Anna's POV
Malapit na akong mapikon dito sa lalaking maputla. Sya itong nagsabi na maaga nya akong susunduin, pero hanggang ngayon wala pa. Kapag wala pa sya in ten minutes, iiwan ko na talaga ang lalaking yun, ayokong ma-late sa first subject.
Hindi naman nagtagal at narinig ko nang may bumubusina at alam kong sya na nga yun. Nagmamadali akong nagsara nang bahay at patakbong pumunta sa kotse nya. Laking gulat ko na lang nung binuksan ko yung pinto sa passenger, may babae at hindi ko kilala.
"Oppsss, sorry hindi ko napansin na may nakasakay, nasanay kasi ako na dyan nakaupo." Sabi ko.
"Sung, classmate ko si Vanessa. Vanessa, sya si Anna yung sinabi ko sa yong susunduin ko." Paliwanag ni Dondi.
"Ah, ok." Sabi ko sabay isinara ko yung pinto at hindi pinansin ang pasahero nya, saka ako sumakay sa likod ng kotse. "Tara na, late na ako sa first subject ko, ang tagal mo kasing dumating." Sabi ko.
"Medyo traffic eh, tapos nakita ko 'tong si Vanessa na nag-aabang ng jeep kaya nag-offer na akong isabay sya tutal sa school din naman ang punta nya." Sabi ni Dondi.
"Bakit ka nagpapaliwanag, hindi ko naman hinihingi." Mataray kong sagot kasi naiirita na talaga ako kasi nga late na ako sa unang subject ko.
"Wag ka nang mainis, may banggaan kasi sa dinaanan ko kaya nag-traffic. Bibilisan ko na lang para hindi ka ma-late sa first class mo. Sorry na po please." Patuloy na paliwanag ng lalaking maputla.
"Sa kalsada ka tumingin, at wag kang lingon nang lingon. Baka maaksidente pa tayo" mataray ko ulit na sagot.
"Alangan namang hindi kita lingunin, eh kinakausap kita. Bakit kasi dyan ka sa likod umupo? Pwede namang lumipat si Vanessa dyan sa likod." Sabi ni Dondi.
"Sana sinabi mong dito mo gustong umupo, para lumipat ako dyan sa likod." Singit nitong si Vanessa.
Hindi naman kinakausap, sabat nang sabat. Nakikisabay na nga lang hindi pa alam kung saan ang tamang lugar nya, sabunutan ko 'to eh. "Ayos lang naman, nakikisabay lang naman ako, kaya alam ko kung saan ako dapat lumugar." Sagot ko sa intrimitidang si Vanessa.
"Ayos ka lang Sung?" tanong ni Dondi at ang kapal ng mukhang nyang tanungin ako.
"Mukha bang akong ayos? Pwede ba maconcentrate ka na lang sa pagmamaneho mo. Kapag nabangga tayo mas Malaki pang problema. Wag mo na akong kausapin at naiinis talaga ako, late na ako sa klase ko." Sagot ko at si Dondi iiling-iling na nagmaneho na lang.
"Palagi ka ba dun dumadaan Dondi? Pwede bang makisabay na lang ako sa inyo palagi?" tanong ng bagong pasahero.
Kapag hindi sumagot nang maayos 'tong si Tisoy, kukutusan ko talaga to eh. Ang lakas naman ng loob nitong si Vanessa na makisabay sa amin. Hoy, babaeng mukhang hindi gumagamit ng shampoo, walang pabor na hiningi yang lalaking maputla sa iyo kaya wag kang maepal. Ako lang ang pwedeng makalibre ng pamasahe kasi ang laki ng hirap kong magpanggap na girlfriend nyan.
"Oo dun ako laging dumadaan kapag sinusundo ko si Anna, kapag nakita na lang kitang nag-aabang sa jeepney stop, pwede naman kitang isabay." Sagot ni Dondi, at hindi ako nakapagpigil, kinutusan ko talaga ang lalaking maputla.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
