Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng araw, ngayon pa talaga ako naging burara. At sa dinami-dami rin ng pag-iiwan ko ng phone ko sa tindahan pa ng masungit na si Anna ko maiiwan to.
"Ano na Dondi, naibalik na ba yung phone mo?" tanong ni Ate Judith
"Wala pa rin Ate Judith" sagot ko
"Gusto mo ba tawagan ko si Anna?" tanong nya
"Wag na Ate, nakakahiya naman. Ako na nga ang makikisuyo, ako pa ang magmamadali. Baka hindi pa makaalis ng tindahan si Boyet kaya hanggang ngayon wala pa" sagot ko
"O baka naman pababayaran talaga ni Anna sa iyo yung pagbalik nya ng telepono mo" pagbibirong sabi ni Ate Judith.
"Seryoso ba yan Ate?" tanong ko
"Syempre joke lang, kahit naman nung sinabi yun ni Anna, alam kong nagbibiro lang din sya" sagot ni Ate Judith.
"Puntahan ko na lang mamaya kapag off na ako. Baka busy si Boyet kaya hindi makapunta dito" sabi ko
"Mukhang pinaglalapit talaga kayo ng tadhana ah, lahat ng sitwasyon ngayon papunta sa pagkikita nyong dalawa" sabi ni Ate Judith
"Ayan ka naman sa kung anu-ano mong sinasabi Ate Judith, kukunin ko lang yung phone ko, may tadhana ka pang sinasabi dyan" sagot ko.
"Bakit ayaw mo ba kay Anna?" tanong na naman ni Ate Judith
"Hindi mo talaga ititigil yang pagreto mo sa akin at kay Anna?" tanong ko
"Bakit ba, feeling ko kasi bagay talaga kayo ni Anna, hayaan mo nga ako. Darating ang araw maalala mo rin ang mga sinasabi kong 'to" sagot ni Ate Judith
"Sinabi ko naman sa iyo na wala akong panahon sa mga ganyan. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, ilang taon pa yung kailangang kong bunuin para matapos ko yung course ko. Paano pa ako magkakapanahon sa ganyan?" sagot ko
"Hindi masamang magkaroon ng inspirasyon Dondi" sabi ni Ate Judith
"Alam mo Ate Judith, kung yung inspirasyon na sinasabi mo eh hindi naman makakaintindi ng mga gusto kong gawin sa buhay, eh mas mabuti pang wag na lang" sagot ko
"Ok, sabi mo eh. Balitaan mo na lang ako kapag narealized mo nang crush mo talaga si Anna" panunuksong sabi ni Ate Judith bago tuluyang pumasok sa teller's booth.
Mukhang wala akong choice kundi pumunta ulit sa tindahan ni Mama Rio. Hanggang ngayon wala pa si Boyet para dalhin yung phone ko. Pero may ilang oras pa naman, baka busy pa lang talaga si Boyet. Hindi ko naman pwedeng iwan yun at bukas na kunin, kakailanganin namin ni Lola yun mamaya pagpunta namin kaibigan nya.
Five minutes bago matapos ng shift ko, nawalan na talaga ako ng pag-asa ang madadala ni Boyet ang phone ko.
"Ano na Dondi, nadala ba ni Boyet yung phone mo?" tanong ulit ni Ate Judith nung makita nya akong papunta sa guards quarter para magpalit ng damit
"Hindi pa dumarating si Boyet Ate" sagot ko
"Sige bihis ka na, tatawagan ko na lang" sabi ni Ate Judith
"Wag na Ate, pupuntahan ko na lang" sagot ko
"Mas mabuting tawagan ko pa rin para alam nya na pupuntahan mo sya" sagot ni Ate Judith
"Wag na, nakakahiya naman sa iyo, baka maubos ang load mo" sabi ko
"Unli call ako, kaya wag kang mag-alala, sige na bihis na" sagot ni Ate Judith
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...