58 - Classmate

883 138 28
                                    

Dondi's POV

Habang hinihintay ko si Anna, nagstay na lang ako sa library para gawin ang research works ko.  Sayang naman kasi ang oras kung tutunganga lang ako sa kotse.  Fifteen minutes bago matapos ang klase ni Anna, natapos ako sa research ko, tamang-tama lang na oras ng lakarin papunta sa parking.   

Sana naman maagang ma-dismiss sila Anna, gutom na gutom na ako, hindi kasi ako masyadong nakakain kaninang tanghali dahil hindi masarap yung nabili kong ulam sa carinderia.  Ang lungkot naman kung mag-squid ball akong mag-isa, pangtawid gutom, hintayin ko na nga lang sila Anna para sabay na kaming kumain.

Habang naglalakad ako papunta sa parking nagcheck ako sa YabSung fanpage at napangiti ako nung makita ko ang post ng admin tungkol sa suggestion ni Isay na Q & A with YabSung.  Salbahe talaga itong mga kaibigan namin, ang akala ko nagbibiro lang yung pala tototohanin ang question and answer with YabSung, eto nga at may announcement na ng Q & A sa weekend. 

Anu-ano naman kaya ang ibabatong tanong nung mga followers ng fanpage na ito?  Kinakabahan ako pero exciting din naman.  Nakakatawa na para kaming celebrity ni Sung na wala kaming kamalay-malay.

“Dondi!” Nung may narinig akong tumawag sa akin.  Si Daphne, classmate ko sa isang subject at katulad ko rin na working student.

Magkasing edad kami kasi ngayon lang din sya nakapagpatuloy ng pag-aaral nya.  Matikas itong si Daphne, sa tangkad at ganda, pwedeng beauty queen.“Uy Daphne, may kailangan ka ba?” tanong ko habang hinihintay ko syang makalapit sa akin.

“Eto na yung book na hiniram ko sa iyo.  Maraming salamat ha.” Sabi ni Daphne.

“Ok lang, walang problema.  Pwede mo namang hindi muna isoli, kasi hindi ko rin naman ginagamit.  Iba yung book na ginagamit ko sa accounting.” Sagot ko.

“Talaga ba, pwedeng sa akin na muna itong book mo?” tanong ni Daphne.

“Oo naman, para mapakinabangan na rin.” Sagot ko.

“Awww, thank you ha.  Hindi ka lang gwapo, mabait ka rin.  Malamang endangered species ka na.  Wala na kasi akong makitang gwapo na mabait pa na katulad mo.” sabi ni Daphne

“Salamat sa complement.  Ipapahiram ko naman sa iyo yung book hindi mo na ako kailangang bolahin.” Sagot ko.

“Hindi kita binobola, nagsasabi ako ng tutoo. Pauwi ka na ba? Tara samahan mo akong magdinner. Libre kita, pambawi dito sa ipinahiram mong libro.” Mabilis na sabi ni Daphne.

“Hindi na kailangan Daphne, ok lang talaga. Atsaka may kasama na akong magdi-dinner.” Tanggi ko sa imbitasyon.

“Eto naman parang kakagatin ko kung tumanggi.  Sino ba kasama mong mag-dinner?” tanong ni Daphne.

“Yung girlfriend ko, hinihintay ko lang matapos ang klase nya.” sagot ko.

“Fifteen minutes pa naman bago matapos ang klase nung mga last class, tara na samahan mo na lang muna ako sa canteen habang naghihintay ka sa girlfriend mo.” Sabi ni Daphne sabay hila sa akin papunta sa canteen.

Hindi na ako makatanggi kay Daphne, ayoko naman kasi syang mapahiya kung hayagan ko syang tatanggihan.  Nagdasal na lang ako na hindi makarating ito kay Anna dahil malamang na maghalo ang balat sa tinalupan.

Pagpasok namin sa canteen, lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil may mangilan-ngilan na hindi nag-aalis ng tingin sa amin ni Daphne habang mahigpit nyang hawak ang kamay ko.  Kahit makailang beses na akong nagtangka na bumitaw.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon