69 - Paano Na?

953 119 32
                                        

Dondi's POV

Ang bilis ng tibok ng puso ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Lolo Vito.  Anong katotohanan ang sinasabi nya?  Ang ibig sabihin may itinatagong lihim ang Lolo at Lola ko.  Kung anuman ang lihim na yun, hindi ako papayag na hindi ko malaman.

Agad akong kumatok sa kwarto nila Lolo, hindi ko kayang ipagpabukas pa ito, lalo pa at possibleng may kinalaman ito sa amin ni Anna.  Si Lolo ang nagbukas ng pinto, at nakita ko sa mukha nya ang gulat nang makita nya akong nakatayo sa may pinto ng kwarto nila.

"Apo, bakit hindi ka pa natutulog, may kailangan ka ba?" tanong sa akin ni Lolo Vito.

"May gusto po akong itanong, pwede ko po ba kayong makausap ni Lola?" pabalik kong tanong kay Lolo.

"Importante ba yan at hindi na pwedeng ipagpabukas?  Gabi na iho, bakit hindi ka pa magpahinga?  Maaga pa ang pasok mo bukas." Narinig kong tinanong ni Lola Cora.

"Ayoko na pong ipagpabukas pa ito eh." Sagot ko at saka niluwagan ni Lolo ang pagbukas ng pinto para makapasok ako.

"Halika apo, pumasok ka." Sabi ni Lolo.

"Tungkol ba ito sa Papa mo?  Alam kong nagkasagutan na naman kayo kanina.  Apo, kahit anong sama ng loob mo sa Papa mo, hindi pa rin maganda na makikipagsagutan ka sa kanya.  Kahit saang angulo mo tingnan, ama mo pa rin sya kaya kailangang respetuhin mo sya bilang Papa mo." Paunang sinabi ni Lola.

"Alam ko po na hindi tama yung ginawa ko, patawarin nyo po ako." Sabi ko.

"Hindi ka sa amin dapat humingi ng tawad apo, bukas na bukas din kausapin mo ang Papa mo, para magkaintindihan kayo." Sabi ni Lola habang si Lolo at tahimik na nakikinig sa aming dalawa ni Lola.

"Hindi po yun ang ibig kong sabihin, Lola." Sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin, apo?" tanong ni Lola.

"Mula nung bata pa po ako, lagi nyong sinasabi sa akin na wag akong makikinig sa usapan ng mga matatanda.  Pasensya na po, hindi ko po natiis na hindi makinig sa usapan nyo ni Lolo ngayon lang.  Gusto ko po sanang malaman kung ano yung katotohanan na sinasabi ni Lolo.  Kasi malakas ang pakiramdam ko na apektado kami ni Anna sa katotohanan na iyon." Sabi ko.

"Ano bang sinasabi mo, Dondi?  Wala kaming pinag-uusapan tungkol sa isang lihim.  Sigurado akong nagkamali ka lang ng dinig, apo." Sagot ni Lola Cora.

"Lola, naging mabuting apo naman po ako di ba, at kahit kelan hindi ako humiling sa inyo.  Ngayon lang po sana, please po kung may kinalaman ang lihim na yan sa amin ni Anna, sabihin nyo na po ngayon.  Hindi ko na po kasi kaya ang sakit ng dibdib ko kapag naiisip ko na hindi ko pwedeng makasama si Anna hanggang sa pagtanda ko.  Ayoko pong maging pinsan si Anna, ang gusto ko po maging asawa ko sya." Pagtatapat ko.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo Edmundo.  Itigil mo na nga yan.  Masyadong naging mahaba ang araw na ito para sa iyo kaya magpahinga ka na." sabi ni Lola Cora.

"Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang tutoo, Lola?" pamimilit ko.

"Dahil walang tutoo.  Mali ang dinig mo sa pinag-uusapan namin mo. Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga." Sagot ni Lola Cora.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon