64 - Yes or No

956 136 15
                                    

Dondi's POV

Makailang ulit kong tinawagan si Anna pero 'cannot be reach na sya'. Hindi ko alam kung sadyang pinatayan nya ako ng telepono o na-lo-batt lang sya. Ngayon ko naisip na mali na tinawagan ko lang sya sa telepono para imbitahin sa bahay namin. Hindi ko kasi mapigil yung sobrang excitement ko nung pumayag si Mama Rio na isama ko si Anna sa amin para ipakilala nang pormal sa Mama at Papa ko.

Ilang araw na lang ang natitira, babalik na sa New Zealand ang pamilya ko. At gaya ng sinagot ko nung Q & A, wala akong balak sumama sa kanila sa New Zealand. Ngayon pa na nagsimula na akong mag-aral ulit. Ano naman ang gagawin ko dun? Malamang mag-working student din ako. At nandito sa Pilipinas ang mga mahal ko sa buhay, si Lolo Vito, si Lola Cora at syempre si Anna. Kahit kelan hindi ko sila iiwan dito.

Gusto kong ipakilala nang pormal si Anna sa pamilya ko, bilang girlfriend ko. Hindi importante sa akin kung magustuhan nila ang girlfriend ko po hindi, bilang paggalang sa mga taong naging dahilan ng paglabas ko sa mundong ibabaw kaya ko sya ipapakilala sa kanila. Hindi ko rin kasi alam kung kailan ang balik nila ng Pilipinas, o kung may balak pa talaga silang bumalik dito. Mukhang masaya naman sila dun kaya siguro New Zealand na ang itinuring nilang tahanan nila.

Base sa reaksyon ni Anna kanina, pakiramdam ko hindi pa sya handang maipakilala ko sa pamilya ko bilang girlfriend ko. At hindi ko sya pipilitin, ang gusto ko lang naman kasi, maramdaman din nya na seryoso ang intensyon ko sa kanya. Kung ayaw nya ngayon, sa ibang pagkakataon na lang siguro.

Anna's POV

Anong nakain ng lalaking maputla at bigla akong ipapakilala ng pormal sa Mama at Papa nya? Inaamin ko naman medyo mahal ko na si Dondi, pero parang hindi ko pa kayang humarap sa mga magulang nya bilang girlfriend nya. Hindi ko kasi alam kung paano ako kikilos sa harap ng Mama at Papa nya. Lalo na sa Papa nya kasi hanggang ngayon, naaalala ko pa rin kung paano nya kami pinakihirapan nung naghapunan kami nila Paolo sa kanila.

Kaso may kasalanan na naman ako kay Yabs, sa sobrang stress ko kasi kanina nung sinabi nyang ipapakilala nya ako sa mga magulang nya, nataranta ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya agad ko na lang pinutol ang linya. At hanggang ngayon, nakapatay pa rin ang telepono ko. Malamang kanina pa tumatawag sa akin ang lalaking maputla, pero ayoko pa syang makausap, hindi ko alam kung paano ko sya tatanggihan sa imbitasyon nya na hindi sasama ang loob nya.

Meron na lang akong ilang oras para umisip ng idadahilan ko kay Yabs para hindi matuloy yung gustong nyang pagpapakilala sa akin sa pamilya nya. Paano ako makakapag-review ngayon kung yung alalahanin ko Yabs ang nasa utak ko.

Sabihin ko kaya na hindi ako malamang papayag ni Mama. Oo nga, yung ang mas magandang idahilan, mas makatotohanan.

"Huy, Cristina anong nangyari sa iyo at nakatulala ka dyan?" tanong ni Mama Rio. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala sya galing sa paghatid ng mga order na prutas.

"May exam po kasi ako ngayon, Ma. Iniisip ko po yun topic sa exam." Pagsisinungaling ko. Ayoko munang sabihin sa kanya yung tungkol sa imbitasyon ni Dondi hangga't hindi pa ako nakakaisip ng magandang rason para tumanggi.

"Bakit hindi ko sinabing may exam ka ngayon para hindi ka na sumama dito sa tindahan. Nag-review ka na lang sana sa bahay." Sabi ni Mama Rio.

"Marami kang ihahatid na mga order ng prutas, hindi naman kakayanin ni Boyet mag-isa dito." Sagot ko.

"Pwes, nandito na ako, pwede ka nang magpahatid kay Boyet, pabalik ng bahay. Umuwi ka na para makapag-review ka." Sabi ni Mama Rio. Hindi ko tatanggihan ang ganitong pagkakataon, mas makakapag-isip ako kung mag-isa lang ako.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon