51 - Pizza Date

1.2K 138 30
                                        

Anna's POV

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko pagkababa ko ng telepono. Ano kaya ang sasabihin ni Yabs sa akin na ayaw nyang marinig ni Paolo at Isay. Siguro may problema na naman yun sa Papa nya. Kawawa naman si Yabs tapos nag-inarte pa ako may problema pala sya pamilya nya, nakakaguilty naman.

Hindi rin nagtagal, ayun na nga si Yabs at bumubusina na. Nagmamadali akong lumabas matapos akong magsara ng bahay. "Lumipad ka ba?" tanong ko kay Dondi.

"Hindi naman matraffic kaya mabilis ang byahe ko." Sagot ni Dondi.

"Wala yata yung isa mo pang pasahero." Pagbibiro ko habang pasakay ng kotse.

"Hindi ka naniwala sa sinabi kong walang ibang pasahero, ikaw lang?" tanong ni Dondi.

"Joke lang naman, tara na. Tamang-tama, may time pa akong magpa-photocopy nung research work namin. Salamat sa maagang pagsundo." Sabi ko.

"You're welcome." Sagot ni Dondi bago kami tuluyang nagbyahe papunta sa school.

Hindi katulad kahapon, magaang ang byahe namin at hindi rin kami masyadong natraffic. Marami kaming napag-usapan lalo na yung tungkol sa lessons nya, pero nakikita kong balisa si Dondi. Mukha talagang may pinagdadaanan itong si Mr. Yabs eh, siguro maganda talagang wag na muna namin isama yung dalawa mamaya kasi baka hindi mag-open-up si Dondi.

"Sana katulad ng dati, tamarin ulit ang prof mo na magklase ngayon para maaga tayong makauwi. Nagpaalam ka ba kay Mama Rio na late ka na makakauwi?" tanong nya sa akin.

"Nagtext na ako sa kanya, sabi ko medyo late na akong makakauwi. Ok lang daw, may raket din naman daw sya ngayong gabi, baka mauna pa raw akong makauwi kesa sa kanya." Sagot ko.

"Mabuti pumayag, ano ba ang idinahilan mo, bakit gagabihin ka sa pag-uwi?" tanong ulit ni nya.

"Sabi ko nagkayayaan tayo na kumain ng pizza." Sagot ko.

"Sinabi mo kay Mama Rio na tayong dalawa lang?" tanong nya.

"Hindi naman nya tinanong kung sino ang kasama ko." Sagot ko.

"Pero aasahan nun na kasama sila Isay at Paolo." Sabi nya.

"Tama ka, pero, pag nagtanong sya, saka ko na lang sasabihin ang tutoo." Sagot ko.

"Bakit kailangang hintayin mo pa na magtanong sya? Sana sinabi mo na agad para hindi nya isipin na nagsisinungaling ka." Sabi ni Dondi.

"Technically, hindi naman pagsisinungaling yun, partial nga lang ang delivery ng information." Sagot ko na ikinatawa nya. "Bakit ka tumatawa, anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko.

"Kasi naman, may technically ka pang nalalaman dyan. Hayaan mo, ako na lang ang magsasabi sa kanya bukas na tayo ang magkasamang nag-pizza ngayong gabi." Sabi ni Dondi na ikinagulat ko.

"Hindi na kailangan yun. Kapag nagtanong na lang saka ka magsabi, wag na wag na sa iyo magsisimula yung conversation." Sabi ko.

"Ano naman ang masama kung sabihin ko kay Mama Rio na magkasama tayo ngayong gabi." Tanong nya.

"Alam mo, nung nagsabog ang Diyos ng malisya, si Mama Rio ang unang nagising kaya sya ang may pinakamaraming nakuha. Sobrang malisyosa kaya nung tatay ko. Kaya utang na loob, itikom mo yang bibig mo." Sagot ko.

"Ok sabi mo eh." sabi mo eh.

Naisip ko na hindi na muna ako magtatanong sa kanya tungkol sa sinabi nya kanina, na may sasabihin sya sa akin. Gusto ko kasi sa kanya manggaling para sigurado ako na handa na syang pag-usapan ang problema nya sa pamilya nya.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon