7 - Sorry

1.1K 118 9
                                        

Anna's POV

Bwisit talaga ang maputlang lalaking yon.  Tuwing magku-krus ang landas namin lagi na lang sira ang araw ko.  "Bakit kasi hindi mo sinabing may ibinilin pala si Mama Rio, pahamak ka talaga Boyet kahit kailan eh" sigaw ko kay Boyet kasi hindi ko talaga matanggap na napahiya ako sa mayabang na yun.

"Malay ko bang si Tisoy yung sinasabi ni Mama Rio, sino ba naman ang mag-aakalang maliligaw yan dito malapit sa tindahan natin" pangangatwiran ni Boyet. 

"Hooyyyy ... anong nangyayari bakit hanggang dun sa kanto eh dinig na dinig ko ang boses mo Cristina?  Ano  na naman ang pinagtatalunan nyo ni Boyet?" tanong ng biglang sumulpot na si Mama Rio.

"Kasi Mama Rio itong si Anna sinungitan yung suki mo na si Tisoy" sumbong ni Boyet

"Bakit mo naman sinungitan eh napakabait na bata nung si Dondi, gusto ko nga maging magkaibigan kayo ng batang yon" sabi ni Mama Rio at hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.  Kelan pa naging mabait ang mayabang na yun? 

"Kaibigan Ma? Yung maputlang lalaking yun? Hindi na oy, sobrang yabang nun eh.  To the highest level ang pagkahambog ng lalaking yun" sabi ko

"Pareho ba tayo ng lalaking pinag-uusapan anak? Wala akong nakikitang yabang kay Dondi, napakabait at napakagalang ng batang yun.  Saka kung si Dondi nga yung sinasabi mong mayabang anong ba ang nangyari at napakayabang ng tingin mo sa kanya? Nagpang-abot na ba kayo dito sa tindahan? Binastos ka ba ni Dondi anak?" tanong ni Mama Rio

"Ma, sya yung sinasabi ko sa iyo na nakabangga sa amin dati.  Basta na lang kami tinakbuhan kasi ayaw panagutan yung bangga nung pick-up natin" sabi ko

"Oo natatandaan ko na nabanggit mo sa akin nung nabangga ang pick-up" sabi ni Mama Rio.  Mabuti na lang at natatandaan nya yung kwento ko kung hindi malamang ulitin ko na naman ang bwisit na pangyayaring yun sa buhay ko.

"Sya ang lalaking yun Ma, pero mabuti na lang at kilala mo pala.  Pwede nating singilin sa kanya yung ginastos natin sa pagpapa-ayos nung gasgas ng sasakyan natin" sabi ko

"Ah sya ba yun? Mabuti na nga lang at dyan lang sya sa malapit nagta-trabaho, madali kang makakahingi ng paumanhin sa kanya.  Minsan ikaw ang magdeliver ng prutas kay Sir Lance para makapag-sorry ka kay Dondi" sabi ni Mama Rio at sobrang kinagulat ko talaga

"Bakit ako magso-sorry sa kanya Ma?  Sya nga itong nakaperwisyo ako pa ang magso-sorry, hindi naman yata tama yun Ma" reklamo ko

"Ang hindi tama eh yung magsinungaling sa ka akin, akala mo ba hindi ko alam ang tutoong nangyari?" sabi ni Mama Rio at parang alam ko na kung ano ang ibig nyang sabihin kaya tinapunan ko ng masamang tingin si Boyet na kunwari pang walang naririnig

"Tutoo namang nabangga kami nung mayabang na putlaing lalaking yun" iginiit ko

"Bakit nya kayo nabangga?" tanong ni Mama Rio

"Kasi hindi sya nag-iingat" sagot ko

"Mali, kasi pinasok nyo yung one way.  Tapos ikaw pa ang matapang.  Hindi kita pinalaking ganyan Cristina, mag-sorry ka kay Dondi sa susunod na pagkikita nyo" sabi ni Mama Rio at seryoso sya talaga sa gusto nyang mangyari.  Paano ko gagawin yun eh ni anino ng lalaking mayabang na yun eh ayokong makita. 

"Bukas ikaw ang magdeliver nung ipinabiling lansones ni Sir Lance para magkapag-sorry ka kay Dondi.  Tapos itanong mo kung magkano ang nagastos nya sa pagpapagawa nung sasakyan nya para ma-reimburse natin sa kanya" sabi ni  Mama Rio.  Sus madre, ano ba ang ipinakain nung lalaking yun dito sa Tatay kong nanay at mukhang santo ang tingin sa kanya.

"Pati ba naman yun Ma, wala namang may gusto nung nangyari, aksidente yun eh" sabi ko

"Pero kung hindi kayo nag-left turn kahit may 'No Left Turn' sign mas malamang na walang aksidenteng mangyayari.  Wag ka nang makipagtalo sa akin Cristina hindi ko kukunsintihin ang kalokohan mo.  At natututo ka nang magsinungaling sa akin ha" sabi ni Mama Rio.

Hindi na ako kumibo at tuluyang nakipagtalo kay Mama Rio pero ang inis ko sa lalaking maputla hindi maalis-alis, lalo na ngayon na pinaso-sorry ako ni Mama Rio sa kanya, lalo akong nabwisit sa kanya.  Wag sanang mag-krus ulit ang landas namin at talagang magigilitan ko sya sa leeg, pero paano mangyayari yun kung bukas na bukas din eh mas malamang na magkita kami sa bangko.  

Kung si Boyet na lang kaya ang pagdalhin ko nung lansones na ibinilin ni Sir Lance para hindi kami magkita.  Pero hindi pwede siguradong malalaman ni Mama Rio na hindi ako sumunod sa utos nya siguradong magagalit yung sa akin, ang hirap pa namang paamuin ng Tatay kong Nanay.

Hay naku mukha hindi ko maiiwasang makita ang mayabang na lalaking maputla at ang mahirap pa nito, kailangan ko pang mag-sorry.  Paano ko naman gagawin yun? Paano na ang pride chicken at pride rice ko?

"Ngayon ko na lang kaya ideliver yung mga lansones ni Sir Lance?  Oo nga Ma, ngayon ko na lang dalhin yung lansones ni Sir Lance, siguradong nandun pa sya sa bangko" sabi ko

"Pero wala na si Dondi, paano ka magkakapag-sorry?  Saka hindi pwede yung mga tinda nating lansones ngayon, puro imported ang mga yan, gusto ni Sir Lance yung local lang" sabi ni Mama

"Pareho rin namang lansones yun Ma, hindi na yun mahahalata ni Sir Lance" sabi ko

"Pero ako halatang-halata ko na umiiwas ka sa inuutos ko.  Kilala kita Cristina, gagawin mo lahat para lang hindi gawin ang mga utos ko na ayaw mo" sabi ni Mama Rio.  "Bakit ba kasi iwas na iwas ka kay Dondi? May crush ka ba sa kanya?" nakakabiglang tanong ni Mama.

"Wow ha, mukha ba akong may crush? I-crash ang mukha nya Ma, pwede pa" sabi ko

"Mabait na bata si Dondi, hindi lang kayo nagkaintindihan.  Kasalanan nyo ni Boyet kaya kayo ang magpakumbaba" sabi ni Mama Rio

Hay naku, ano ba ang ipinakain ng Donding yun dito kay Mama?  Pakiramdam ko konti na lang ipagpapalit ako nun para lang sa lalaking maputla.

"Lord bahala na po kayo sa akin sa pagkikita namin ulit ng mayabang na lalaking yun bukas.  Pigilin nyo po akong gilitan sya sa leeg" ang tanging dasal ko

************************
Asus baka dumating ang araw ipagdasal mo Anna na hindi na kayo paghiwalayin ni Lord   😉😛😊

Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏    

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon