Anna's POV
At hindi talaga nagpatinag ang lalaking maputla, inabot na ako ng 9:30pm pero hinintay pa rin nya ako. Abot-abot tuloy ang manunukso ng mga groupmates ko sa akin.
"Ang sarap talaga ng may boyfriend, siguradong safe na safe kang makakauwi Anna." sabi ni Melody.
"Oo nga, oy Dondi, ingatan mo 'tong kaibigan namin ha, hawak nyan lahat ng research work namin." Segundang komento ni Beth.
"Ako pa ba? Siguradong makakauwi 'tong girlfriend ko nang buong-buo sa bahay nila. Mahirap na at baka gilitan pa ako ng leeg ni Mama Rio kapag may nangyaring masama dito kay Sung." sabi naman ni Dondi.
"Sung? Bakit nga pala Sung ang tawag mo kay Anna? Parang maning sungsong lang eh" sabi ni Barbara, nagpatawa pa eh hindi naman nakakatawa.
"Ano ba kayo, di ba K-Pop fanatics kayo, bakit hindi nyo alam ang meaning ng Sung sa hangul?" pagmamalaking sagot ni Dondi, ang yabang talaga ng lalaking maputla normal lang na lumalabas eh.
"Aber, ano ang ibig sabihin ng Sung sa hangul?" tanong ni Barbara.
"Sung, in hangul, 'completed'. Ibig sabihin she completes me." Mabilis na sagot ni Dondi.
"Tutoo ba yan? Mukhang imbento mo lang yun Dondi eh, nagpapaka-cheesy ka lang eh." sabi ni Melody.
"Ako pa ba? Bakit hindi nyo subukan i-google yung meaning ng Sung, para maniwala kayo sa akin." Pagmamayabang na sagot ulit ni Dondi.
"Masyado ka nang maraming sinasabi Yabs, nakakahiya na. Tara na, umuwi na kaya tayo." Sabi ko kay Dondi.
"Eh bakit naman Yabs ang tawag mo kay Dondi, Anna?" tanong naman ni Beth. Kakaloka ang pagiging pakialamera ng tatlong babaeng ito. Ano 'to pa-ambush interview, eto namang si Yabs, feeling celebrity at game na game sumagot sa mga tanong.
"Ganon talaga, parang katunog ng love, magagalit kasi si Mama Rio kapag nalaman nyang boyfriend ako ni Sung, ayaw pa kasi ni Mama Rio syang mag-boyfriend ni Mama Rio." Mayabang na namang sagot ni Dondi kahit ako naman ang tinatanong.
"Ohhh ang cute naman ng lovestory nyo." Sabay-sabay na sinabi ng tatlo na kilig na kilig, kung alam lang nila, wala naman talagang Yabs at Sung lovestory.
"Oo nga eh, parang against all odds. Mabuti na lang walang nagsusumbong kay Mama Rio tungkol sa relasyon nyo ni Dondi. Wag kang mag-alala Anna, kung may magsusumbong man kay Mama Rio ng tungkol sa inyo ni Dondi, siguradong hindi sa amin manggagaling yun." Deklara nitong si Melody.
"Agree ako dyan, at tulad ng sinabi ni Stephanie, babakuran namin ang sino mang may HD sa inyong dalawa. Shipper nyo kaya kami." Sabi naman ni Beth.
"Aasahan ko yan ha, walang pwedeng makalapit dito sa girlfriend ko, magtatampo talaga ako sa inyo kapag nasulot ito sa akin." Por dios por santo, at sumasagot pa talaga ang lalaking maputla, hindi ba nya nahahalata na malapit na akong lumubong dito sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan sa mga pinagsasasabi nya?
"Oo naman Dondi, babantayan namin yang si Anna para sa iyo." Sagot din ni Barbara.
"Wala pa ba kayong balak umuwi, girls? Ako kasi gusto ko nang umuwi, kaya pwede ba, tantanan nyo na kaya yang boyfriend ko at gusto ko nang magpahinga." Sabi ko
"Ay oo nga pala, sige Anna, Dondi, mauna na kami, baka mahirapan na kaming makasakay." Paalam ng tatlo saka umalis. Ako naman, padabog na sumakay ng kotse.
"Dahan-dahan naman sa pagsara ng pinto, wala pa akong budget pampagawa nyan." Sabi ni Dondi. "Patapos na lang ang araw, nagsusungit ka pa" pahabol nyang sinabi.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
