37 - Problemado

832 125 14
                                    

Dondi's POV
Ilang araw na ang lumipas at pareho ang routine namin ni Anna, susunduin ko sya sa bahay nila at ihahatid din pagkatapos ng klase nya.  Nasasanay na nga ang sistema ko sa ganitong routine mula Lunes hanggang Sabado, minsan may bonus pang Linggo kapag nagpapa-tutor ako.

Minsan isang gabi, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa Lolo ko, kasi papasok pa lang ako ng bahay, ang laki na ng ngiti nya sa akin at masaya nya akong tinanong kung kumain na ako.  Nung sinabi kong hindi pa, sya ang mabili na pumunta sa kusina para ipag-hain ako.

“Ayos ka lang Lo?” nagtataka kong tanong habang ipinag-hahain nya ako.

“Oo naman apo, parine at kumain ka napara makapag-pahinga ka na.  Maaga pa ang pasok mo bukas eh.” sabi ni Lolo.

“Nasaan po si Lola?” tanong ko.

“Nasa kwarto at nagpapahinga na, maaga pang pupunta sa palengke yun para makapag-umpisa nang magluto bukas.” sagot ni Lolo.

“May handaan po ba bukas? Ano po ang okasyon? Bakit parang napaka-espesyal naman  po yata.  Napansin ko po, bagong palit ang kurtina. Ano po ang okasyon Lo? Bakit parang espesyal po yata?” tanong ko.

“Hindi ba nabanggit ng Papa mo nung huli kayong nag-usap?” tanong pabalik ng lolo ko.

“Ang alin po?  Hindi naman po kami masyadong nakapag-usap kasi papasok na pa ako nung tumawag sya” sagot ko.

“Diyaske talaga yang Papa mo, hindi pa sinabi sa iyo para hindi ka gumawa ng lakad sa Linggo.” Sabi ng Lolo ko na lalong ikina-pagtaka ko.

“Ano po ba meron Lo?” paulit kong tanong.

“Aba eh darating sa Linggo ng hapon ang Papa at Mama mo, kasama yung dalawang kapatid mo. Alas kwarto daw ang lapag ng eroplano apo.  Hindi na lang siguro ako sasama sa iyo pag-sundo sa kanila at hindi naman tayo kakasya lahat sa sasakyan.” Sagot ng Lolo ko.

“May lakad po ako sa Linggo, Lo.  Pwede naman sigurong mag-grab na lang sila, pwede naman silang magpa-assist sa mga tao sa airport para tulungan silang kumuha ng sasakyan nila” walang gana kong sagot.

“Ano ka ba naman Edmundo, hindi ba’t matagal mo nang hinintay na makauwi ang Papa at Mama mo?  Eto na apo, darating na sila sa Linggo, hindi ka ba natutuwa?” tanong ni Lolo, pero nanatili akong hindi nagsasalita at ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. “Hindi ko naman maiaalis sa iyo na sumama ang loob mo sa Papa at Mama mo, pero sana naman apo, maintindihan mo sila, para iyo din naman ang ginagawa nila eh.” sabi ni Lolo.

“Hindi po para sa akin Lo, para lang po sa sarili nila yung ginagawa nila” sagot ko.

“Apo, kahit ano ang mangyari, hindi mo maiaalis na sila ang mga magulang mo.  At naniniwala ako na hindi naman nila gustong maiwan ka dito.” Paliwanag ni Lolo.

“Bahala na po, Lo.  May exam po ako next week, pag Sunday lang po available yung tutor ko.” matabang kong sagot kay Lolo Vito. Hindi na sya kumibo pagkatapos kong sabihin yun, at hinayaan na lang nya akong tapusin ang pagkain ko.

So eto pala yung sinabi ng Papa ko sa akin nung isang araw na sa wakas matutupad na raw ang pangarap ko.  Akala ko, yung pag-aaral ko ang tinutukoy nya, yung pag-uwi pala nila. 

Nagmamadali kasi ako nung mga oras na yun, kasi late na akong naka-alis ng bangko at susunduin ko pa si Anna kaya saglit na saglit lang ang pag-uusapn namin ni Papa sa phone.

Ano nga ba ang dapat kong maramdaman?  Parang wala naman, nasanay na kasi ako na wala sila kaya hindi na kawalan kung umuwi man sila o hindi.  Saka bakit kasama pa ang dalawa kapatid ko, magdadala pa sila ng alagain.  Ang natatandaan ko, kaya hindi sila makaalis ng New Zealand ay dahil sa dalawang kapatid ko, pwede naman palang bitbitin ng Pilipinas, bakit hindi nila ginawa noon pa?

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon