Dondi's POV
Alam kong nalulungkot si Lola Cora sa desisyon ni Tita Isabel na sa bahay nila Anna tumira pero batid ko rin na naiintindihan nya ang desisyon na yun ng nanay ni Anna. Pero ako, hindi ko mapigilan ang maging masaya dahil sa pagdating ng nanay ni Anna. Para sa akin isa syang anghel na bumaba sa lupa para dalhin ang kasiyahan na inilaan ng Diyos para sa amin ni Sung.
"Wag mong papabayaan sila Mama at Uncle Vito ha, Dondi" sabi sa akin ni Tita Isabel habang nasa sasakyan kami para ihatid namin sya nila Lola sa bahay nila Mama Rio.
"Asus para naman kaming bata para ibilin mo sa mas bata pa sa amin. Matatanda na kami, kaya na namin ang sarili namin. Atsaka, huwag mo kami dyan ibilin kay Dondi dahil siguradong lagi namang wala yan sa bahay. Malamang mas madalas nay an sa bahay o sa tindahan nila Anna dahil hindi na sya nagtatrabaho." Sabi ni Lola Cora.
"Kaya nga ibinibilin ko kayo sa mas bata, Ma, kasi ikaw na rin ang nagsabi na matanda na kayo ni Uncle Vito." Sagot ni Tita Isabel kay Lola Cora. "Pero wala na po akong magagawa kung mapapadalas na pagdalaw ni Dondi sa bahay nila Mario, Ma." Dagdag nyang sinabi kay Lola.
"Ikaw ang huwag magpapabaya sa sarili mo, alalahanin mo na hindi ka pa lubos na magaling. Huwag mong bigyan ng alalahanin ang anak mo at si Mario." Sabi ni Lolo Vito.
"Wag po kayong mag-alala Uncle, sisiguraduhin ko pong hindi ako magiging pabigat sa anak ko at kay Mario. At paki sabi nga po pala kay Edgardo, maraming salamat sa pagbigay sa akin ng private nurse." Sabi ni Tita Isabel.
"Hayaan mo at kapag tumawag si Edgardo sasabihin ko sa kanya na nagpapasalamat ka sa kanya." Sagot ni Lolo Vito.
"Pwede naman kasing kami ang mag-alaga sa iyo eh, bakit ba kukuha pa ng private nurse." Angal ni Lola Cora.
"Lola mas mabuti na po yung mayroong private nurse, mas alam po kasi nun ang gagawin nya para mas mabilis gumaling si Tita Isabel." Sagot ko.
"Kahit naman po walang private nurse, sigurado akong hindi ako papabayaan ni Mario at ni Anna." Sabi ni Tita Isabel.
"Pero gusto ko pa ring alagaan ka anak." Malungkot na sabi ni Lola Cora.
"Wag ka nang malungkot, sasamahan naman kita kapag gusto mong dalawin itong si Isabel." Sabi ni Lolo Vito.
"Maraming salamat po Uncle Vito." Sabi ni Tita Isabel.
Walang tigil akong bumusina dahil sa sobrang excitement na makita ko ulit si Anna. Nung kasagsagan kasi ng problema, sinadya naming hindi magtugma ang schedule namin sa school. At dahil nag-umpisa na rin sya sa OJT nya, madalang na syang dumalaw kay Tita Isabel sa bahay.
"Narinig na siguro nila, apo. Hindi mo na kailangang bumusina nang bumusina at nakakahiya sa mga kapitbahay nila." Saway ni Lolo Vito sa akin.
"Wag po kayong mag-alala, Lo. Ganyan po talaga ako dati kapag sinusundo ko si Anna." Sagot ko.
"Hayaan mo nyo na po si Dondi, Uncle. Ilang araw na kasi nyang hindi nakikita si Anna at siguradong miss na miss na nya ang girlfriend nya." sabi ni Tita Isabel at hindi ko mapigilang mapangiti ng sobrang lapad dahil sa sobrang kilig ko.
Si Mama Rio ang nagbukas ng gate para sa amin at tinulungan nya kami na maibaba ang mga gamit ni Tita Isabel habang inalalayan ni Lola Cora si Tita Isabel papasok ng bahay. Medyo nalungkot ako nung hindi si Anna ang sumalubong sa amin, at ngayon ko lang naalala na MWF nga pala ang schedule ng OJT nya kaya malamang na wala sya sa bahay ngayon
"Tuloy lang Nay Cora, pasensya na kayo at maliit ang bahay namin" sabi ni Mama Rio. "Nasa loob ng bahay ni Anna at naghahanda ng meryenda." Dagdag nya na ikinatalon ng puso ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
