Dondi's POV
Ilang metro pa ang layo ko sa bahay nila Anna nung nakita kong may pumaradang kotse sa harap ng bahay nila. Nakilala ko agad ang lalaking bumaba mula sa driver side para pagbuksan ng pinto ng kotse ang pasahero nya. "Dumating din sa wakas." Ang sabi ko sa sarili ko. At hindi ko maintindihan ay kung bakit nagkasya na lang ako na panoorin sila mula sa kinatatayuan ko.
Nung pumasok sila ng bahay nakaramdam ako ng inis, kung ihahatid lang naman si Anna nung tinatawag nyang Sir Angelo, bakit kailangan pang imbitahin sa loob ng bahay?
Lumakad ako ng kaunti at lumapit sa gate nila para mas makita ko sila ng maayos. Naghihintay si Mama Rio sa may pintuan ng bahay at saglit silang nag-usap. Wala pang limang minuto nagpaalam na ang lalaking naghatid kay Anna. Madilim ang daan mula sa pinto ng bahay nila Anna papuntang gate nila kaya hindi nila napansin na nakatayo na ako sa may gate. At hindi ako natuwa nung inihatid pa ng girlfriend ko ang bisita nila palabas ng bakuran nila.
At lalong hindi ako natuwa nung matapilok si Anna at mabilis na sinalo nung Angelo. Lalaki rin ako, alam ko kung saan dapat hawakan ang isang babae para alalayan ito. Hindi naman tama na ipulupot ni Angelo ang kamay nya sa bewang ni Anna para lang maiwasan na sumubsob si Anna sa Lupa. Kaya agad akong tumakbo palapit sa kanila. "Okay ka lang ba, Sung?" tanong ko kay Anna habang unti-unti kong hinihila si Anna muna sa pagkakapulupot ng Angelo na yun sa kanya.
"Natapilok ako eh, hindi ko napansin yung bato, madilim kasi eh." sagot ko kay Anna. "Yabs, si Sir Angelo, sya ang naghatid sa akin." Ang sabi ni Anna.
"Good evening po, Sir." Ang sabi ko.
"Good evening din." Sagot ni Sir Angelo
Naghintay ako ng ilang saglit para ipakilala ako ni Anna bilang boyfriend nya kay Angelo pero mukhang nakalimutan ng girlfriend ko yun. "Kaya mo bang maglakad?" tanong ko na lang sa kanya, siguro sumakit talaga yung paa nya kaya nakalimutan nyang sabihin kay Angelo kung sino ako.
"Kaya ko naman, alalayan mo na lang ako kasi medyo masakit." Ang sagot nya sa akin.
Matapos ang munting paalamanan ni Anna at Angelo, hinatid ko si Angelo sa hanggang sa kotse nya. "Maraming salamat po sir sa paghatid kay Anna." Sabi ko.
"Maliit na bagay lang yun. I can do it everyday." Sagot sa akin ni Angelo.
"Hindi nyo na po kailangang mag abala pa. Ako ang boyfriend ni Anna kaya ako ang dapat gumawa nun para sa kanya. Mag-ingat po kayo sa pagmamaneho at maraming salamat ulit." Sagot ko at hindi ko na hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil agad na akong pumasok at isinara ang gate.
Bahala sya kung ano ang isipin nya, pero hindi ko papalagpasin ang pagkakataon na yun para hindi ipaalam sa kanya kung sino ako sa buhay ni Anna.
"Gusto mo ba buhatin kita?" tanong ko kay Anna pero tumanggi sya.
Nakita ko kung paano sya hirap na ihakbang ang mga paa nya kaya nagdesisyon akong buhatin na lang sya papasok ng bahay. Ang gaang naman nitong si Sung. Ang lakas namang kumain, saan napupunta ang kinakain ng babaing ito? Tanong ko sa sarili ko.
Pagkapasok namin ng bahay, hindi namin napag-usapan ang lalaking nag-hatid sa kanya. Nagpaalam na rin ako agad na uuwi at idinahilan ko na lang ang maagang schedule ng check-up ni Tita Isabel, kahit sinabihan na ako ni Mama Rio na dun na lang ako matulog sa kwarto ni Boyet para hindi na ako magmadali bukas ng umaga.
Mas pinili kong umuwi na lang, kasi kapag nagtagal pa ako sa bahay nila Anna, mas malamang na ungkatin ko yung tungkol sa Sir Angelo nya, hindi maganda ang pakiramdam nya kaya para makaiwas ako na mag-away pa kami, mas mabuting umuwi na lang ako at hindi nya ako pinigilan kaya nadagdagan nang konti ang tampo ko kasi okay lang sa kanya na magmaneho ako ng halos hating gabi na. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi na ako pinapayagan ni Mama Rio na magmaneho pauwi kapag pa-hatinggabi na, ganun sya katiwala sa akin at wala akong balak na sirain ang tiwalang iyon.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
