19 - Accepted

962 103 11
                                    

Anna's POV

Sa wakas semestral break na, makakapahinga na ako kahit dalawang linggo lang.  Yung mga ganitong panahon naman, sunod-sunod ang raket sa beaucon ni Mama Rio kasi kakailanganin na naman namin ang pangbayad namin sa tuition ko.  Minsan nga kahit mga out-of-town na beaucon dinarayo ni Mama para maka-ipon ng pera para sa tuition fee ko.

“Mama … kamusta po?” pagulat kong sinabi kay Mama

“Cristina, anong ginagawa mo dito? Ang aga mo namang umuwi, alas singko pa lang anak. Di ba may exam ka?” tanong ni Mama Rio habang namamaypay na nakaupo sa harap ng tindahan. 

“Exempted ako sa dalawang subject ko Ma, kaya maaga akong nakauwi” pagmamayabang ko at kitang-kita ko ang ningning sa mga mata ni Mama.  Alam ko kasi na sa ganyang kaliliit na bagay napapasaya ko sya.

“Ang galing naman talaga ng anak ko.  Kaya kahit kelan hindi ako mapapagod na magtrabaho para lang matustusan ko ang pag-aaral mo” sabi nya sabay hila sa akin para sa isang mahigpit na yakap.

“Salamat Ma, ang lahat ng ito ay para sa iyo.  Para sa iyo lang Ma” sabi ko at gumati ako ng mas mahigpit na yakap sa kanya.

“Salamat din anak, pero mas matutuwa ako kung ang lahat ng ito ay ginagawa mo para sa sarili mo at hindi para sa akin kundi para sa magandang kinabukasan mo” sagot ni Mama Rio

“Magandang kinabukasan nating dalawa Ma, wag mong kakalimutang isali ang sarili mo, kahit kahit nasaan ako dapat nandun ka rin.  Hindi kita iiwan kahit kailan Ma, promise ko sa iyo yan” sabi ko.

“Nagmeryenda ka na ba anak?” tanong ni Mama

“Tapos na po Ma, kamusta po ang benta natin ngayon?” tanong ko bago pumasok sa loob ng tindahan para ilagay ang mga gamit ko.

“Maayos naman anak, kelan nga pala kailangang bayaran yung tuition mo?” tanong ni Mama

“Pwede naman po na three day before magpasukan Ma” sagot ko

“Hayaan mo anak, mga tatlong beaucon na lang, kumpleto na yung pang bayad mo sa tuition para sa semester na ‘to.  Pwede na tayong hindi umutang kay Ninang Candy mo” sabi ni Mama

“Ang dami na nating utang kay Ninang Candy Ma, buti na lang hindi sya nagsasawang tulungan tayo” sabi ko

“Alam naman ni Ninang Candy mo ang sitwasyon natin, bata ka pa sya na ang kasa-kasama ko sa pag-aalaga sa iyo.  Napapagkamalan na nga kaming may relasyon noon kasi halinhinan kami sa pag-aalaga sa iyo” sagot ni Mama Rio.

“Kaya nga mahal ko rin si Ninang eh” sagot ko.  “Nasaan nga po pala si Boyet?” tanong ko   

“Inutusan ko na magdeliver ng mga prutas, kanina ko pa nga hinihintay at pupuntahan ko pa si Sir Lance sa bangko, may kailangan daw sya sa akin” sagot ni Mama Rio.  “Ayan na pala eh, tamang-tama may kasama ka na dito” sabi nya nung makitang parating na ang sasakyan namin.

“Ano naman po ang kailangan ni Sir Lance Ma?” tanong ko

“May raket daw syang ibibigay sa akin.  Yung kamag-anak nya kasi, naghahanap ngpwedeng mag-make-up sa kasal, irerekomenda nya raw ako” sagot ni Mama Rio

“Aba maganda yan Ma” excited kong sagot

“Oo nga anak, sana naman ako na lang ang kunin nung kamag-anak nya” sabi ni Mama Rio

“Pagnatuloy yan Ma, isama mo ako ha.  Tulungan kitang gumawa, sayang naman ang itinuro mo sa akin kung hindi ko naman magagamit di ba?” pagmamalaki kong sagot

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon