40 - Sweet Dreams

839 128 18
                                        

Dondi's POV

Sabi na nga ba eh, maling desisyon talaga na bumalik pa sila dito sa Pilipinas, tahimik na ang buhay namin pare-pareho na malayo sa isa't-isa. Unang araw palang na nandito sila at wala pa ngang bente kwarto oras, nagkabanggaan na kami ni Papa, paano na kami sa mga susunod na araw? Mahigit isang buwan pa naman sila dito sa Pilipinas.

Hindi komo sila ang maga magulang ko, sila na ang masusunod sa kung sino ang gusto kong maging kaibigan. Wala syang karapatang husgahan ako base sa mga kaibigan ko. At walang syang karapatang husgahan ang pagkatao ng mga kaibigan ko.

"Dondi, anak, gising ka pa ba?" narinig kong tinanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Ayoko na sanang syang pagbuksan kasi alam ko naman kung ano ang kailangan ni Mama sa akin. Pero, mas pinili ko na pagbuksan na rin sya.

"Patulog na rin po ako Ma." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto.

"Pwede bang pumasok anak?" tanong ni Mama, kaya binuksan kong mabuti ang pinto para makapasok sya.

Nakangiti syang pumasok at nagpalinga-linga sa buong kwarto ko. "Hindi ka pa rin nagbabago, organized ka pa rin." Sabi nya.

"Pinapagalitan kasi ako ni Lola, kapag magulo ang kwarto ko." Sagot ko.

"Sabi ni Tatay, maaga kang papasok bukas. Hindi ba pwedeng mag-absent ka muna anak, para mas makasama ka naman namin. I miss you so much anak." Sabi ni Mama.

"Hindi po ako pwedeng mag-absent Ma, no work no pay po sa agency namin. Marami pong gastusin sa school, baka ma-short po ang budget ko." Sagot ko.

"Alam mo naman ng pwedeng hindi ka mag-trabaho para makapag-aral lang. Sobra-sobra ang ipinapadala namin sa inyo ng mga Lolo mo para makapag-aral ka sa mas magandang university." Sabi ni Mama.

"Yung ako nga nagtutustos sa tuition fee ko, dinidiktahan na ako ni Papa, paano pa kung kayo ang nagpapa-aral sa akin. Baka pati damit na isusuot ko, kailangan approbado nya" sabi ko.

"Anak, pagpasensyahan mo na si Papa mo kanina, pagod lang sya kasi sobrang haba ng byahe namin eh. Saka medyo nagtampo sya, kasi pagkahatid mo sa amin dito sa bahay, bigla ka na lang umalis at bumalik na may kasamang mga kaibigan. Syempre, pakiramdam nya mas importante yung mga kaibigan mo kesa sa amin na pamilya mo." Paliwanag ni Mama.

"Ako ba Ma, pwede ring humingi ng pasensya, kasi mas pinili ko yung mga kaibigan ko kesa sa inyo kasi sila yung laging nandyan kapag kailangan ko sila." Sagot ko.

"Maniwala ka sa akin anak, natutuwa ako na makilala ang mga kaibigan mo. Syempre gusto ko namang makilala ang mga taong lagi mong kasama." Sabi ni Mama.

"Mabait ang mga kaibigan ko Ma, hindi sila opportunista, katulad ng sinabi ni Papa." Sabi ko.

"Alam ko anak, nakita ko yung kanina nung kausap ko sila. Mababait sila, siguro kung hindi sila nahihiya, masarap din silang kausap." Sabi ni Mama. "Sana mas makilala ko pa sila nang husto lalo na si Anna. Tama ang hinala ko na espesyal si Anna sa iyo, mahal mo na nga di ba? Girlfriend mo na ba sya?" nakangiting tanong ni Mama sa akin.

"Hindi nya alam Ma, at wala pa akong balak sabihin sa kanya kasi hindi pa pwede. Magagalit si Mama Rio." Sagot ko. "Napilitan lang akong sabihin yun kanina kasi ang kulit ni Papa" dagdag ko.

"Bakit naman magagalit ang Mama Rio ni Anna, aba hindi na sila lugi sa anak ko ha." Pagmamalaking sabi ni Mama.

"Hindi pa po pwedeng ligawan si Anna, Ma, hangga't hindi pa sya nakaka-graduate" sabi ko.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon