18 - Ms. Sung

901 105 18
                                        

Dondi's POV

Ito na yata ang pinakamabilis na araw para sa akin, parang kanila naghahanda ako para pumasok sa trabaho, hindi ko man lang namalayan na nandito na ako ulit sa bahay para magpahinga para sa panibagong araw bukas.

Paano nga ba lumipas ang araw ko na parang hindi ko man lang namalayan.  Kung tutuusin, wala namang masyadong kliyente sa bangko kanina kaya mas lamang ang kwentuhan kesa trabaho.  Naka leave din si Boss Lance kaya wala masyadong utos kanina.  Kung tutuusin, dapat nga ramdam ko ang inip at bagal ng usad ng oras kasi wala naman akong ginagawa pero parang lumipas na lang agad ang oras nang sobrang bilis.

Hindi ko mapigilang ngumiti kapag naaalala ko kung ano meron sa araw na ito, walang masyadong kliyente at walang masyadong utos pero naging busy pa rin ako kaya hindi ko namalayan na uwian na … busy sa bagong text mate ko.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat na sa kalagitnaan ng boredom ko kasi wala masyadong trabaho eh may isang text message akong makukuha galing sa isang masungit na babae.  Hindi pa nga ako makapaniwala nung unang nakita ko, feeling ko pinaglalaruan lang ako ng kung sino.  Pero alam kong naka-save ang number ni Anna sa akin kaya alam kong sa kanya galing ang text message, kasi tanging sya lang ang hindi tunay na pangalan ang nakaregister sa phonebook ko.  “Ms. Sung” yan ang pangalan na naka-save para sa number ni Anna, short for Ms. Sungit.

 Hanggang sa mga oras na ‘to hindi ko makalimutan kung gaano kalakas ang tibok ng dibdib ko nung nag vibrate ang phone ko para sa isang text message.  Natulala talaga ako nung nakita ko at ang unang ginawa ko at ang i-check kung number ni Anna galing yung message.  Nung nasiguro ko na sa kanya, hindi ko na alam kung paano ako magre-reply sa isang text na hindi ko inaasahan. 

“Walang Anuman” ang tanging na i-send ko matapos ang ilang beses na pag-type at pag-bura ng mga message na ginawa ko.  Kaya lang pagkatapos ng ilang minuto na wala akong matanggap na reply, naisip ko na baka isipin ni Anna na sinupladuhan ko sya.  Sana man lang naglagay ako kahit smiley man lang para isipin nya na bukal sa kalooban ko yung reply ko.

“Pasensya ka na nga pala, chicken pork adobo ang pinaluto ko sa Lola ko.  Hindi ko kasi alam na may allergy ka sa chicken” ang nakalagay sa text message na pinadala ko Anna pagkaraan ng isang oras na urong sulong kung ipapadala ko ba o hindi yung text.

“Wala akong allergy sa manok, hindi lang talaga ako kumakain nun” reply ni Anna pagkaraan ng ilang minuto

“Sana kahit may manok yung adobo, kinain mo pa rin” mabilis kong reply

“Nakakain naman ako, hiniwalay ko muna yung manok” reply nya

“Hayaan mo next time, pork adobo na lang ang ipapaluto ko sa Lola ko para hindi ka na mahirapan pa na paghiwalayin ang manok at pork” reply ko

“Anong meron? Bakit may next time pa?” masungit nyang reply pero napangiti pa rin nya ako

“Sa sobrang bait ni Mama Rio, siguradong may kasunod ang adobong yun.  At syempre damay kayo ni Boyet sa paregalo ko kay Mama Rio” pangangatwiran ko

“Ganon ba, maraming salamat in advance” reply nya

“Walang anuman, in advance” sagot ko

“Patawa ka?” masungit na namang sagot ni Anna

“Hindi po, sinagot ko lang yung thank you mo” sagot ko. 

“Ang sipag mong sumagot, isumbong kaya kita kay Sir Lance, nagtetext ka lang sa oras ng trabaho” reply nya

“Wala naman si Sir Lance, nakaleave.  May sakit yata” reply ko

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon