Anna’s POV
Ilang linggo na ring nakatira si Nanay sa bahay nila Dondi at ilang linggo na rin akong hindi komportable na dumadalaw sa Nanay ko. Kahit ano kasi ang gawin ko, hindi ko maiwasan na hindi makita si Dondi, kahit pa halos magkulong na ako sa kwarto ni Nanay, may pagkakataon pa rin na nagkakasalubong kami.
At ngayon na nakakalabas na si Nanay ng kwarto, mas humirap ang sitwasyon para sa akin dahil mas malamang na magkita kami ni Dondi kesa hindi.
“Sigurado ka bang okay ka lang sa veranda, Nay?” tanong ko kay Nanay habang inaalalayan ko sya palabas ng kwarto nya.
“Mas gusto ko dun sa veranda, mas mahangin at pakiramdam ko, hindi ako nakakulong.” Sagot sa akin ni Nanay.
“Mas maigi nga na nasa labas ng kwarto ang Nanay mo, apo. Tingnan mo nga at hindi na sya maputla.” Sabi naman ni Lola Cora.
“Nasaan si Dondi, Ma?” biglang tanong ni Nanay kay Lola Cora.
“Pumunta sa school, may aasikasuhin lang daw sya.” Sagot ni Lola Cora. “Ikaw ba apo, wala ka bang pasok ngayon?” tanong ni Lola sa akin.
“TTHS na lang po ang klase ko ngayon, Lola. Mag-uumpisa na rin po ako ng OJT ko next week. Kaya baka hindi na kita madalas madalaw, Nay.” Malungkot kong sinabi.
“Nakakalungkot naman yang balita mo, pero para sa pag-aaral mo anak, pero naiintindihan ko.” Sagot ni Nanay.
“Kaya nga magpagaling ka agad para ikaw naman ang dadalaw kay Anna sa bahay nila ni Mario.” Sagot ni Lola Cora.
“Eh kung duon na lang kaya ako sa bahay ni Mario, Ma. Para lagi ko ring kasama si Anna.” Sabi ni Nanay at pareho kami ni Lola na hindi agad nakapagsalita.
“Ayaw mo bang kasama ako anak?” malungkot na tanong ni Lola kay Nanay.
“Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin, Ma.” Sagot ni Nanay kay Lola.
“Anak, kung dahil ito dun sa pinag-usapan natin kagabi, di ba sinabi ko naman na sa iyo na walang mababago. Anak kita, sa puso at isip ko.” Sagot ni Lola kay Nanay at aaminin ko na medyo nalito ako sa pinag-uusapan nila.
“Ma, alam ko naman na mahal mo ako, kaya sana maintindihan mo na gusto ko rin namang maranasan ng anak ko na makasama nya sa iisang bahay ang tunay nyang nanay at tatay.” Sagot ni Nanay kay Lola na mas lalo kong ikinalito.
Kung tama ang dinig ko na gusto ni nanay na makasama namin ang tatay ko, ibig bang sabihin makikilala ko na ang tatay ko? Kamukha ko kaya ang tatay ko? Iniisip ko pa lang , lumulundag na agad ang puso ko sa sobrang saya. Masaya na ako sa pamilya na meron ako ngayon, pero higit palang mas masaya kahit sa isip lang na may kumpleto akong pamilya, may nanay, may tatay at ako bilang anak.
Kaya lang kung iyon ang gustong mangyari ni Nanay, paano na si Mama Rio. Siguradong malulungkot sya. Parang hindi naman ako lubos na matutuwa kung ganun ang magiging sitawasyon namin. Halos buong buhay ko, si Mama Rio ang kasama ko, parang hindi ko kayang basta-basta ko na lang sya iwan.
“Mahabang panahon tayong nagkalayo, ngayon pa lang sana natin mababawi ang mga araw at oras na nawala para sa ating mag-ina.” Sabi ni Lola Cora.
“Pero Ma, sana maintindihan mo rin na dapat si Dondi ang dumadalaw kay Anna, imbes na si Anna ang dumadalaw kay Dondi.” Sabi ni Nanay at nabigla talaga ako.
“Nay, ano po ang ibig nyong sabihin?” tanong ko.
“Sinabi na sa akin ni Mario na boyfriend mo si Dondi. Wag kang mag-alala anak, botong-boto ako kay Dondi para sa iyo.” Sagot ng nanay ko na parang may sumanib na ibang espiritu.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
