70 - Liwanag ng Buhay

909 133 34
                                        

Dondi's POV

Pagkatapos sabihin sa akin ni Lolo at Lola ang tutoo, mas gumulo ang utak ko. Pakiramdam ko pinapapili ako ng tadhana sa pagitan ni Anna at ng pamilya ko. Ilang araw ko nang dala-dala ang saloobin na ito at hanggang sa ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko.

Masyadong sensitibo ang nalaman ko tungkol kay Papa. Ayokong maging madamot sa mga taong nag-alaga sa akin nang mahabang panahon. Para sa akin, hindi tama na sa akin manggaling ang katotohanan tungkol sa tutoong pagkataon ni Papa.

Naiintindihan ko ang takot ni Lola Cora sa oras na malaman ni Papa ang tutoo. Alam kong mahal ni Papa si Lola pero hindi ko alam kung ano ang pwede nyang maramdaman, isipin at gawin sa oras na ipagtapat sa kanya nila Lolo at Lola ang tutoo. Pero ang tanong kailan nila balak sabihin kay Papa ang tutoo? Kung ako ang masusunod mas makakabubuting wag na lang nilang ipaalam ang tutoo para sa mas tahimik na buhay naming lahat, yan ay kung wala si Anna.

Sa araw-araw na dumadalaw si Anna kay Tita Isabel, hindi madali para sa akin ang itago ang nararamdaman ko para kay Anna lalo pa ngayon na alam kong pwede ko naman pala syang makasama sa hinaharap. Pero dahil ang alam ni Anna ay tutoo kaming mag-pinsan, sya na mismo ang umiiwas sa akin. Nagkukulong lang sya sa kwarto ni Tita Isabel kapag pumupunta sya sa bahay at halos si Tita Isabel lang ang kinakausap nya, maliban na lang kung may kailangan sya kay Lola.

Pero bilang respeto kay Lolo Vito at Lola Cora, pinili kong wag munang sabihin kay Anna ang tutoo, masyadong sensitibo ang usapin tungkol kay Papa at sila Lolo Vito at Lola Cora lang ang may karapatang magsiwalat ng katotohan sa kung kanina man nila nanaising sabihin ito. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang maghintay at magdasal na sana magkalakas ng loob ang Lolo at Lola ko na ipagtapat kay Papa ang katotohanan.

"Mabuti naman po at nakakalabas na kayo ng kwarto nyo, mas mainam po na magpahangin dito sa veranda paminsan-minsan." Ang bati ko kay Tita Isabel nung makita ko syang nakaupo sa veranda.

"Tama ka Dondi, mas maganda ngang paminsan-minsan eh magpahangin ako dito sa labas ng kwarto ko." sagot ni Tita Isabel. "Wala ka bang pasok?" tanong nya.

"Nag-resign na po ako sa trabaho ko para mas matutukan ko yung pag-aaral ko. Nagkausap po kaming mabuti ni Papa at hiniling po sa akin na sana, hayaan ko silang tustusan ang pag-aaral ko. At least pambawi man lang daw po ng matagal nilang pagkawalay sa akin" sagot ko.

"Natutuwa ako na magkasundo na kayo ng Papa mo. Wag kang magagalit ha Dondi, pero naikwento ni Nanay sa akin ang sitwasyon nyo ni Edgardo. Tama ang desisyon mong hayaan ang mga magulang mong pagtapusin ka ng pag-aaral, kasi responsibilidad nila yon sa iyo bilang mga magulang mo. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganyang oportunidad, yung hindi mo na kailangan pang magtrabaho para lang makapag-aral" Sabi ni Tital Isabel

"Yan din po ang sinabi ni Lolo, kaya nakipag-usap na po ako nang masinsinan kay Papa at nakipag-ayos bago sya bumalik sa New Zealand." Sagot ko.

"Napakabait mong bata Dondi, napakaswerte ng magiging asawa mo." Sabi ni Tita Isabel.

Sana naririnig nya ang isinisigaw ng puso at utak ko, 'Si Anna po ang gusto kong maging asawa'.

"Ayos ka lang ba Dondi? Bakit bigla kang natulala, nung binanggit ko si Anna?" tanong ni Tita Isabel.

"Tita Isabel, may gusto po akong sabihin sa inyo, sana po wag po kayong magagalit sa akin." Sabi ko.

"Tungkol ba ito kay Anna at sa iyo?" tanong ni Tita Isabel na ikinabigla ko. Paano nya nalaman ang tungkol sa amin ni Anna? "Si Mario ang nagsabi sa akin." Sabi nya na parang nabasa nya ang nasa isip ko.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon