Anna's POV
Grabe ang tagal naman ni Mama Rio, kailangan ko nang pumasok sa school. Bakit ba kasi inuna pang dumaan sa office ni Sir Lance kesa dumiretso dito sa tindahan?
"Boyet, puntahan mo na kaya si Mama Rio sa office ni Sir Lance, baka napakwento na naman yun, malamang ma-late ako sa klase ko" utos ko kay Boyet
"Bakit ka pa nagmamadali eh ang aga na naman. Saka baka mapagalitan ako ni Mama Rio kapag pinutahan ko sya sa bangko" sagot sa akin ni Boyet
Tutoo naman na maaga pa kung ordinaryong araw, pero may exam ako today kaya gusto kong maagang pumasok today.
"Sasabihin mo lang naman na maaga akong papasok ngayon, paanong magagalit yun. Siguradong magmamadali pa yun papunta dito sa tindahan" sagot ko kay Boyet at kamot ulong sumunod sa akin.
Wala pang ilang minuto, nakita ko na silang naglalakad papalapit sa tindahan. "Sabi ko na iyo pinsan eh, ayan pinagalitan ako ni Mama Rio kasi iniwan daw kitang mag-isa dito sa tindahan" angal ni Boyet.
"Alam ko namang maaga kang papasok ngayon anak, hindi mo ako kailangang ipasundo. Sinabi ko na sa iyong ayokong naiiwan kang mag-isa dito sa tindahan" sabi ni Mama Rio
"Baka lang kasi makalimutan mo Ma na may naghihintay sa iyo. Kapag kasi nakahuntahan na kayo ni Sir Lance nakakalimutan mo na ang oras" pangangatwiran ko
"Eto naman alam mo namang parang nakababatang kapatid ko yang si Sir Lance. Sa akin na nga lang nagsasabi ng mga problema nya" sagot ni Mama Rio
"Palibhasa alam ni Sir Lance na amoy na amoy mo ang kulay berdeng dugo nya kaya mabait sya sa iyo" sabi ko at bigla akong piningot ni Mama Rio
"Wag mo na ulit sasabihin yan, hindi berde ang dugo ni Lance" pagalit na sinabi ni Mama Rio
"Pinagtatanggol mo pa, kung hindi berde ang dugo nya, bakit wala pa syang asawa hanggang ngayon? At siguro tutoo yung kutob ko na may crush ka talaga kay Sir Lance kaya abot langit ang pagtatanggol mo sa kanya" sabi ko.
"Malisyosang batang 'to, sadyang mabait lang yung tao kaya magaang ang loob ko sa kanya. Pakiramdam ko nga magkapatid kami nung past life namin eh" sagot ni Mama Rio
"Wag ka nang magdeny Ma, promise hindi ko ipagsasabing crush mo si Sir Lance" sabi ko
"Kapag hindi ka tumigil hindi na kita papayagang sumama sa mga kaibigan mong maglamyerda sa Sabado. Ano sige hirit pa" pagbabanta nya. Syempre naman shut-up na 'ko, eh lamyerda na ang pinag-uusapan.
"Hindi na nga, ikaw 'tong marami pa ring sinasabi eh, kita mo nga at nagliligpit na po" sabi ko
"Mabuti pa nga pumasok ka na" sabi ni Mama Rio. "May ginawa akong egg sandwich para baon mo. Nilagay ko muna sa loob ng oven toaster at baka maunahan ka ng mga mababait" pahabol nya at hindi maiwasang yakapin sya nang mahigpit
"Ohhh ang bait talaga ng Tatay ko. Alam mo po, ako na talaga ang pinaka swerte kasi yung tatay ko at nanay ko roll-in-one, mahal na mahal po talaga kita Mama" sabi ko habang pinapaulanan ko sya ng halik.
"Anak, tatay mo lang ako, yung nanay mo nandun sa ibang bansa. At naniniwala akong hindi ka nya nakakalimutan" seryosong sabi ni Tatay.
"Alis na po ako Ma, baka ma-late ako" bigla kong sinabi at nagmadaling umalis ng tindahan.
Hindi talaga ako komportable kapag pinag-uusapan ang biological mother ko. Hindi ko na nga matandaan kung ano ang itsura nya kasi baby pa ako nung umalis sya wala akong natatandaang pagkakataon na umuwi sya para magkita naman kami.
Dondi's POV
Ang bilis matapos ng araw, hindi ko namalayan na shift-end ko na. Makakauwi na ako at makakapagpahinga na ako para sa panibagong araw bukas. May oras pa rin ako para makapag-dota kahit 2 hours lang. Excited na rin ako sa pasalubong kong mansanas para sa Lolo at Lola ko.
"Tapos na shift mo Dondi?" Tanong ni Boss Lance
"Opo, magpapalit na po ako ng damit para makauwi na" sagot ko
"Pwede bang makisuyo sa iyo?" tanong si Boss Lance na medyo nahihiya pa
"Oo naman po, may iuutos po ba kayo?" sagot ko
"Naiwan kasi ni Mama Rio 'tong shawl nya sa opisina ko, paki daan mo naman sa kanya anyway, dun din naman ang way mo pauwi" sabi ni Boss Lance
"Ok lang naman po, pero hindi ko po alam kung saan pupuntahan si Mama Rio" sagot ko habang iniaabot ni Boss Lance ang balabal ni Mama Rio.
"Diretsuhin mo lang 'tong kalsada natin, dun sa pangalawang kanto, hanapin mo yung 'No Left turn' na sign, sa kantong yun ang tindahan ni Mama Rio. Hindi ka naman magkakamali kasi yun ang unang tindahan ng prutas na makikita mo mula dito sa bangko" sabi ni Boss Lance.
"Sige po, ako na po ang bahala Boss" sagot ko
"Maraming Salamat, ako sana ang magdadala kaso mamayang alas sais pa ang uwi ko" sabi ni Boss Lance.
"Wala pong problema Boss, sige po magpapalit na po ako ng damit para maka-uwi na. Bukas na lang po ulit" sabi ko at tinanguan lang nya ako.
Hindi naman ako nahirapang hanapin ang tindahan ni Mama Rio, malapit lang sa bangko, nasusumigaw pa ang 'No Left Turn' sign ang nakasabit sa posteng katabi ng tindahan ng prutas. Hindi naman pala pipitsugin ang tindahan ni Mama Rio, malaki at maayos rin. Sariwa ang mga tindang prutas.
Pumarada muna ako sa harap ng tindahan nya at ibinaba ang salamin ng kotse ko saka ko sya tinawag "Mama Rio". Mabuti naman at narinig nya ako agad kahit busy sya sa cellphone nya.
"Uy, Tisoy" sabi nya na may malaking ngiti sa labi. "Siguro nagka-crush ka sa akin kaya hinanap mo agad ang tindahan ko" pagbibirong sabi nya
"Pinapabigay po si Boss Lance, naiwan nyo daw po sa opisina nya" sabi ko sabay abot nung shawl nya.
"Hay salamat at dun ko lang pala naiwan, akala ko nalaglag na sa jeep. Maraming salamat ha, buti na lang naibalik 'to sa akin. Regalo kasi 'to ng anak kong si Cristina, magagalit yun sa akin kapag naiwala ko" tuloy-tuloy nyang pagsasalita
"Malapit lang po pala kayo sa bangko. Pwede po pala akong dumaan dito palagi para bumili ng prutas para sa Lolo at Lola ko" sabi ko. "Mukhang mas maganda pong dito bumili kasi mas maraming pwedeng pagpilian" dagdag ko
"Ok lang naman na dalhin ko yung mga prutas sa iyo kung meron kang special request. Hingin mo kay Sir Lance yung number ko para mai-text mo ako agad kung may gusto kang bilhing prutas para hindi mo na kailangang pumunta dito" sabi ni Mama Rio
"Maraming Salamat po. Sige po, hihingin ko kay Boss Lance yung number nyo pag kailangan. Pero siguro mas maganda po kung sasadyain ko na lang itong tindahan nyo para mas makapili ako ng gusto ko. Saka ayoko na po kayong abalahin pa" sagot ko
"Walang kaso yun, kahit ngayon pa lang kita nakilala magaang ang loob ko sa iyo, yung salitaan natin kanina, biro ko lang yun. Pero bahala ka kung gusto mong dito bumili, walang kaso yung sa akin. Ibibilin na lang kita sa anak ko at sa pamangkin ko para mabigyan ka nila ng discount. Sayang at wala si Boyet para makilala ka na nya" matipid na sabi ni Mama Rio
"Ngayon pa lang po maraming salamat na po sa discount. Aalis na po ako" paalam ko para kasi pakiramdam ko humahaba na ang usapan naming eh.
"Sige mag-iingat ka sa pagmamaneho ha" sabi ni Mama Rio bago ako tuluyang umalis
Pero mga ilang metro pa lang akong nakakalayo, isang pamilyar na sasakyan ang nakasalubong ko. Hindi ako pwedeng magkamali, eto yung pick-up na bumangga sa akin kaninang umaga. Akalain mo nga naman, inilalapit talaga ako ng tadhana sa sisingil ko sa pag-papagawa ng kotse ko, akala siguro nung masungit na yun eh matatakasan nya ako.
************************
Hay naku Dondi, kahit takasan ka ng masungit na bumangga sa iyo, siguradong paglalapitin pa rin kayo ng tadhana. 😉😛😊
Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
