55 - Ang Tutoo

961 132 33
                                        

Anna's POV

Hindi naman sa ayaw kong sabihin kay Mama Rio ang tungkol sa amin ni Dondi, hindi lang talaga ako makakuha nang magandang timing.  Itong mga nakaraang araw kasi medyo balisa si Mama at ayaw namang sabihin kung bakit. 

Nung huli ko syang nakita na ganito ka-bothered ay nung nag-away sila ni Ninang Candy.  Sobra syang depressed noon at halos ayaw kumain hangga’t hindi sila nagkakabati ni Ninang.  Ang kaibahan lang  ngayon, nakakakain naman sya pero madalas nakatulala pa rin.  Kapag tinanong ko naman kung ano ang nangyayari sa kanya, pagod lang daw sya, ang malimit na isagot sa akin.

Minsan sa sobrang kapraningan ko, naiisip ko na baka alam na ni Mama yung tungkol sa amin ni Dondi at hinihintay lang nyang magsabi ako sa kanya.  Baka kaya sobrang malungkot sya kasi hindi ako tumupad sa usapan namin.

Isa pa itong si Dondi, araw-araw na lang kinukulit akong  sabihin na kay Mama ang tutoo.  Pakiramdam ko nga, bumibilang na lang ng araw itong si Yabs at kapag hindi na nakatiis, sya na mismo ang magsasabi kay Mama nung tungkol sa amin.  Pero paano ko ba kasi uumpisahang sabihin kay Mama ang tutoo?  Sabihin ko kaya kay Dondi na sabay na lang naming sabihin kay Mama, para isang galit na lang si Mama, at para na rin kung may itatanong sya na hindi ko kayang sagutin, nandyan si Dondi para saluhin ako.

Hindi ko namalayan na ganun na kalalim ang pag-iisip ko, kung hindi pa ako tinapik ni Boyet, hindi pa ako babalik sa wisyo ko.

“Anong nangyayari sa iyo, insan? Ala eh, pareho na kayo ni Mama Rio na laging tulala nitong mga nakaraang araw.” Sabi ni Boyet.

“May iniisip lang ako.” Sagot ko kay Boyet saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko ng pananghalian.

“Iba na talaga kapag may boyfriend eh, lagi na laang natutulala.” Pagbibiro ni Boyet.

“Ang ingay mo, kapag may nakarinig sa iyo gigilitan kita sa leeg.” Sabi ko. 

Alam na ni Boyet ang tungkol sa amin ni Dondi, eh di ba nga follower yan ng YabSung fanpage, nung sumabog yung holding hands namin ni Dondi, hindi ako tinigilan nitong pinsan ko hangga’t hindi ako umaamin na totohanan na yung relasyon namin ni Dondi.

“Kung ikaw ba naman eh, nagsasabi na kay Mama Rio, eh di wala ka sanang ganyang alalahanin.” Sabi ni Boyet at may katwira naman sya.

“Gusto naman nang sabihin sa kanya kaya lang hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa nang hindi sya magagalit, lalo na kay Dondi.” Sagot ko.

“Kahit paano mo pa umpisahan, sigurado namang magagalit yun kaya bakit pag-iisipan mo pa kung paano mo uumpisahan?” sabi ni Boyet.

“Salamat sa suporta ha, hindi ko na nga alam ang gagawin ko, may mga ganyan ka pang salitaan.” Sagot ko kay Boyet.

“Ang sa akin laang naman, insan, habang tumatagal yan, mas magagalit pa sa iyo si Mama Rio, kaya habang isang lingo pa lang ang nakakalipas eh magsabi ka na ng tutoo.  Hindi mo naman maiaalis na magalit sya, pero hindi ka naman matitiis nun, kaya sabihin mo na agad at tigilan mo na yang pag-iisip mo.” Sabi ni Boyet.

“Eh kasi, baka wrong timing ako.  Mukhang may problema si Mama, ayaw lang umamin.” Sabi ko.

“Baka ikaw ang hinihintay nyang umamin.” biglang sagot ni Boyet.

No Left Turn (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon