Anna's POV
Alam ko malapit na ang finals, pero bakit feeling ko first day of school? Para kasi akong ibang tao, kahapon lang pumasok ako na single pa, pero ngayon biglang may boyfriend na agad at hindi na fake boyfriend, tutoong boyfriend na nagbubukas ng pinto ng kotse para sa akin, nagbibitbit ng mga libro ko at ang pinakamatindi, ka-holding hands ko habang papunta sa classroom namin. Hanggang sa makarating kami sa may hagdan kung saan kailangan kong nang pumanhik para sa first subject ko, ayaw pa rin bitawan ni Dondi ang kamay ko.
"O babay na, magkita na lang tayo mamayang uwian." Sabi ko, pero ang lalaking maputla, nagpatiuna sa akin at hinila ako paakyat. "Huy, dun po ang klase mo, hindi dyan sa taas." Komento ko.
"Alam ko, ihahatid kita sa room mo." Sabi ni Dondi.
"Hindi na kailangan, keri ko na yan." Sabi ko.
"Hindi, ihahatid kita, maaga pa naman eh." sagot sa akin ni Dondi at mas humigpit at hawak sa kamay ko kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa classroom namin, paano ba naman habang naglalakad kami sa hallway, mas madalas na nakatungo ako, kasi pinagtitinginan kami ng nga estudyanteng nadadaanan namin.
"Eto na room ko, sige na, Yabs. Baka ma-late ka pa sa klase mo." Sabi ko.
"Dito din yung huling klase mo di ba, sunduin kita mamaya ha." Sabi nya sa akin.
"Sira ka ba, anong susunduin, dun ka sa kotse mo maghintay. Hindi mo ako kailangang sunduin. Sweet sana pero awkward ang pakiramdam, kaya sa kotse mo na lang ako hintayin." Sabi ko at si Dondi, walang sinabi bagkus, tumitig lang sa akin. "Sige na Yabs, babay na." sabi ko habang unti-unting hinihila ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Wala bang goodbye kiss?" tanong ni Dondi.
"Goodbye punch gusto mo?" sagot ko.
"Joke lang naman, sige na nga punta na ako sa klase ko." Sabi nya at hinatid ko sya ng tingin habang lumakad papalayo, nung bigla na lang syang huminto, at lumakad pabalik sa akin. "May nakalimutan akong sabihin." Sabi nya.
"Ano po yun?" tanong ko.
"Alam mo ba, sa dinami-dami ng mga babaeng nakasalubong at nakasabay natin ngayon walang mas maganda kesa sa iyo. Ikaw ang pinakamaganda sa kanilang lahat." Bulong nya sa akin na ikinatulala ko. "Babay na Sung, mamaya na lang ulit" sabi nya bago halos patakbong umalis.
Pwede bang magmura, gusto kong magtatalon sa sobrang dami ng kilig ko dun sa sinabi nya. Sa tanang buhay ko, wala pang nagsabi sa akin ang ako ang pinakamaganda sa lahat, maliban kay Mama Rio.
"Pssttt ... hoy .. Cristina, halika nga dito" Tawag ni Paolo sa akin kaya lumapit na ako at naupo sa gitna nila ni Isay.
"Anong palabas yun? Sino na naman ang nanghaharot dyan sa fake mong boyfriend at kailangang magka-holding hand pa kayo?" tanong ni Isay.
"Anong palabas ang sinasabi mo dyan Isay? Walang nanghaharot kay Yabs, kaya walang palabas at wala nang palabas simula sa araw na ito." Sabi ko habang ramdam na ramdam ko pa ang malapad kong ngiti dahil sa sinabi ni Dondi kanina.
"Anong ibig mong sabihin na wala nang palabas simula ngayon, kayo na na ni Dondi, hindi na kunwari si YabSung?" tanong ni Paolo.
"Alam ba ni Mama Rio yan?" tanong ni Isay.
"Tumahimik kayong dalawa, ayan ng si Sir, mag-concentrate kayo sa lesson natin." Ang sabi ko para iwasang sagutin ang sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
Fiksi PenggemarSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...