36 - Syota

930 129 25
                                        

Wala akong choice kundi libangin ang tatlong ito, kasi kahit ako nagulat sa ginawa kong paghalik kay Anna.  Parang natural na instinct lang na mahirap pigilin.  Kabawasan na naman sa budget ko ang pang-lilibre kong ito pero bahala na gagawan ko na lang ng paraan kapag kinulng ko ng budget, ang importante, hindi magalit sa akin si Anna dahil sa ginawa ko.

Hindi ko binitiwan ang kamay nya hanggang sa makapasok kami sa canteen, mabuti na lang konti na lang ang tao kaya nakakuha kami agad ng vacant table.

“Anong gusto nyong kainin?” tanong ko sa kanina pang nakasimangot na si Anna.

“Kainin mo mukha mo, anong akala mo sa akin, madadaan mo sa libreng spaghetti na may kasamang chicken sandwich at ice cream?” sagot ni Anna.

“Oo nga, hindi mo kami makukuha sa isang hotdog sandwich na may kasamang coke.” Sagot din Isay.

“Ganyan ba ang tingin mo sa amin, akala mo mauuto mo kami sa burger at French fries?” biglang singit rin ni Paolo.

“Ok alam ko may kasalanan ako, pero kalma lang muna kayo please.  Pag-usapan natin yan mamaya. Ako na lang ang oorder ng food natin. Wait lang” Sabi ko at dali-dali akong nagpunta sa cashier para sa order namin.

Hindi biro ang bill ko, pwede nang allowance para sa tatlong araw. At dahil kasalanan ko naman, magtiis ako.  Mula sa cashier, tinatanaw ko si Anna, at hindi ko alam kung paano ako hihingi ng dispensa sa ginawa ko kanina.  

Sana, makatulong ang mga order na ‘to para lumamig kahit konti ang ulo nya.  Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita kong nakakunot ang noon ni Ms. Sung, pakiramdam ko ano mang oras ngayon, bubuga sya ng apoy.

“Kumain muna kayo, para pagdating nyo sa bahay nyo magpapahinga na kayo at maagang makakatulog” sabi ko habang nanginginig kong inilalapag ang mga pagkain na inorder ko.

“Bakit wala kang pagkain?” masungit na tanong ni Anna sa akin.

“Oo nga bakit wala kang pagkain?  Hindi ba nakakahiya na ikaw ang nanglibre pero hindi ka naman kakain.” tanong ni Isay.

“Sus, hayaan nyo nga yang si Tisoy, saka mas nakakahiya kaya yung ginawa nya kay Anna kanina.  Hayaan nyo sya kung ayaw nyang kumain.  Basta ako kakain, kasi kanina pa ako nagugutom.” Sabi ni Paolo.

“Ok lang ako, busog pa naman ako eh.  Kain na, para sa inyo talaga ang mga yan.” Sabi ko.

Inilapit ko kay Anna yung spaghetti at chicken sandwich na order nya at sinamahan ko pa ng coke.  Natuwa ako nang slight nung kinuha nya yung iniabot ko sa kanyang tinidor para sa spaghetti nya. 

Maya-maya, itinulak nya yun chicken sandwich sa akin. “Ikaw na ang kumain nitong chicken sandwich, para kung may lason o anuman kang inilagay dyan, eh  sa iyo eepekto at hindi sa akin.” Sabi nya.

“Hindi ko naman gagawin yun sa iyo.” sagot ko.

“Saka dapat lang na busog ka habang nagmamaneho, mahirap nang may mangyari sa iyo.  Alalahanin mo pasahero mo ako, at mahal ko pa ang buhay ko.” Sabi nya, sabay abot nya sa akin nung coke.  “Sa iyo na ‘tong softdrinks, tubig lang ako.” Sabi nya saka sya tumayo pero pinigil ko para ako na lang ang kumuha ng tubig.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon