52 - Level Up

1.1K 134 47
                                    

Dondi's POV

Susmadre, bakit ba binigla ko si Sung, natulala na. Baka magalit ito sa akin, pero kung hindi ko naman bibiglain, baka lalong hindi ko masabi. Kaya lang, parang mas maganda yata kung dinahan-dahan ko lang.

"Naka-drugs ka ba, Yabs?" Sabi ni Anna.

"Mukha ba akong naka-drugs? Saka ano ba ang mali sa sinabi ko? Tutoo naman na gusto kita na magpanggap na girlfriend ko. Kasi sigurado akong hindi ka magkakagusto sa akin, safe na safe ang mga pangarap ko sa iyo." Paliwanag ko.

Grabe ang kabog ng dibdib ko kaya naisip kong bawiin ang sinabi ko. Natakot akong magalit si Anna sa akin kapag nalaman nya na tutoo ang feelings ko para sa kanya. Parang mas kaya kong magkaibigan na lang muna kami kesa layuan nya ako.

"Kinabahan ako sa iyo ha, akala ko kung ano na ang ibig mong sabihin." Sabi ni Anna.

"Bakit ka naman kakabahan, siguro crush mo 'ko, kaya na excite ka dun sa sinabi ko." Pagbibiro ko.

"Ang kapal ng mukha mo sa crush kita ha, naka-drugs ka nga." Sagot ni Anna.

"Grabe ka naman sa akin, kung magsalita ka para namang wala nang pwedeng magka-crush sa akin." Sagot ko at bigla syang tumahimik, akala siguro nya na-offend ako sa sinabi nya.

Matagal bago sya nagsalita ulit, "Likeable ka naman, kahit mayabang." Sabi ni Anna. Isang simpleng salita pero ang lakas magpabilis ng tibok ng puso.

"Eh di crush mo nga ako, siguro kapag niligawan kita malamang sagutin mo ko agad ng oo." Patuloy kong panunukso

"Ang sabi ko likeable ka, hindi ko sinabing like kita." Sagot ni Anna. "Atsaka bakit ba tayo napunta sa ganitong usapan. Ang alam ko, kaya tayo nandito eh kasi may sasabihin ka sa akin. Tapos sabi mo pinag-iisipan mo pa kung sasabihin mo nga sa akin o hindi na lang. Bangag ka ba, Yabs o may matinding pinagdadaanan lang? Ano ba talaga yung gusto mong sabihin sa akin?" sabi ni Anna.

"Matanong nga kita, kapag tutoong nanligaw ba ako sa iyo, may pag-asa ako?" tanong ko.

"Wag mo akong sagutin ng isa pang tanong, atsaka ang layo ng sagot mo sa tanong ko." Angal ni Anna.

"Eto naman, sagutin mo na lang muna yung tanong ko, habang nag-iisip pa ako." Sabi ko

Kahit naman ako, naiinis na rin sa sarili ko, kasi paligoy-ligoy ako. Pero hindi ko na kasi alam paano ko babawiin yung pang-babawi ko sa sinabi ko kanina. O di ba, confusing yung sinabi ko kasi kahit ako litong-lito na rin. Hindi ko nga alam kung pwede ko pang ma-redeem ang sarili sa kalokohang inumpisahan ko.

"Umuwi na nga tayo at walang namang kwenta itong pinag-uusapan natin." Sabi ni Anna.

"Sige uuwi na tayo pagkatapos mong sagutin yung huling tanong ko. Sige na Sung, gusto ko lang talagang malaman." Sabi ko kay Anna.

"Bakit mo naman gustong malaman? Teka lang siguro may crush ka na talaga, tapos pinagpapraktisan mo ko. Aysus, alam ko na ang sasabihin mo Yabs, gets ko na. Fishing ang peg mo eh, kukuha ka ng opinion sa akin kung liligawan mo yung crush mo. Sino ba yun, kilala ko ba?" tanong ni Anna.

"Tingnan mo ikaw, kapag ako ang sumagot ng nagtatanong, nagagalit ka. Tapos ikaw naman itong ganon ang ginagawa. Mahirap bang sagutin yung tanong ko, Sung?" pamimilit ko kay Anna.

"O sya, sige panalo ka na. Sasagutin ko na yung tanong mo." Sabi ni Anna.

"Sasagot din pala, ang dami pang paligoy-ligoy." Sabi ko.

"Katulad ng sinabi ko kanina, likeable ka naman. Kung manliligaw ka sa akin, siguro we can give it a try." Sagot ni Anna, na ang pakiramdam ko, umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Tutoo ba 'tong narinig ko, may pag-asa ako kay Anna kapag nanligaw ako sa kanya.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon