Anna's POV
"Pwede mo naman nang istorbohin si Jun kasi dumating na si Dondi" sabi ni Sir Lance.
Literal na nag-freeze ako sa kinakatayuan ko. Paanong nandito ang maputlang lalaking yun eh sabi ni Jun hindi raw pumasok.
"O bakit natahimik ka?" tanong ni Sir Lance
"Wala po, may naisip lang po ako" sagot ko
"Parang alam ko na yan, halika sa opisina ko at may sasabihin ako sa iyo" sabi ni sir Lance at dali-dali nya akong hinila sa loob ng opisina nya. "May sinabi sa akin si Mama Rio kagabi" sabi ni sir Lance pagkasara nya ng pinto ng office nya.
"Ano naman po yun?" tanong ko, kahit parang may idea na ako kung ano ang ibig sabihin ni Sir Lance.
"Sabi ni Mama Rio, sabihin ko daw sa kanya kung nag-sorry ka Dondi" Sabi ni Sir Lance at iyon naman ang inaasahan kong sasabihin nya. "Bakit Anna, ano ang atraso mo kay Dondi?" tanong ni Sir Lance.
Wala naman akong choice kundi ikwento kay Sir Lance ang hindi namin magandang engkwentro ng lalaking hindi lang maputla ang kulay, ubod pa ng yabang.
"Alam mo Anna, mahal naman kita kasi hindi na kayo iba ni Mama Rio sa akin, pero mali naman talaga yung ginawa nyo ni Boyet kaya dapat lang talaga na mag-sorry kayo sa kanya" sabi ni Sir Lance.
"Eh, sir Lance di ba nakakainit naman kasi ng ulo yung sisingilin nya kami ng five thousand pesos para sa gasgas lang ng second hand nyang kotse. Nasaan naman ang katarungan dun?" pagmamatigas kong sabi
"Nandun na ako, pero kayo ang mali dun eh. Saka mabuti nga hindi kayo ipinahuli ni Dondi. Mas malamang na mas mahal pa sa five thousand pesos ang babayaran nyo kasi pumasok kayo sa one way na kalsada" paliwanag ni sir Lance. "Hihingi ka lang naman ng paumanhin dun sa tao, bakit ba hirap na hirap ka?" tanong nya
"Eh lalo pong yayabang yun at malamang kantyawan po ako ng mga tao sa labas kapag nag-sorry ako sa mayabang ng yun" sabi ko
"O sige, tatawagin ko si Dondi dito sa opisina ko, dito ka mag-apologize para matapos na ito ha at magkapag-move-on na yang tatay mo. Ang daming hinga nun kagabi sa text nya, pakiramdam daw nya hindi ka nya napalaki nang maayos. Natututo ka na rin daw magsinungaling sa kanya" sabi ni Sir Lance.
"Grabe naman si Mama. Hindi naman ganun yun" sagot ko
"O tatawagin ko na ba si Dondi dito sa opisina ko o dun ka magso-sorry sa kanya sa labas?" tanong ni Sir Lance.
"Sige po dito na lang sa opisina nyo, kasi siguradong tutuksuhin po ako nila Ate Judith" sagot ko. Agad na nagdial si Sir Lance sa telepono at sinabing "Jun, papuntahin mo si Dondi dito sa opisina ko".
Hindi naman nagtagal, may kumatok sa pinto ng opisina ni Sir Lance "Pasok" sabi nya. Eto na, wala nang atrasan. Makakaharap ko na naman ang lalaking sisira sa araw ko.
"Boss Lance, ipinapatawag nyo daw po ako" tanong ni Dondi at nakita ko na nagulat sya na makita ako sa loob ng opisina ni Sir Lance.
"Oo Dondi, magpapalit na kayo ng shift ni Jun di ba?" tanong ni Sir Lance
"Opo, nagtuturn-over na po kami nung tumawag po kayo" sagot ng mayabang na lalaki
"Naku pasensya ka na sa istorbo. Ibibilin ko lang kasi yung kapatid ko, sabi ko iabot na lang kay Jun yung ATM ko para hindi na sya bumaba ng sasakyan. Since, magpapalit na pala kayo, ikaw na lang ang mag-receive nung ATM ko." Sabi ni Sir Lance
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
