Mama Rio.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon