Anna's POV
Hindi ako makaconcentrate sa klase ko kasi hindi mawala sa isip ko yung ginawa kong kalokohan kanina. Paano na lang kapag nalaman ni Dondi kung ano ang sinabi ko Stephanie. "GRABE NAKAKAHIYA" hindi ko namalayan na malakas kong nasabi. Ngayon lahat ng kaklase at prof ko eh nakatingin sa akin, gusto kong lumubog sa kinauupuan ko.
"Excuse me Ms. Carillo, you were saying something?" tanong ng prof ko
"Sorry Miss, my bad" sagot ko na may kasama peace sign. Sobrang nakakahiya, ngayon lang nangyari ito sa akin.
Dala-dala ko ang insidenteng sa lahat ng klase ko, at alam kong naiintindihan nila Paolo ang pinagdadaanan ko. "Ayos ka lang ba? Bakit kanina ka pa parang tanga?" tanong ni Paolo habang papunta kami sa last class namin.
"Paano na kapag nalaman ni Dondi yung sinabi ko kay Stephanie, nakakahiya" sabi ko
"So ngayon mo pa talaga naisip yan?" sabi ni Paolo.
"Sabihin mo na lang kay Dondi yung tutoo para hindi ka parang tanga na isip nang isip dyan. Gusto mo pang napapahiya sa klase eh" sabat ni Isay.
"Ano pa nga ba? Wala naman akong choice kundi sabihin sa kanya yung tutoo" sabi ko nang biglang may pamilyar na boses akong narinig na tumatawag sa akin.
"Anna ... Anna ..." malakas na tawag ni Dondi, at patakbo syang lumapit sa amin nila Paolo.
"May kailangan ka Mr. Yabs?" tanong ko
"Dun ako sa may court nakapark, dun na lang kita hihintayin" sagot ni Dondi.
"Hihintayin? Bakit may date ba kayo?" tanong ni Paolo.
"Sira ka Paolo, manahimik ka." saway ko. "Bakit mo ako hihintayin?" tanong ko kay Dondi.
"Ihahatid kita pauwi" sago tni Dondi.
"Bakit mo ako ihahatid pauwi?" tanong ko ulit
"Part of the Deal" sagot nya. "Nakita kong kausap nyo si Stephanie kanina, bago magstart yung klase namin. Alam kong may sinabi ka sa kanya kasi for the first time hindi na nya ako kinulit na sumama sa kanyang magmeryenda. Pati na rin yung ibang friends nya hindi na ako kinulit kanina." Sabi ni Dondi.
"Ganon ba? Walang kaso yun, deal nga natin di ba?" sagot ko. "O sige, mamaya na lang nagmamadali kami eh" sabi ko.
"Hatid ko na kayo sa room nyo." Sabi ni Dondi, siraulong 'to hindi pa nakahalata na ayoko syang kausap ngayon.
"Hindi na kailangan, alam naman namin kung saan ang room namin." Sabi ko
"Ok lang wala naman na akong klase eh, hihintayin na lang kitang matapos ang klase mo" sagot ni Dondi habang sumasabay sa amin sa paglalakad.
"Pumunta ka na lang kaya sa library, kung wala kang magawa" sabi ko.
"Sus, hayaan mo na yang si Dondi na ihatid ka sa room mo." Sabi ni Paolo at pinadilatan ko sya ng mata talaga. "I mean ihatid mo kami Dondi sa room namin. Bakit hindi ka na lang kaya dun maghintay?" sabi pa ni Paolo.
"Sa kotse na lang ako maghihintay, manonood na lang ako nung basketball habang naghihintay." Sabi ni Dondi. "Salamat ulit Anna, alam ko umpisa na ito ng katahimikan ko dito sa campus. Ano nga pala ang sinabi mo kay Stephanie bakit biglang 180 degrees turn?" tanong nya at hindi ko sya agad-agad na nasagot.
"Hoy Anna, ano raw ang sinabi mo kay Stephanie para ma-turn-off sya kay Dondi?" sabi ni Paolo.
"Oo nga, Anna, sabihin mo kay Dondi kung ano ang sinabi mo kay Stephanie" sumegundo pa itong si Isay. Pagbuhulin ko kaya ang dalawang ito.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
