Dondi's POV
Sobrang hirap naman na ganitong nagtatampo si Anna, ang hirap amuin lalo na kung hindi ko alam kung may iba pa syang ikinagagalit sa akin. Ako na yata ang pinakamasayang nilalang kung tutoong nagseselos nga sya kay Vanessa, pero ayoko namang mag-assume kasi baka hindi tutoo ang sinasabi ni Vanessa, wala akong hilig kumain ng hopia.
Malapit nang matapos ang araw pero hindi pa rin sya sumasagot sa sandamakmak kong viber at text message sa kanya, hindi pa kasama ang ilang calls na hindi nya sinasagot. Nag-aalala ako kung nakauwi ba sya nang maayos. Hay naku, Cristina Carillo, ano ba naman itong ginagawa mong pahirap sa akin.
“Kumain ka na ba apo? Mukhang balisa ka?” tanong ni Lolo Vito.
“Tapos na po akong kumain Lolo.” Sagot ko.
“Ayaw mo ba talagang sumama sa Papa at Mama sa Boracay? Pagkakataon mo nang mapalapit sa mga kapatid mo.” Sabi ni Lolo Vito.
“Hindi po ako pwedeng mag-absent sa school, Lolo. Malapit na po kasi ang mid-term. Next time na lang po siguro.” Sagot ko.
“Yan ba ang dahilan bakit malungkot ka?” tanong ni Lolo Vito.
“Pagod lang po ako Lo, ang dami po kasing requirements sa school.” Sagot ko kay Lolo.
“Bakit hindi ka na magpahinga, imbes na kanina ka pa tingin nang tingin dyan sa cellphone mo. May hinihintay ka bang tawag?” tanong ni Lolo.
“Hindi pa po kasi sumasagot si Anna sa message ko, nag-aalala na po ako, kung nakauwi na po sya nang maayos.” Sagot ko kay Lolo.
“Akala ko ba isinasabay mo si Anna pauwi, paanong hindi mo alam kung nakauwi sya nang maayos?” tanong ni Lolo.
“Hindi po sya sumabay sa akin ngayong gabi. Nagalit po sa akin eh.” sagot ko.
“Ano naman ang ikinagalit ng kaibigan mo sa iyo?” tanong ni Lolo Vito.
“Kanina po kasi nagtext sya na wag ko na daw syang daanan kasi kailangan maaga sya sa first subject nya. Pero nagpumilit pa rin po ako na sunduin sya, kaso natraffic po ako kahit maaga akong umalis ng bangko, kaya late na po kaming nakarating sa bahay nila Anna. Ayun naggalit na, kasi nagpumulit pa daw kasi akong sunduin sya, eh late ko din naman pala sya susunduin.” Sagot ko.
“May katwiran naman palang magtampo si Anna, humingi ka ba ng paumanhin?” tanong ni Lolo.
“Sobrang daming beses na po, kaso kahit isa sa messages ko, walang sinagot, tapos iniwan pa ako.” Sagot ko kay Lolo.
“Hayaan mo na muna si Anna, baka naman importante talagang maaga syang makapasok kanina, at nakakatampo naman talaga na pinagbigyan ka nya na hintayin ka nya pero parang nabalewala naman sya.” Pagpapaliwanag ni Lolo. “Magpahinga ka na, at bukas naman siguro eh wala na ang tampo ng kaibigan mo. Wag ka nang masyadong mag-alala, hindi ka rin naman matitiis nun.” Makahulugang sabi ni Lolo at aaminin ko na sa sinabi ni Lolo, nadagdagan ang pag-asa ko na makikipagbati na sa akin si Anna.
“Sa tingin mo Lo, ok na kaya kami bukas?” Tanong ko.
“Bakit naman hindi, aba’y mahirap tikisin ang puso.” Sagot ni Lolo.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...