Dondi's POV
Akala ko matatapos ang araw ko kagabi na mabigat ang dala-dala sa dibdib ko. Iba talaga kapag natatapos ang araw namin ni Anna na naayos na rin ang hindi namin pinagkakaintindihan. Mabuti na lang nagdesisyon akong kausapin si Anna kagabi. Dahil kung hindi ko ginawa yun, hindi ako magigising mgayon na kayakap ang malambot na katawan ng pinakamagandang babae sa buong mundo.
Amoy na amoy ko ang bango ng buhok nya at ramdam ng mga bisig ko ang paghinga nya. Anong oras na kaya? Mukhang napagod si Sung sa event nya kahapon ah. Sobrang lalim ng tulog eh.
Ang tutoo, kanina pa ako gising pero ayoko pang dumilat. Baka kasi panaginip lang na natulog akong katabi ang babaing pinapangarap kong unang makikita sa tuwing gigising ako sa umaga.
Alam kong matagal pang mangyayari ang iniisip ko, pero ngayon pa lang sobrang excited na ako. Hindi ko maiwasang isipin ang buhay namin ni Anna kapag mag-asawa na kami. Malamang yung ang mga pinakamaliligayang araw ng buhay ko. Ngayon ako nagsisisi na pinili kong magmalaki sa Papa at Mama ko at piliin ang mag-trabaho kesa mag-aral. Kung itinuloy ko ang pag-aaral ko noon, siguradong may maganda na akong trabaho ngayon.
Kaya lang kung hindi naman sa trabaho ko, hindi ko makikilala si Ms. Sung ng buhay ko. Pero naniniwala akong kami ang itinadhana para sa isa't-isa kaya kahit ano pa desisyon namin sa kinabukasan namin, gagawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin kami.
"Mahal kita, Sung." Bulong ko kay Anna.
"Mahal din kita, Yabs." Narinig kong sagot nya kaya mas humigpit ang yakap ko sa kanya saka ako humalik sa noo nya.
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko.
"Medyo. Nag-eenjoy pa ako sa yakap mo eh, kaya kunwari tulog pa ako." Sagot ni Anna.
"Di bale, konting tiis na lang ganito na tayo gigising tuwing umaga." Sabi ko.
"Matagal pa yun, hindi pa nga tayo pareho nakaka-graduate." Sagot ni Anna.
"Mabilis na lang yun. Ikaw nga two sems na lang ang natitira, graduate ka na. Ako naman, laging full load ang kukunin ko every semester para matapos ako agad. Tapos makapagtrabaho na para mapakasalan na kita." Sagot ko.
"Bakit parang proposal na yan?" tanong ni Anna at ramdam kong humahagikgik ang girlfriend ko. Hindi ko mawari kung natatawa sa sinasabi ko at sadyang kinikilig lang.
"Paunang proposal pa lang." Sagot ko.
"Anu yun installment na proposal?" tanong ni Anna
"Bakit kapag ba nag-propose ako sa iyo ngayon, sasagutin mo ako ng Oo?" tanong ko.
Matagal na tumahimik si Anna bago nagtanong. "Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Sagot ko.
"Ayokong sagutin yan ngayon, mag-propose ka muna para malaman mo ang sagot ko." Sabi nya.
"Gusto mo ba ngayon na?" tanong ko. Nang biglang narinig naming may tumawag sa pangalan namin.
"Hoy Cristina, Edmundo. Anong ginagawa nyo dyan?" Pasigaw na tanong ni Mama Rio at sapat na para bumalikwas kami ng bangon ni Anna.
"Mama!" ang tanging nasabi ni Anna.
"Walanghiya ka Dondi, pinakatiwalaan kita, bantay salakay ka pala." Sabi ni Mama Rio.
"Wala po kaming ginagawang masama, Ma." Sabi ko.
"Anong walang ginagawang masama, nakapulupot ka dyan sa anak ko. Anong tawag mo dyan?" sabi ni Mama Rio.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
Hayran KurguSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...