14 - Maaliwalas

973 112 11
                                        

Dondi’s POV

Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit kailangan ko pang i-save ang number ni Anna samantalang pwede namang hindi na lang.  Ang gusto ko lang naman kanina at makuha na agad ang phone ko at umalis na para hindi na humaba pa ang usapan namin.  Baka sabihin nya sinadya ko yung ginawa ko kanina.  Kung tutuusin sya naman ang may kasalanan eh, kung ibinigay na lang nya yung phone ko nang maayos eh di sana hindi ko nakuha ang number nya.

“Walang anuman” ang sabi sa isang simpleng text message na nareceive ko ngayon lang.  Ang isa pang hindi ko maintindihan sa sarili ko eh bakit ganito ako kasaya sa simpleng text reply ni Anna? Hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko.

At ganito na ba kalalim ang pag-iisip ko at nakarating na ako sa bahay namin nang hindi hindi ko man lang namamalayan? Kinukulam na ba ako ng babaing masungit at hindi na sya maalis sa isip ko?

“Tamang-tama ang dating mo hijo, nakabihis na ako” sabi ni Lola Cora

“Pwede po bang maligo muna ako Lola?” tanong ko

“Aba oo naman apo.  Pero kahit hindi naman na maligo, gwapong-gwapo at mabango ka pa rin.  At bakit parang may kakaiba sa itsura mo ngayon” komento ni Lola

“Bagong ahit po ako Lola, baka nanibago lang po kayo” sabi ko

“Maaliwalas ang mukha mo apo, yan ang ibig sabihin ng lola mo” Sabi ni Lolo Vito

“Ganon naman po talaga hindi ba, kapag bagong ahit, malinis tingnan kaya mukhang maaliwalas ang mukha” sagot ko

“Ibang aliwalas ng mukha ang ibig naming sabihin apo.  Yung mga mata mo na dating malungkot, nakangiti na ngayon.  May magandang nangyari ba sa trabaho mo, ?” sabi ni Lola

“Wala naman po, normal na araw lang naman po ngayon” sagot ko

“Baka naman hindi sa trabaho, baka naman mayroon kang nakasalamuha sa araw na ito na nagbigay ng ningning sa mga mata mo” komento ni Lola Cora

“Mukhang in-love na ang po ko ah.  Sino ba ang maswerteng dalaga yun? Kilala ba naming apo?” panggagatong ni Lolo Vito

“Hay naku, hindi ko po alam ang sinasabi nyo.  Maliligo na nga po ako para makaalis na tayo” sagot ko at dali-daling pumasok sa kwarto ko para maligo at magbihis para makaalis na kami ni Lola.

“Ano ba kasi ang sinasabi nitong Lolo at Lola ko na maaliwalas na mukha eh kahit anong tingin ko wala naman pinagkaiba sa kung ano ang itsura ko kanina” yan ang sinasabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin.

“Yung ngiti mo kasi hindi mawala sa mukha mo, kaya maaliwalas ang mukha mo ngayon” narinig kong nagsalita ang Lolo ko

“Po? Ano po ang sinasabi nyo Lo?” maikli kong tanong

“Ngayon lang kita nakitang nagtagal sa harap ng salamin at ang ngiti mo umaabot sa mga mata mo apo.  Sana makilala ko ang dahilan ng mga ngiting yan sa labi mo” sabi ni Lolo Vito

“Ano pong makilala? Palagi naman po akong nakangiti ah bakit parang big deal na po ngayon” tanong ko

“Katulad ng sinabi ko kanina, yung ngiti mo umaabot na sa mga mata mo.  In love ka na ba apo? Kelan mo naman balak ipakilala sa amin ang maswerteng dalaga na nakabihag ng sobrang phikan mong puso? Wari ko eh nakapili ka na sa mga dalagang dumadalaw sa iyo” pagbibirong tanong ni Lolo Vito at wala akong nagawa kundi matawa.

“Nakakatawa ka po Lo, ngiti lang ang pinag-uusapan natin kanina, bigla napunta tayo sa maswerteng babaeng bumihag sa puso ko.  Saka ano pong nakapili ang sinasabi nyo? Grabe ka po Lo, baka may makarinig sa iyo nakakahiya dun sa sinabi mong mga dalagang dumadalaw sa akin” sabi ko

“Ano naman ang nakakahiya? Tutoo naman na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, laging mga mga dalagang dumadalaw dito sa bahay natin.  Kunwari pang kami ng Lola moa ng sadya pero ang tutoo ikaw ang gustong makita.  Malapit na ngang pagselosan ng Lola yung iba dahil sa sobrang giliw sa akin” sabi ni Lolo.

“Baka sa iyo may crush Lolo” pagbibiro kong sabi

“Dyaskeng bata ka, baka marinig ka ng Lola mo.  Ikaw ang pinag-uusapan natin dito, bakit napunta sa akin ang usapan?” tanong ni Lolo.

 “Kasi naman Lo, nag-ahit lang ako, may maaliwalas na mukha na kayong sinasabi at ngiting umaabot sa mga mata ko” sagot ko

“Bakit mali ba ako? Ganyang-ganyan ang Papa mo nung nag-uumpisang magka-crush sa Mama mo eh.  Nakangiting mag-isa at nagtatagal sa harap ng salamin” sagot ng lolo ko

Hindi ko maiwasang tumahimik nung binanggit ni Lolo ang Papa ko, ang tutoo nalulungkot ako kasi, kung nandito sana sya mayroon akong pwedeng pagtanungan ng ibig sabihin ng nararamdaman ko ngayon.  Tama kasi si Lolo, masaya ako pero hindi ko alam kung bakit ako masaya.

“Tumawag ang Mama mo, nagsusumbong kasi hindi mo raw sinasagot ang tawag nya” biglang sinabi ni Lolo sa akin.

“May trabaho naman po kasi ako Lo, nakakahiya naman na nakikipag-usap ako sa telepono habang nasa duty ako” sagot ko.  “Atsaka alam ko na rin naman ang sasabihin nya eh, paulit-ulit lang naman na tungkol sa pag-aaral ang topic namin.” dagdag ko   

Isang malalim na buntong hininga lang ang isinagot sa akin ni Lolo, alam kong alam nya na ayokong pag-usapan kung ano man ang sinabi sa kanya ni Mama.  Para kasi sa akin, sa sobrang tagal na wala si Mama at Papa, hindi na importante ang opinion nila.

“O hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, kelan ko ba makikilala ang dalagang nagpaaliwalas ng gwapong mukha ng apo ko? Napalitan ng saya nag lungkot sa mga mata mo” tanong ulit ni Lolo.

“Wala nga pong yung dalagang sinsabi nyo Lo.  Bagong ahit nga lang ako kaya maaliwalas ang mukha ko” pagdidiin ko.

“Ikaw na nga ang bahala kung ayaw mong umamin.  Tapos ka na bang mag-ayos, kanina pa naghihintay ang Lola mo” sabi ni Lolo

“Opo pwede na po kaming umalis. Ayaw nyo po pa talagang sumama?” tanong ko

“Wala naman akong hilig sa mga birthday party, wag na lang kayo masyadong magpapagabi” sagot ni Lolo.   

“Alam naman po ni Lola na kailangan din naming umuwi agad kasi maaga ang duty ko.  Saka ayaw na rin naman po nya sanang pumunta kaya lang nakahiyaan na nya” sagot ko

“Siguradong marami kang makikilala dalaga sa party, wag mong iiwan ang Lola mo ha” sabi ni Lolo at hindi ko napigil na tumawa.

“Lo, pupunta po ako sa party para samahan si Lola, hindi para maghanap ng magiging girlfriend.  Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na wala po sa isip ko ang mga bagay na yan” sabi ko

“Hay naku apo, kahit wala pa sa isip mo yan, kung gusto na ng puso mo, mahihirapan kang pigilin yun.  At nararamdaman kong malapit na ang araw na yun” sabi ni Lolo.

“Akala mo lang yun Lo” sagot ko.  

************************
Uy wag magsalita ng tapos Dondi, baka kainin mo ang sinabi mo  😉😛😊. 

Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏 

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon