Anna's POV
Pagkatapos na pagkatapos ng huling klase ko, nagmamadali akong lumakad palabas para hindi ako mahirapang makasakay ng jeep. Ayoko sumabay kay Dondi kasi ayokong kasama sa kotse ang babaing may alambreng buhok.
“Cristina … Cristina …” sigaw ni Isay at Paolo habang lawit ang dila na humahabol sa akin.
“Bakit ka ba kasi nagmamadali?” tanong ni Paolo nung inabutan nila ako.
“Baka mahirapan akong sumakay” sagot ko.
“Mahirapang sumakay? Kelan ka pa nahirapang sumakay sa kotse ni Dondi?” nagtatakang tanong ni Isay.
“May pinagdadaanan si Ms. Sung kaya ayaw sumabay kay Mr. Yabs.” Sagot ni Paolo kay Isay.
“Wala akong pinagdadaanan, ayoko lang talagang sumama sa inyo. Wala nga ako sa mood mag-pizza, kaya kayo na lang. Uuwi na ako.” mariin kong sagot sa dalawa kong makulit na kaibigan.
“Anong wala sa mood mag-pizza, di ba ikaw yung may gustong kumain ng pizza kahapon?” tanong ulit ni Isay.
“Sinabi ko na yan sa kanya kanina beh.” Sabi ni Paolo kay Isay. “As if naman, matutuloy ang pa-meryenda ni Mr. Yabs kung wala si Ms. Sung. Ikaw lang naman ang dahilan bakit nag-aya si Tisoy.” Pangungunsenyang sinabi ni Paolo.
“Excuse me, wala akong kinalaman sa pa-meryenda ng lalaking maputla. Saka hindi naman ako nag-commit sa pizza na yan, kaya hindi ko problema kung matuloy yan o hindi.” Sagot ko.
“Ay may matindi ngang pinagdadaanan. Saka bakit uuwi ka na, may isa pa tayong klase ah” sabi ni Isay.
“Wala daw si Prof. Perez sabi nung kaibigan kong checker. Kaya uuwi na ako.” Sabi ko.
“May LQ ba kayo ni Dondi?” Sabi ni Paolo.
“Gago ka, anong LQ pinagsasasabi mo.” Sagot ko.
“Beh, exciting ‘to, first lover’s quarrel ng YabSung, siguradong aani na naman yan ng sang damakmak na comments.” Sabi ni Isay kay Paolo.
“Pwede ba tumigil na nga kayong dalawa dyan sa pinag-sasasabi nyo. Uulitin ko, wala akong pinagdadaanan, at lalong wala kaming lover’s quarrel ni Dondi, kasi hindi naman kami.” Madiin kong sinabi para maintindihan ng dalawa ito.
“Wow ha, bakit parang may pait dun sa bandang dulo? Hoy Cristina, yung mga tao dito sa campus pwede mong lokohin, pero kami ni Adeliza, hindi.” Sabi ni Paolo. “Magsabi ka ng tutoo, ano ang pinag-awayan nyo ni Dondi?” tanong ni nya.
“Wala kaming pinag-awayan, kaya tantanan nyo ‘ko.” Sagot ko.
“Sinungaling ka, hindi ka namin titigilan kapag hindi ka nagsabi ng tutoo.” Pagbabanta ni Isay.
Wala akong nagawa kundi ikwento na sa kanila ang nangyari kanina at habang nagku-kwento ako, pataas nang pataas ang kilay ng mga kaibigan ko.
“Tama ka beh, nakakainis nga.” Sabi ni Paolo.
“O di ba nakakainis, so ngayon naiintindihan nyo na ako?” Sabi ko pagkatapos kong magkwento.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
Fiksi PenggemarSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
