Dondi's POV
Hindi talaga madali ang maging working student, halos wala na akong pahinga at oras para sa sarili ko. Pagdating ko sa bahay kailangan ko pang gumawa ng mga research o kaya mag-review para sa exam bago magpahinga at gumising ng napakaaga para magtrabaho. Saludo talaga ako sa mga working students na naitawid na matapos ang pag-aaral nila, kasi hindi naman talaga madali. Mabuti na lang may willing tumulong sa akin.
'Hello Dondi', 'Kamusta ka na Dondi', 'Magmeryenda naman tayo minsan Dondi', 'Ang gwapo mo naman ngayon Dondi' yan ang madalas kong marinig galing sa mga kaklase ko. Nung una, nakakatuwa pero habang tumatagal, nakukulitan na ako.
"Pssst Mr. Yabs" narinig kong tawag ni Anna habang naglalakad ako sa corridor palabas ng campus. Tumatakbo sya palapit s akin.
"Grabe akala ko may chat message ako na naconvert sa voice. May kailangan ka ba?" pagbibiro kong sabi nung nakalapit na sya sa akin.
"Sira ka, eto na yung librong tinatanong mo, hiram lang yan, hindi pwedeng bilhin kasi gingamit ko rin" sagot ni Anna bago ibinigay yung libro sa akin.
"Oo naman, may kailangan lang ako para sa research ko. Salamat ha, isoli ko na lang pagkatapos ko." Sagot ko.
"Pauwi ka na?" tanong nya.
"Oo, ikaw ba pauwi na rin? Gusto mong sumabay? Wala ka na ban klase?" tanong ko.
"Wala yung prof namin kaya, napaaga ang labas ko. Hindi pa ako pwedeng umuwi, hihintayin ko pa si Issay at Paolo. Nag-aya kasi si Paolo na mag-pizza, mukha may pinagdadaanan kaya sasamahan muna namin ni Isay at baka magpatiwakal" pagbibiro nyang sagot.
"Ok lang ba si Paolo?" tanong ko.
"Ok lang yun, malamang hindi na naman pinansin ni Jun kaya nag-iinarte." sagot ni Anna
"Saan mo sila hihintayin?" tanong ko.
"Bahala na, siguro dun sa bench, malapit sa building para makita ko sila agad paglabas nila" sagot ni Anna.
"Ganon ba? Samahan na kita." sabi ko at nakakatawa na nagulat sya sa sinabi ko.
"Huh? Sasama ka sa aming mag-pizza nila Paolo?" tanong nya.
"Sasamahan kitang hintayin sila Paolo, pagdating nila saka na lang ako uuwi?" sabi ko.
"Bakit?" nagtatakang tanong nya.
"Bakit naman hindi?" Tanong ko pabalik.
"Hindi naman na kailangan, thirty minutes na lang tapos na yung klase nila. Kaya ko nang maghintay sa kanila mag-isa." Sabi ni Anna.
"Sige na samahan na kita para hindi ka mainip" sagot ko.
"Ok lang nga ako, saka pauwi ka na di ba? Sige uwi na" sabi nya.
"Ang kulit mo, sinabi nang sasamahan na lang kita eh" sagot ko sabay hawak sa kamay nya at pahila kong dinala sa bench na malapit sa entrance ng building.
"Ikaw ang makulit, bitawan mo nga ako, kapag ako nadapa, sasapakin pa kita" matapang na sinabi ni Anna pero hindi ko pa rin sya binitawan.
"Makulit na kung makulit, upo!" pautos kong sinabi.
"Oh ayan nakaupo, ano na gagawin natin dito? Para kang tanga" inis na inis nyang sinabi.
"Ewan ko, ngayon lang naman ako tatamnbay dito. Pagkatapos ng klase ko umuuwi na kasi ako. Kayo ano ba usually ang ginagawa nyo kapag tumatambay kayo dito?" tanong ko saka tinapik ang tuhod nya para umusog sya at makaupo ako.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
