39 - Hapunan

790 133 28
                                    

Dondi's POV

Umalis din ako agad ng bahay, pagkasundo ko sa parents ko kasama ng mga kapatid ko galing sa airport. Kahit anong pigil ang gawin nila sa akin, wala silang nagawa nung umalis pa rin ako. Hindi ko sinabi sa kanila na susunduin ko sila Anna, kay Lolo Vito ko lang sinabi na darating si Anna kasama ang mga kaibigan namin.

Inimbitahan ko sila Anna at Mama Rio na sa amin na lang maghapunan, kasi gusto kong makilala sila ng parents ko. Pero hindi raw pwede si Mama Rio kasi may raket. Si Anna pinayagan nya sa kundisyon na kasama si Paolo at si Isay, gusto rin sana nyang pasamahin si Boyet pero si Boyet na mismo ang umayaw. Baka raw dumugo ang ilong nya, kasi malamang English speaking ang parents ko, pati na mga kapatid ko.

Alas sais ang usapan namin na susunduin ko sila sa bahay nila Anna, at wala pang alas sais, sinusundo ko na sila. "Bakit maaga ka Tisoy? Atat ka lang na ipakilala sa parents mo ang fake girlfriend mo?" tanong ni Paolo habang binubuksan ang gate para sa akin.

"Napaaga lang ako Paolo kasi hindi naman matraffic. Ready na ba kayo?" sagot ko kay Paolo.

"Wala pa si Adeliza, pero malapit na daw sya." Sagot ni Paolo.

"No problem, maaga pa naman eh." Sagot ko.

"Sigurado ka bang Ok lang na makikain kami ng hapunan sa inyo? Hindi ba dapat kayo-kayo munang pamilya, matagal din kayong hindi nagkita" sabi ni Paolo.

"Walang kaso yun Pao, siguradong matutuwa silang makilala kayo, lalo na ang Lolo at Lola ko. Nakaalis na ba si Mama Rio?" Tanong ko.

"Hindi ko na inabutan eh. Ganon naman yun, kapag beaucon, laging maagang umaalis. Palibhasa nakikisakay lang sa service ng mga beki." Sagot ni Paolo.

"Hintayin na lang natin si Issay, malapit na rin naman daw sya." Sabi ni Anna pagkapasok namin ni Paolo sa bahay nila.

"Sinabi nga ni Paolo." Matipid kong sagot.

"Nasundo mo na ang Mama at Papa mo? Kamusta yung mga kapatid mo? Kamukha mo rin ba sila?" sunod-sunod na tanong ni Anna.

"Pareho pa rin sila, parang hindi sila tumanda. Sabi ni Lolo, kamukha ko raw yung bunso kong kapatid, pareho ko rin na may dimple, pero sa kanya sa dalawang pisngi, samantalang ako sa kaliwa lang." sagot ko.

"Hindi naman inglisero ang mga kapatid mo?" tanong ni Paolo.

"Marunong silang mag-tagalog" sagot ko.

"Yabs, may fruit basket akong ginawa, nandun sa ibabaw ng mesa, paki dala na lang sa kotse, kukunin ko lang yung bag ko sa kwarto, para pagdating ni Issay, alis na tayo agad." Sabi ni Anna.

Sanay na sanay na talaga syang tawagin ako ng Yabs, at sanay na sanay na rin ako na yun ang tawag nya sa akin. Pakiramdam ko, hindi ako lilingon kapag tinawag nya ako sa pangalan ko eh.

Hindi naman nagtagal, dumating na din si Issay at agad na rin kaming umalis. Walang tigil ang tunog ng telepono ko. Tawag nang tawag ang Mama ko.

"Hindi mo ba sasagutin? Baka may kailangan ang Mama mo" sabi ni Anna.

"Papunta naman na tayo sa bahay eh, pagdating natin dun siguradong masasagot na ang mga tanong nila." sagot ko habang nasa kalsada ang mga mata ko. Ang tutoo iniiwasan ko ang tingin ni Anna sa akin. Ramdam ko na hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin. "Ok, hindi alam ni Papa at ni Mama kung nasaan ako, pagkahatid ko sa kanila sa bahay, umalis na ako agad. Pero si Lolo Vito alam na susunduin ko kayo." Agad kong sinabi ko at hindi ko na hinintay na magtanong sya sa akin.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon