Anna's POV
Ok, nakabenta na ako ng dalawang kilo, tatlong kilo na lang itong kailangan naming mabenta. Kundangan kasi, bakit pa naniwala ako dito kay Boyet na maraming bibili ng avocado ngayon, ayan sobra-sobra tuloy ang nabili ko.
"Ano na pinsan, naiisip mo na ba kung ano ang gagawin natin sa sobrang avocado na binili mo?" tanong ni Boyet
"Sira ulo ka pala eh, anong sinasabi mo na ako ang bumili? Hoy, wag mong iligtas ang sarili mo kasi kung hindi mo ako pinilit, hindi ko naman bibilhin ang kanyang karami" sagot ko
"Malalagot tayo bukas kay Mama Rio kapag hindi pa nabenta ang mga yan bukas. Tayo na lang kaya ang bumili, tapos gawin nating ice candy?" matalinong hirit ng pinsan kong bansot.
"Wag na, kaya na nating ibenta yan bukas, tatlong kilo na lang naman." Sabi ko
"Anong tatlong kilo ang sinasabi mo, limang kilo 'to uy" sagot ni Boyet.
"Nabenta na yung dalawang kilo, kukunin yan ni Dondi bukas pagkatapos ng shift nya" sagot ko nang may pagmamalaki.
"Anak ng teteng, akalain mo, nauto mo si Tisoy, kuripot kaya yun" komento ni Boyet.
"Para-paraan lang yan, matuto ka kasi sa mga diskarte ko" pagmamalaki kong sinabi kay Boyet
"Anong ginawa mo pinsan, paano mo napapayag bumili ng dalawang kilo si Tisoy? Sandali lang, wag mong sabihing inialay mo ang katawan mo? Ay naku pinsan, maghahalo ang balat sa tinalupan kapag ganyan" sabi ni Boyet at hindi ko natiis, kinutusan ko talaga
"Gago ka, anong inialay ang katawan. Siraulo ka ba? Bakit ko naman gagawin yung para lang sa dalawang kilong avocado? Pinautang ko yung avocado, sa susunod na sweldo pa nya babayaran. Kaya ilista mo ha, baka makalimutan kong singilin eh" sabi ko.
"Hanep ah, parang nung isang buwan lang eh halos magpatayan kayong dalawa. Pero ngayon biglang nagbago ang ihip ng hangin, friends na kayo agad. Anong nangyari pinsan?" tanong ni Boyet. Aba ano ang malay ko, ako naman eh naging mabuting tao lang. Maayos naman syang nakikipag-kaibigan eh di tinanggap ko lang.
"Nagpakabait lang naman ako" matipid kong sagot
"Maniwala ako sa iyo, siguradong may ginawa ka dyan kay Tisoy kaya napilit mo si Tisoy na bumili ng dalawang kilong avocado" sabi ni Boyet.
"Wala akong ginawa, tinanong ko lang kung gusto nya ng avocado, tapos sabi ko bumili sya sa akin ng dalawang kilo. Sabi nya wala daw syang pera, tapos tinanong nya kung pwedeng utang, tapos tinanong ko kung kelan magbabayad, ang sagot sa akin sa susunod na sweldo daw, so pumayag na ko, kesa naman mabulok yung avocado" sagot ko
"Dyan nag-uumpisa yan pinsan" panunukso ni Boyet
"Wag kang malisyoso uy baka mabigwasan kita dyan" sabi ko nung biglang tumunog ang phone ko para sa isang PM.
"Anong gawa mo?" ang nakalagay sa PM. Pambihira, parang hindi busy ang lalaking maputla, kanila lang ka-chat ko tapos eto na naman.
"Sino ang nag-chat pinsan?" tanong ni Boyet
"Wala kang pakialam" sagot ko sabay takip sa screen ng phone ko para hindi makita ni Boyet kung kanino galing ang PM. Ayokong makita ni Boyet kasi siguradong hindi titigil yun kakatukso sa amin ni Mr. Yabs. "Dun ka na nga sa kusina at tulungan mo si Mama Rio na maghanda ng hapunan natin" pagtaboy ko kay Boyet.
"Ang sungit naman nito, parang tinatanong ko lang kung sino ang nag-PM" sabi ni Boyet
"Eh bakit mo ba kasi tinatanong?" patanong kong sagot ko
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...