50 - Balisa

948 129 23
                                        

Dondi's POV

Hindi ko alam kung ano meron sa araw na ito pero parang hindi ko maintindihan bakit ganito ang kabog ng dibdib ko.  Siguro dahil hanggang ngayon wala pa yung kareliyebo ko sa duty.  Hindi sya pwedeng ma-late dahit pagpatak ng alas dos aalis na talaga ako.  Kailangan maaga akong magkasundo si Anna kasi ipinangako ko yun sa kanya.

“Huy, kanina ka pa parang pusang hindi mapa-anak dyan.  Ano ba ang nangyayari sa iyo?” Tanong ni Ate Judith nung pumasok sya sa pantry.

“Kakain ka na Ate?” tanong ko sa kanya.

“Kukuha lang ako ng tubig.  Ano na, bakit hindi ka mapakali?” tanong nya ulit.

“Si Fred kasi eh.” sabi ko.

“Nakaleave sya ng tatlong araw di ba, may nangyari ba sa kanya?” tanong ni Ate Judith.

“Kaya nga eh, kung kailan kailangan ko sya saka naman sya wala.” Sagot ko.

“Ano ba ang kailangan mo at hindi ka mapakali?” Tanong ulit ni Ate Judith.

“Yung kareliyebo nya kasi baka hindi dumating ng maaga, kailangan ko umalis agad.  Hindi ako pwedeng ma-late sa pagsundo kay Anna.” Wala sa sarili kong naisagot kay Ate Judith at huli na para bawiin ko pa.

“Sinusundo mo si Anna? Sabay kayong pumapasok sa school? Alam ba ni Mama Rio yan?” sunod-sunod na tanong ni Ate Judith.

Shhhh … wag kang maingay, baka marinig ka ni Boss Lance.” Saway ko sa kanya.

Kaya naman pala kung umasta ka parang buhay mo ang nakataya dyan.” Sabi ko Ate Judith.

“Grabe ka naman sa buhay na nakataya, hindi ba pwedeng lovelife muna ang nakataya?” Sagot ko na ikinalaki ng mata ni Ate Judith.

“Nampucha, kayo na ba ni Anna, takot kang magalit si Anna eh? Andres de sya ang peg mo Dondi?” pagbibiro nya.

“Hindi kami ni Anna.  Hindi PA.” sagot ko.

“Wow ha, ang lakas ng loob magsabi ng HINDI PA.  Eh dyan sa asta mo, mukhang hindi alam ni Mama Rio na nanliligaw ka kay Anna” komento ni Ate Judith.

“Hindi pa rin, kasi hindi pa naman ako nanliligaw kay Anna.” Sagot ko.

“Huh? Bakit ganon?  Kelan mo uumpisahan.” Tanong nya.

Hindi ko pa alam, tinatantya ko pa si Sung, baka bigla akong iwasan eh.” sagot ko.

“Sino si Sung?” tanong ni Ate Judith.

“Si Anna si Sung, yun ang tawag ko sa kanya.” Sagot ko.

“Hindi pa kayo, pero may tawagan na? Ganyan na ba ang uso ngayon?” komento ni Ate Judith.

“Sa tingin mo Ate Judith, may pag-asa kaya ako kay Anna?  Hindi kaya magalit yun sa akin kapag nagsabi ako na manliligaw ako sa kanya? Natatakot kasi ako na magalit sya sa akin kapag nalaman nya yung feelings ko sa kanya, o kaya baka iwasan nya ko.” sagot ko kay Ate Judith.  Hindi na ako nahiya sa kanya na magsabi ng saloobin ko, kasi tiwala ako na hindi naman nya ipagsasabi ang pinag-usapan namin.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon