Anna’s POV
All is well between sa amin ni Dondi at wala na yatang mas sasaya pa kundi kaming dalawa. Ang daming pagbabago pero masayang pagbabago. Si Lola Cora at Lolo Vito, mas madalas pang nasa bahay namin kesa sa bahay nila.
Kung tutuusin, wala naman masyadong nabago sa mga nag-aalaga kay Nanay. Kahit kasi meron syang private nurse, sinisiguro namin na hands-on pa rin kami sa pag-aalaga sa kanya. Ang tanging kaibahan lang masikip sa bahay namin kapag present kaming lahat, hindi tulad sa bahay nila Dondi, kahit nandun kami lahat nakakakilos pa rin kami nang maayos.
Tuwing MWF, umaga pa lang nasa bahay na namin sila dahil sumasabay sila kay Dondi sa pagsundo sa akin para ihatid ako kung saan ako nag-on-the-job-training. Tuwing TTHS naman, pagkapananghalian sila sumasabay kay Dondi para sabay na kami na pumasok sa school. Minsan nga naaawa na ako sa bahay nila Dondi, halos buong araw na walang tao. Mabuti na lang mababait ang kapitbahay nila at hindi sila nananakawan.
Mabuti na lang magaang na ang subjects ko ngayong semester. At ilang units na lang ang natitira graduate na ako at ang OJT na ‘to ay isa sa requirement ko school. Pati yung tuition fee ko, medyo bumaba na rin kasi konting units na lang ang kailangan kong tapusin kaya hindi na madalas ang raket ni Mama Rio at nagkakasya naman ang kinikita namin sa fruit stand.
Oo, Mama Rio pa rin ang tawag ko sa kanya. Ayaw nyang tawagin ko syang Tatay Mario kasi baka daw may makarinig, isipin pa na tomboy sya. Oh di ba, ako na ang pinagpala ng isa’t-kalahating nanay at kalahating tatay.
Sobrang exciting ang OJT experience ko, feeling ko malulungkot ako kapag natapos na ang 360 hours na training ko. Swerte ako dahil ang nakuha kong kompanya tinuturuan talaga nila ako at hindi ginagawang taga photocopy at taga bili ng personal errands ng mga empleyado. Nakakatuwa rin na maraming gwapong young professionals. Karamihan sa kanila ka-edad ko lang, kasi mas pinagpala silang mapagtapos ng mga magulang nila ng mas maaga. Pero kahit gaano pa sila ka-gwapo, loyal pa rin ako kay Yabs. Hintayin lang ng mga yuppies na ito na maka-graduate si Edmundo Talatala at siguradong taob silang lahat sa kagwapuhan ng boyfriend ko.
“Anna, saan ka mag-lunch.” Tanong ng batang-bata kong supervisor na si Sir Angelo, Marketing Head sa unit kung saan ako nakaassign.
“May baon ako, Sir Angelo. Sa pantry ako mag-lunch.” Sagot ko.
“Ganon ba, sige hintayin mo ako. Bibili lang ako ng food ko sa labas, sabay na tayong mag-lunch.” Sabi ni Sir Angelo.
“Sige po, Sir.” Sagot ko kahit nag-aalangan ako kasi tatlo kaming OJT sa unit na ito pero ako lang ang tinanong nya tungkol sa lunch.
At hindi nakalagpas ang ginawa nya sa ibang empleyado sa unit nya. “Mukhang nakakita na si Angelo ng apple of the eyes nya sa wakas.” Komento ni Ms. Jenica na Asst. Marketing Head.
“Mukhang nagbibinata na si Sir Angelo, meron nang crush eh.” segundang komento ng sales staff na si Gemma.
“Alam mo ba Anna, sa dinami-dami ng mga nag-OJT dito sa unit namin, ikaw pa lang ang sinabayan nyang si Sir Angelo sa lunch. Oftentimes, mag-isa yang kumakain at palaging sa labas pa. Pero ngayon, willing bumili ng food para lang sabayan ka lunch.” Patuloy na panunukso ni Gemma.
“Baka marami lang ginagawa si Sir, kaya ayaw nang kumain sa labas.” Sagot ko.
“Swerte ka dyan kay Sir, bukod sa gwapo at matalino na, mayaman pa ang pamilya nya. Ang dami ngang may crush dyan pero deadma lang. Pero ikaw girl, pansin na pansin ka ni Sir Angelo.” sabi ni Ms. Jenica.
![](https://img.wattpad.com/cover/176393220-288-k273230.jpg)
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...