Anna’s POV
Ngayon ang araw na ilalabas na ang nanay ko sa hospital. Kahit anong pakiusap ko kay Lola Cora, ayaw nyang pumayag na hindi sa kanila iuuwi ang nanay ko. Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay pinayagan nya akong manatili sa bahay ni Mama Rio dahil mas malapit sa school.
“Aba naman Cristina, anong oras mo pa balak magbihis? Nagtext na ang Lola Cora mo at papunta na raw sila ni Dondi sa hospital.” Sabi ni Mama Rio sa akin.
“Ma, bakit ba kailangang kasama pa si Dondi? Pwede namang tayo na lang sumundo kay Nanay sa hospital.” tanong ko.
“Si Dondi ang may sasakyan eh.” sagot ni Mama Rio.
Ilang araw na rin kasi na hindi kami nag-uusap ni Dondi. Simula nung nalaman kong ang tungkol sa nanay ko at kay Lola Cora, pinahinto ko na sya sa pagsundo at paghatid sa akin. Wala akong narinig kahit ano sa kanya, basta hindi na lang kami nag-usap at iniwasan na lang namin ang isa’t-isa. Kapag nagkakasabay kami sa pagdalaw sa nanay ko sa hospital, sa kotse na lang hinihintay ni Dondi si Lola Cora. Pareho naman naming hindi gusto ang mga pangyayari.
“Anak, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Bakit ba kasi hindi kayo mag-usap nang maayos ni Dondi, hindi yung mag-iiwasan na lang kayo bigla. Noon ko pa sinasabi sa iyo na hindi nyo maiaalis na hindi mag-krus ang landas nyo kaya kailangang mag-usap kayo nang maayos para hindi kayo mailang sa isa’t-isa kapag nakatira ka na kasama ni Dondi sa isang bahay.” Sabi ni Mama Rio.
“Ayokong tumira sa isang bahay kasama si Dondi, Ma. Hindi ko kayang makasama sya sa isang bahay kasi hindi ko maiwasang isipin na naging boyfriend ko ang sarili kong pinsan.” Sabi ko.
“Naging boyfriend mo ang pinsan mo, ibig sabihin ba break na kayo ni Dondi? Kaya ba hindi na kayo nag-uusap?” tanong ni Mama Rio.
“Yun naman po ang dapat di ba?” patanong kong sinagot si Mama.
“Ano ang sabi ni Dondi nung nakipag-break ka sa kanya?” tanong ulit ni Mama.
“Wala po, hindi pa po kami nagkaka-usap tungkol dyan, basta nag-iwasan na lang kami. Parang understood na lang na dapat itigil na namin yung kalokohan namin.” Sagot ko.
“Anak, hindi naman kalokohan ang magmahal, yun nga ang pinakamagandang pakiramdam sa lahat. Yung minahal ko kayo ng nanay mo, iyon ang pinakamasarap na pakiramdam para sa akin. Wag mong sasabihing kalokohan yung sa inyo ni Dondi kasi tutoo ang naramdaman nyo sa isa’t-isa. Yung nga lang, pagmamahal pala para sa isang kadugo. Akala nyo pag-ibig. Hayaan mo anak, darating din yun lalaking inilaan ng Diyos para sa iyo.” Sabi ni Mama Rio.
“Ma, pwede bang hindi na lang ako sumama sa paghatid kay Nanay sa bahay nila Dondi? Paki sabi na lang po, enrollment ngayon kaya kailangan kong pumunta sa school.” Sabi ko.
“Kailangan ko pa ba talagang magsinungaling, anak?” tanong ni Mama Rio.
“Ngayon lang po, Ma. Please po.” Nakikiusap kong sinabi kay Mama Rio.
“Hindi ba mas magandang sumama ka sa akin para makausap mo nang maayos si Dondi? Lalo ka lang mahihirapan kung patuloy kayong iiwas na harapin ang katotohanan. Alam kong masakit, pero kailangang gawin anak.” Sabi ni Mama Rio.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...