41 - Hypothetical Lang

856 122 20
                                    

Anna's POV

Katulad nung mga nakaraang araw, tahimik lang si Dondi habang papunta kami sa school. Hindi sya yung dating parang hindi nauubusan ng sasabihin. Yung tipo na, lahat ng nakikita nya may komento sya. Pero ilang araw na syang tahimik, at kung tahimik sya noong ilsng nakaraang araw, mas lalong naging tahimik ngayon. Taliwas ito sa inaasahan ko, kasi umasa ako na magiging masigla na sya kasi sa wakas nakauwi na rin ang parents nya.

"Wag mo na akong isabay mamayang uwian, ako na ang bahala sa sarili ko." Sabi ko para naman medyo ma-break ang ice. Ilang kilometro na kasi kaming nasa byahe pero hindi pa rin kami nag-uusap.

"Bakit may lakad ba kayo nila Pao at Isay?" tanong nya.

"Wala naman, may kailangan lang kasi akong gawin, may research work kami ng groupmates ko. Baka matagalan ako, kaya wag mo na akong hintayin." Sagot ko.

"Eh di mas lalong dapat kitang hintayin. Baka gabihin ka sa research work nyo, mas mahirapan kang sumakay." Sabi ni Dondi.

"Hindi pa naman punuan ang jeep kapag dyan ako sa harap ng campus naghintay." Sagot ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko? Nagagalit ka ba dahil sa ginawa ni Papa sa inyo kagabi?" biglang tanong nya at hindi ako nakasagot agad kasi hindi ko alam kung saan galing ang tanong na yun.

"Ay saan galing ang hugot mo Yabs? Tutoong may research work kami ng groupmates ko. Atsaka, mas kailangan mong umuwi nang maaga para makasama mo naman sa dinner ang parents mo. Sulitin mo na yung mga araw na nandito sila." Sagot ko.

"Wala akong kailangang sulitin. At wala akong balak baguhin ang nakagawian ko na dahil lang nandito sila. Isa hanggang dalawang buwan lang naman sila, tapos aalis na ulit at hindi ko na naman alam kung kelan sila babalik." Mahabang paliwanag ni Dondi. Ang tutoo naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang mga hugot nitong lalaking maputla.

"Ayaw mo ba silang bigyan ng chance?" tanong ko

"Sung, wag mo akong daanin sa mga pachance-chance na yan, hindi mo ako mapipilit kung ayaw ko. Hihintayin kita sa ayaw o sa gusto mo. At wag kang magtatangka na takasan ako kasi dun ako magpa-park sa pwesto na makikita ko ang pumapasok at lumalabas mula sa dalawang gate." Pagbabanta ni Dondi.

"Bakit naman kita tatakasan eh libreng pamasahe ka. Ang sinasabi ko lang pwede namang hindi mo na ako hintayin kasi matatagalan ako at para magkaroon ka ng time na maka-bonding ang pamilya mo." Mahaba ko ring paliwanag.

"Ang daming sinabi, paulit-ulit lang naman." Komento ng lalaking maputla, kung hindi ko lang alam na may pinagdadaanan 'to, kanina ko pa 'to kinutusan.

"Bahala ka na nga sa buhay mo, maghintay ka kung gusto mo. Pero kapag naiinip ka, maiintindihan ko kung mauuna ka nang umalis." Sabi ko kasi alam ko namang hindi ako mananalo dito kay Dondi.

"Kahit ikaw pa ang magsara ng campus, hihintayin pa rin kita" sabi nya.

"Bahala ka nga, hindi ka naman magpapapigil." nagtataray ko sagot.

"Mabuti naman at alam mo. Saan ka ba magreresearch?" tanong nya.

"Sa library lang para tahimik, saka at least doon pwedeng mag-charge ng laptop" sagot ko.

"Sino-sino ba ang mga ka-groupmate mo?" tanong nya.

"Si Melody, si Beth at si Barbara" sagot ko.

"Mabuti naman at puro babae kayo." sabi nya na ikinagulat ko kasi hindi ko alam kung saan na naman galing yung sinabi nya.

"May problema ba kung hindi kami puro babae?" tanong ko at umaasa ako ng matinong sagot.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon