25 - Libreng Burger

774 116 18
                                        

Anna's POV

"Akala ko talaga iniwan mo na ako" paulit-ulit na sinasabi ni Dondi habang inaalalayan ako pasakay sa kotse nya. Ngumiti lang ako at piniling wag nang sumagot. Baka mabuking pa ako na tatakasan ko naman sya talaga.

May diperensya na baa ng mata ko, ang tingin ko talaga 3:30 pa pang ng hapon. Paanong naging 4:40 na, ano yung isang oras akong naglakad mula sa assessment room hanggang gate one? Mukhang malalim na ang tinakbo ng isip ko nung mapansin ko kung saan kami papunta.

"Saan tayo pupunta? Di ba sa McDonalds lang tayo? Libreng burger lang ang usapan natin" tanong ko.

"Oo nga, have you tried zark's burger? May branch sila sa mall, dun tayo papunta" kalmadong sagot ni Dondi pero ako na-stress sa sagot nya.

"Oo nakatikim na ako ng zark's burger anong akala mo sa akin? McDonalds lang ang usapan natin, bakit naging papunta na tayo sa mall? Ibalik mo sa McDonalds, wala sa usapan natin na pupunta tayo sa mall" hysterical kong sinabi.

"Kalma lang Ms. Sung, eto naman grabeng mag-react, masarap kasi ang zark's burger kaya dun sana kita ililibre" sagot ni Dondi.

"Ang yabang mo talaga eh, bagay talaga sa iyo ang tawag na Mr. Yabs. Hoy Dondi, ang usapan natin yung mabebentahan ng ice candy ang ipanglilibre mo sa akin. Akala mo ba hindi ko alam kung magkano ang presyo ng isang burger dun? Eh yun na ang puhunan dun sa mga ginawa nating ice candy" sagot ko habang patuloy na naiirita dito kay Mr. Yabs.

Hindi kami pwedeng pumunta sa mall kasi nandun sila Paolo at Isay ngayon. Mahirap na kapag nakita nila akong kasama ang lalaking maputlang ito. Siguradong hindi titigil ng kakatanong ang mga yun kung bakit kasama ko si Mr. Yabs samantalang ang sabi ko sa kanila eh uuwi na ako kaya hindi ako sasama sa kanila sa mall.

"Minsan lang naman ito, hindi naman araw-araw." Sagot ni Dondi.

"Kapag hindi tayo sa Mcdonalds kumain ngayon, hindi na kita kakausapin kahit kailan, at ididiklera ko na forever kaaway na kita" pagbabanta ko.

"Hindi mo ba nakikita na nasa left lane ako para makapag-u-turn? Kumalma ka nga, malayo pa kasi ang u-turn slot, hindi mo ako kailangang pagbantaan" sagot ni Dondi at tumahimik na lang ako hanggang makarating kami ng McDo.

Cheeseburger meal, yan lang ang order ko. Tinanggihan ko ang sundae at spaghetti na inaalok ni Dondi, baka sabihin ng lalaking maputlang ito na malakas akong kumain. Pero kung si Paolo ang manlilibre go ako sa additional order na spaghetti at sundae, sasamahan ko pa ng chicken nuggets.

"Mahina ka palang kumain" sabi ni Dondi habang dala-dala ang tray ng order namin at naghahanap ng table para sa aming dalawa.

"Hindi naman kasi ako gutom" maiksi kong sagot habang nakasunod kay Dondi na naglalakad papunta sa sulok kung saan may vacant na table.

Sa umpisa tahimik kaming kumain ni Dondi ng order namin. Gaya-gaya si Mr. Yabs sa order ko. Ewan ko yun talaga ang gusto nya o ginagaya nya lang talaga ako.

"Kamusta enrollment? Nakatapos ka na ba?" tanong nya

"Oo bayad na lang. Pero next week pa kami pwedeng magbayad, kulang pa yung pera ni Mama para sa tuition ko" sagot ko.

"Ang swerte mo, may magulang ka na katulad ni Mama Rio. Una, tatay na, nanay pa. Pangalawa, sobrang mahal na mahal ka. Pangatlo, napakasipag para mabigyan ka ng magandang future" sabi ni Dondi at napansin ko na may lungkot sa mga mata nya nung sinasabi nya ang tungkol kay Mama.

"Minsan nga naaawa na ako eh, may araw kasi na madaling araw na kung dumating sya tapos, tatao pa sya sa tindahan after lunch kasi kailangan kong pumasok sa school sa hapon" sagot ko

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon