Epilogue - After Honeymoon

1.1K 115 46
                                    

Dondi's POV

Nakakatuwang isipin na kahit tatlong taon na ang nakakaraan, buhay pa rin ang YabSung FB page. Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Paolo at Isay na kahit sobrang busy na nila sa work nila, nakukuha pa rin nilang samahan si Anna sa pag-update ng fanpage.

Si Ms. Cortez, mas lalong sinipag mag-update simula nung gawin naming ninang sa kasal namin ni Anna. At dahil sa suporta nya, hindi na kami nagdalawang isip ni Anna na pumayag sa hiling nya na magkaroon ng panibagong round ng Q & A sa YabSung FB page.

Gamit ang laptop ng bawat isa, masaya naming sinagot ang mga tanong ng mga followers namin.

MsCortez Fresh from your honeymoon, kamusta naman ang bagong kasal?

Reply:

Mr. Yabs Nakakapagod pero masarap

Ms. Sung Huyy Yabs, anong nakakapagod at masarap ang sinasabi mo dyan?

Mr. Yabs Yung byahe natin ang nakakapagod, pero masarap sa pakiramdam kasi magkasama at unang byahe natin ito na tayong dalawa lang. Ano ba ang iniisip mo Mrs. Talatala.

Ms. Sung Tse!!!!!

VanessaVitug Ilan ang gusto nyong anak YabSung?

Reply:

Mr. Yabs Ilan ba ang kaya Mrs. Talatala?

Ms. Sung Ako pa ba ang tatanungin mo eh everyday ang vitamins ko. Bring it on Babe.

Mr. Yabs Uy!

VanessaVitug Kung isasama ka Yabs ng Papa mo sa lugar kung nasaan sila, sasama ba kayo ni Sung?

Reply:

Mr. Yabs Hindi pa namin yan napapag-usapan.

Ms. Sung Kung nasaan ang asawa ko dun din ako.

Mr. Yabs Kinilig ako dun sa 'asawa ko' Sung. 😍😍😍😍😍

minniemouse83 YabSung, ano ang naging gift ninyo sa isa't-isa on your wedding day?

Reply:

Mr. Yabs Nakakatuwa na parehong St. Benedict medallion ang wedding gift namin sa isa't-isa

Ms. Sung Naniniwala pa rin ako na ginaya mo ako, may nag-squeal sa iyo ng wedding gift ko at itago na lang natin sa pangalang Adeliza

Adeliza Wala akong kinalaman dyan.

Ms. Sung   #DenyPaMore

RizzaElomina Ano soot ni Mama Rio sa kasal nyo?

Reply:

Mr. Yabs Nakabarong po sya na kulay baby pink.

adolforichard124 How was the feeling nung waking up with each other every morning?

Reply:

Mr. Yabs Masaya

Ms. Sung Nung una naninibago ako, kasi sanay akong mag-isa lang sa kwarto paggising.

Mr. Yabs Kamusta naman ngayon, Sung?

Ms. Sung Hindi na ako sanay na walang katabi pagtulog at hindi ikaw ang unang nakikita ko paggising.

MarisilSalvan Now that you are starting a new chapter in your life, as a married couple, do you plan to have children immediately or will you wait so that you can enjoy your married couple life a little bit longer?

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon