Anna's POV
Almost eleven na rin nung nakarating kami sa bahay. Naaawa ako kay Dondi, kasi konting oras na lang ang itutulog nya. Hindi pa naman sya pwedeng matulog sa oras ng trabaho, hindi katulad ko na pwedeng umidlip kahit konting oras lang sa tindahan.
Mabilis akong pumasok ng bahay matapos kong magpasalamat kay Dondi sa paghatind nya sa akin. Laking gulat ko nung biglang bumukas ang pinto ng bahay namin.
“Mama, anong ginagawa mo dito?” gulat na gulat kong tanong sabay pumasok ako ng bahay
“Gulat na gulat ka Cristina. Sa pagkakaalam ko eh, dito ako nakatira kaya dapat lang na nandito ako sa bahay.” Sagot ni Mama Rio.
“Ang ibig ko pong sabihin, bakit ang aga nyo pong dumating. Di ba may raket po kayo ngayong gabi?” tanong ko.
“Kararating ko lang. Marami kasing kinuhang make-up artist yung nag-pa-beaucon, ilan lang naman yung nagawa ko, tapos talo rin si Ninang Candy mo kaya naisipan namin na umuwi na lang para maagang makapag-pahinga.” Sabi ni Mama Rio.
“Hala paano yung bayad sa iyo, eh di lugi ka” komento ko.
“Hindi naman lugi, may anim din akong nagawa. Ayos na yun kesa naman wala, makakapagpahinga pa ako nang maaga. Kumain ka na ba?” tanong ni Mama
“Hindi pa po, pero itutulog ko na lang po, pagod na pagod na po ako eh” sagot ko.
“Aba wag mong gagawiin ang ganyan anak, sayang ang pinag-aralan mo kung magkakasakit ka nang malubha dahil nagpapalipas ka ng gutom.” Pagsita ulit ni Mama Rio sa akin.
“Grabe naman sa malubhang sakit agad Ma. Saka kumain na rin naman ako nga french fries habang pauwi, kaya oks lang po ako, hindi po ako masyadong gutom. Halos ako nga po ang nakaubos nung french fries na binili ni Dondi.” Sagot ko.
“Bakit naman kasi sobrang gabi ka naman nang umuwi. Hindi ba masyado nang delikado na aabutin kayo nang ganitong oraw sa school?” Sita ni Mama Rio sa akin.
“Nagpaalam naman po ako sa inyo di po ba?” sagot ko.
“Oo nga pero hindi ko naman inaasahan na aabutin ka ng halos alas- onse ng gabi. May nakita akong naghatid sa iyo, si Dondi ba yun?” tanong ni Mama Rio
“Opo, at hindi nya po ako inihatid, nakisabay lang po ako sa kanya kasi dito rin naman po ang way nya pauwi sa bahay nila.” Sagot ko.
“Aba, kay inam naman palang makisabay dyan kay Dondi, ikaw na ang nakikisabay, ikaw pa ang pinapakain ng frech fries. Sa susunod anak, sabihin mo, samahan nya ng burger at coke para complete meal.” Sarkastikong sabi ni Mama. “Kasama mo ba si Dondi sa pag-research?” tanong ulit ni Mama.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...