Dondi's POV
Hindi ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang tanging nasa isip ko lang kanina ay ang ilibre si Anna na burger, pero eto na ako ngayon at sinisiguro na meron ako ng mga requirements para makapag-enroll ako ngayong darating na semester. Hindi ako akalain na maraming malalapitan si Paolo sa school nila, nakuha na namin ang list ng requirements bago pa kami umalis ng McDonalds kanina.
Nag-offer tuloy akong ihatid si Paolo at Isay, pero tumanggi sila dahil out-of-way ang bahay sa tindahan nila Anna kung saan ko siya inihatid para ipagpaalam na rin si Anna kay Mama Rio para samahan niya ako sa school nila bukas para sa enrollment ko. Sana talaga makapasa ako sa exam para tuloy-tuloy na.
Tama naman sila Anna eh, dapat ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko kahit unti-unti lang para hindi sayang ang panahon. Hindi naman kasi ako makapag-isip ng maayos dahil ang tanging gusto ko ay makatapos ng pag-aaral na hindi umaasa sa Papa at Mama ko.
Kailangan ko ring mag-absent bukas para pumunta sa dating school ko para sa iba pang requirements. Sana nandun pa yung kaibigan ni Lola para matulungan akong makuha nang mabilis yung mga kakailanganin ko.
Halos patapos na ako sap ag-aayos ng mga documents ko nung biglang may nag-notif sa akin sa messenger. Hindi ko mapigilan na mapangiti nung makita ko kung kanino galing ang message.
"Psst ... Mr Yabs" ang nakalagay sa message ni Anna
"Bakit Ms. Sung?" patanong kong sagot
"Ano na, naayos mo na ba yung mga kailangan mo?" tanong nya, ang sweet naman para itanong pa nya yun sa akin.
"Oo, inaayos ko na, yung mga kailangan na lang sa dati kong school ang aayusin ko bukas. Nagtext na ako kay sir Lance at sa agency namin na hindi muna ako makakapasok nang tatlong araw" sagot ko.
"Tatlong araw? Pinayagan ka ba ni Sir Lance at ng agency nyo?" tanong nya.
"Oo, pumayag si sir Lance basta daw ako ang tumawag sa agency para sa reliever ko. May reply na yung agency namin na ok lang na hindi ako pumasok nang tatlong araw" sagot ko.
"Hala, eh di tatlong araw kang walang sweldo" reply ni Anna.
"Ganon na nga, pero ayos lang, pareho din naman kung next semester ako papasok, aayusin ko pa rin yung mga kailangan ko" sagot ko.
"Sigurado ka na ba talaga na mag-eenroll ka na ngayong sem?" tanong nya
"Oo naman, narealize ko kasi na tama kayo nila Isay, sayang talaga ang panahon kung hindi pa ako tutuloy ngayon. Kung noon ko pa ginawa ito, eh di sana patapos na ako ngayon" sabi ko. "Bakit mo nga pala naitanong?" pahabol kong tanong.
"Wala lang nag-worry lang ako na baka, napilitan ka lang kasi kinantyawan ka namin nila Paolo. Mahirap kasi itong gagawin mo, hindi biro ang mag-working student lalo na sa klase ng trabaho mo." Sabi nya, may bait naman pala talagang naitatago itong si Ms. Sung, wag lang bubwisitin.
"Paano ko malalaman na hindi ko kakayanin kung hindi ko susubukan?" balik kong tanong
"And so kapag nahirapan ka, titigil ka na naman sa pag-aaral?" tanong nya.
"Hindi, hahanap na lang ako ng ibang trabaho. Pwede naman siguro akong mag-apply bilang student assistant sa school. Ayoko namang mag-apply ng scholarship kasi dun sa dati kong school, hindi ako natanggap" sagot ko
"Sabi ko na nga ba, row four ka eh" sagot nya at hindi ko alam kung nagbibiro sya o seryoso sa sinabi nya.
"Sira ka. Alam mo ba na kaya malakas ang loob kong mag-apply ng scholarship noon eh dahil pang scholar talaga ang grades ko? Kaso hindi ako natanggap nung nalaman nilang OFW sa New Zealand ang parents ko at lumabas din sa investigation nila na may magandang trabaho dun si Papa at si Mama. Kaya ayun, na deny ako" sagot ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
