38 - Pangako

859 123 15
                                        

Anna's POV

Anong problema sa puso ang sinasabi ng lalaking 'to? May ibang babae ba 'to???? Eh ano naman kung may ibang babae, anong pakialam ko, in a fake relationship naman kami. Mabuti na nga yun at hindi na ako mahihirapan pang magpanggap na girlfriend nya. Kaya lang sayang naman ang libreng sakay, one month pa lang akong nakakatipid.

Sino naman kaya ang babaing yun? Classmate nya kaya? Saang subject naman kaya? Pero bakit wala naman akong nakikitang pinopormahan nito? Siguro kaya kanina pa malungkot 'to kasi hindi na mapigil ang bugso ng damdamin, pwede naman akong diretsuhin, dinadaan pa ako sa patahi-tahimik.

Pero, what if, nadevelop na ang feelings nito para sa akin. Hindi naman impossible yun kasi halos araw-araw kaming magkasama at nagkaka-usap. Kung tutuusin, tama sila Paolo at Isay, kung hindi alam ng mga nakakakita sa amin ang tutoong sitwasyon namin, iisipin talaga nila na may relasyon talaga kami ng lalaking maputla. Ay ewan, bakit ba kung anu-ano na din ang iniisip ko.

Bumalik lang ako sa wisyo ko nung tinapik ako Dondi sa pisngi at sinabing "Hoy Sung, bakit ka nakatulala dyan, kanina pa ako nagsasalita dito, hindi ka naman yata nakikinig."


"Anong sabi mo?" tanong ko


"Tinatanong kita kung kahit ba yung problema ko tungkol sa puso, tutulungan mo pa rin ako?" sabi ulit ni Dondi. "Tapos natulala ka na, ok ka lang ba?" tanong nya.

"Oo naman, kaya ka ba kanina ka pa walang kibo? Ano naman ang problema ng puso mo? Akala ko ba wala kang time dyan sa lovelife-lovelife na yan, bakit may problema kang ganyan ngayon? Alam mo Dondi, madali naman akong kausap eh, kung sa tingin mo, may nagugustuhan ka nang ibang babae, wag mo akong intindihin, basta sabihin mo agad para maganda naman ang press release natin sa break-up natin." Sabi ko kay Dondi at sya naman ang saglit na natulala ngayon.

"Anong ibang babae ang sinasabi mo Sung? Wala akong gustong ibang babae. At anong break ang sinasabi mo, wala akong abalak makipag-break sa iyo. Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Dondi sa akin. Kung walang ibang babae, ibig sabihin nadevelop na talaga ang feelings nya sa akin?

"Kung walang ibang babae, ibig sabihin ako ang problema mo sa puso? Hoy Yabs, wala sa usapan natin yan ah. Alalahanin mo pareho natin gustong
na makatapos ng pag-aaral at wala dapat oras ang lovelife-lovelife na yan sa atin ngayon. Atsaka, pumasok tayo sa ganitong set-up kasi alam natin na hindi tayo madedevelop sa isa't-isa. Ganyan ka ba karupok?" tanong ko.

"Marupok? Anong marupok ako?" tanong nya sa akin na nakakunot ang noo.

"Magkaliwanagan nga tayo nang mabuti, Yabs. Aminado naman ako na gwapo ka, mabait ka rin naman, at mabango pa, kaya hindi naman talaga nakakapagtaka na maraming may crush sa iyo, kahit na may kayabangan ka nga lang talaga. Pero, wala pa sa isip ko ang mga bagay na yan. Kaya ngayon pa lang itigil mo na yang nararamdaman mo para sa akin" pagpapatuloy kong sinabi.

"Sandali nga mas lalo akong naguguluhan sa litanya mo eh. May masamang epekto ba sa iyo ang pagkain ng pizza? Saan nanggagaling yan mga sinasabi mo?" Sabi ni Dondi.

"Eh di ba sabi mo puso ang problema mo." Sabi ko. "Teka lang, wag mong sabihing may malubha kang sakit sa puso na kahit anong oras pwede mong ikamatay. Kailan mo pa nalaman yung sakit mo? Malamang hindi mo masabi sa Lolo at Lola mo yang sakit mo kaya pinoproblema mo. Anong sabi ng doktor, genetic daw ba yan? Hala Yabs, ang bata mo pa para magkaroon ng sakit sa puso."

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon