16 - Regalo

879 103 10
                                    

Dondi's POV

Bukod sa mabangong kape, amoy ng isang masarap na adobo ang gumising sa akin ngayong Lunes ng umaga.  At ngayon lang nag-sink in sa akin na seryoso si Lola na ipagluto ng adobo ang babaing masungit.  Kinalimutan ko na nga yun pagkatapos naming pag-usapan nung isang gabi. 

Nakahain na ang almusal nung lumabas ako ng kwarto ko, sinangag at adobo na may kasamang brewed coffee.  “Mabuti naman at maaga kang nagising apo, maupo ka na at kumain” bati sa akin ni Lola Cora

“Magandang umaga po Lola, magandang umaga po Lolo” bati ko sabay halik sa noo ng Lola ko.  “Ang bango naman kasi ng naaamoy, nagutom tuloy agad ako.  Ano po ang okasyon at espesyal yata ang almusal?” tanong ko na parang hindi ko alam kung para saan ang niluto ni Lola Cora.

“Akala mo siguro nakalimutan ko ipagluluto ko si Anna ng masarap na adobong manok” sabi ni Lola. “Pero ginawa ko nang chicken pork adobo para mas masarap” dagdag nya

“Pwede naman po na hindi ganito ka-espesyal La.  Sapat na po yung may maiabot lang ako bilang pasasalamat” sagot ko sabay upo para umpisahan ko na ang pagkain ng almusal.

“Mukhang may alam ang Lola mo na hindi ko alam apo.  Naglilihim ka na ba sa akin Edmundo?” singit ni Lolo Vito habang ngumunguya.

“Hindi naman po sa ganon Lo” sagot ko

“Anong hindi naman sa ganon, eh sinong Anna yung pinag-uusapan nyo ng Lola mo at reregaluhan mo pa ng adobo?” tanong ni Lolo

“Si Anna, ang babaing nagpaaliwalas ng mukha ng gwapo kong apo” pagbibiro ni Lola Cora

 “Tutoo ba yun apo?” tanong ni Lolo Vito na may pagka-lapad na ngiti

“Nagbibiro lang po si Lola, wag po kayong maniwala sa kanya.  Sya nga po ang nakaisip na regaluhan si Anna ng adobo bilang pasasalamat kasi naibalik nya sa akin yung phone ko.  Wala naman pong ibang ibig sabihin ang pagbibigay ko ng adobo kay Anna.  Pwede na nga pong wag na lang syang bigyan ng regalo tutal nagpasalamat naman na ako” sagot ko  

“Aysus, ayaw mo pang aminin eh, kitang-kita kong excited ka nung sinabi kong lulutuan ko si Anna ng adobong manok” Sagot ni Lola.  “Maiwan ko na nga kayong mag-lolo at ihahanda ko yung dadalhin mo para kay Anna” sabi ni Lola bago sya pumasok sa kusina.

“Dalaga pa ba ang Anna na sinasabi ng Lola mo?” tanong ni Lolo habang patuloy na kumakain

“Opo dalaga pa naman po” sagot ko

“Mainam kung ganon.  Ilang taon na?” tanong nya ulit

“Hindi ko po alam, pero estudyante pa po eh” sagot ko

“Aba eh alamin mo apo, baka teenager pa yun eh makasuhan ka pa ng corruption of minor.  Mabuti na rin yung mag-iingat ka” sabi ni Lolo Vito

“Bakit naman corruption of minor agad Lo? Magbibigay lang po ako ng Adobo” sabi ko

Mabuti na yung nag-iingat nga apo.  Baka magalit yung mga magulang nung bata kung liligawan mo yung anak nilang teenager” sagot ni Lolo.

Susmaryosep, napasama pa yata yung pagreregalo ko kay Anna.  Ang layo na ng itinakbo ng isip ng Lolo ko.  “Wala po akong balak manligaw kay Anna Lo.  Sobrang sungit ng babaing yun” sabi ko.

“Aysus, wala sa lahi natin ang umaatras sa masungit lang na babae” pamamalaking sabi ni Lolo.  “Bakit mabaho ba kaya ayaw mong ligawan?” tanong nya

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon