Dondi's POV
Mula sa kwarto ko amoy na amoy ko ang daing na niluluto ng Lola ko. Araw-araw ipinagpapasalamat ko sa Dyos na binibigyan nya ng lakas ang Lolo at Lola ko, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung mawawala silang dalawa.
"Gising ka na pala apo" Sabi ni Lolo. "Pinapagising ka na ng Lola mo at malapit na daw maluto yung almusal. Maghanda ka na sa pagpasok hane"
"Ang hirap pala ng ganitong shift Lo, kung kelan kahimbingan ng tulog ko saka naman dapat gumising na" reklamo ko
"Hindi ko naman maintindihan sa iyo bakit mas gusto mong magtrabaho kesa mag-aral. Dalawang taon na lang graduate ka na, eh di sana mas magandang trabaho ang makukuha mo. Hindi yang paiba-iba ang pinapasukan mo" sabi ng Lolo ko
"Wag po kayong mag-alala Lo, konti na lang po ang kulang sa ipon ko para mapagpatuloy ko ang pag-aaral ko" sagot ko
"Hindi mo naman kailangang maghirap magtrabaho para maka-ipon apo, yung ipinapadala ng Papa at Mama mo ay sobra-sobra para maituloy mo ang pag-aaral mo" sabi ng Lolo at pinili kong ngumiti na lang at hindi na lang magsalita at pumasok sa banyo para maghanda sa pagpasok ko.
Apat na buwan na akong security guard at sa Mandaluyong ako naka-assign ngayon. Mas gusto ko na dito ako kahit sobrang aga ng shift ko, kesa naman nung buwan ko sa trabahong ito, panghapon nga ako pero sa Caloocan naman ang assignment ko. Mas malapit kasi ang Mandaluyong branch ng bangkong pinagta-trabahuhan ko dito sa lugar namin sa Makati, mas matipid sa gasolina.
Bago mag-alas singko nasa harap na kami ng hapag kainan para sa almusal at katulad ng dati, hindi tumitigil ang Lola ko sa pangungulit sa akin na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Kung tutuusin tama naman ang Lolo at Lola ko, regular na nagpapadala ang Papa at Mama ko para sa mga gastusin namin sa bahay kasama na dun yung para sa pag-aaral ko.
Pero mas pinili kong magtrabaho at mag-ipon para sa pag-aaral ko. Ang tutoo, mas gusto ko sanang hindi na umasa sa parents ko, kasi masama talaga ang loob ko sa kanila. Bata pa kasi ako nung umalis sila papuntang New Zealand para dun sila magkasamang magtrabaho, iniwan nila ako kay Lolo Vito at Lola Cora para alagaan.
Nung bata pa ako, sa tuwing nagkakaroon kami ng pagkakataong mag-usap lagi nilang sinasabi na konting tiis na lang at malapit na nila akong papuntahin sa New Zealand pati na rin ang Lolo at Lola ko para magkakasama na kami. Pero hanggang naggraduate na ako ng elementary, nasa Pilipinas pa rin ako at sila, hindi pa bumalik ng Pilipinas kahit isang beses.
Nagbuntis kasi si Mama nung nasa elementary ako kaya hindi nila kinaya na makauwi ng Pilipinas. At nung naggraduate ako ng high school, dalawa na ang kapatid ko na nasa New Zealand na kasama ng parents ko kaya lalong hindi sila nakauwi.
Obvious naman na may tampo ako sa parents ko. Kasi hindi ko alam kung aware sila na hindi naman yung imported na sapatos at damit ang gusto ko. Syempre umasa rin ako na sila ang magsasabit ng medalya ko nung graduation ko nung elementary ako, kahit fifth honor lang ako malaking bagay pa rin sa akin na sila ang magsabit ng medalya ko. At habang lumalaki ako, nasasanay na ako na wala ang parents ko at tanging si Lolo Vito at Lola Cora na lang ang meron ako at sila lang ang pinakaimportanteng mga tao sa buhay ko ngayon.
Nag-umpisa akong sumabak sa trabaho nung second year college ako. Sinubukan kong mag-working student. Lahat yata ng fast food chain stores napasukan ko. Inaamin ko ang hirap humanap nang magandang trabaho kung undergrad ka. Pero ginusto ko 'to eh kaya papanindigan ko.
Kung tatanungin nyo kung may lovelife ako isang napakalaking "WALA". Isa pa yan sa iintindihin ko, kung yung sarili ko nga hindi ko lubos na maalagaan kukuha pa ako ng dagdag na alagain, pano naman yun? Atsaka makakapaghintay yang lovelife-lovelife na yan, busy pa akong patunayan ang sarili ko sa Mama at Papa kaya wala akong time dyan.
Hindi ko sinasabi 'to kasi walang nagkakagusto sa akin, meron naman at marami-rami rin sila. Pogi daw kasi ako sabi ng Lola Cora ko. Yung iba nga panay ang sipsip sa Lolo at Lola ko para mapansin ko lang, pero wala talaga akong interest sa kanila sa ngayon. Antay silang five years baka magka-time na ako.
At since first day ko sa bagong branch, inagahan ko ang alis ko ng bahay. Hindi ko pa kasi tantyado ang traffic papunta sa Mandaluyong branch. Maayos naman ang byahe pero nakaka-antok din kasi medyo madilim pa.
Pero isang malakas na bangga ang gumising sa diwa ko. May bumangga sa kotse ko. Pambihira naman, ang agang malas naman nito. Bumaba ako ng kotse ko para tingnan ang damage at nakita kong bumaba rin ang driver ng pick-up truck na bumangga sa akin. Grabe kung maka-asta, akala yata nitong singkit na 'to matatakot ako sa kanya eh lamang ako ng isang dangkal sa height. Pero ang yung pasaherong bumaba mukhang mas matapang.
"Anak ng baka naman oh, tulog ka ba habang nagmamaneho?" sigaw ng babaeng pasahero. Ang tapang naman nito, eh mukhang anim na pulgada ang taas ko sa kanya, sayang maganda pa naman kaso mukha namang bungangera.
"Ako pa ang mali? One way ang kalyeng to" sabi ko at talagang tinaas ko ang boses ko. "Hindi ba marunong bumasa 'yang driver mo? Eh mula dito sa kinalalagyan natin kitang-kita kong ang 'No left Turn' sign dun sa kanto, bakit kayo kumaliwa?" tanong ko
"Maaga pa, hindi pa effective yan. Tulog pa nga ang mga traffic enforcer" matapang na sagot ng magandang babae. Hindi ko alam kung bakit pero buti na lang at napigil kong mapangiti sa sinabi ng babaing ito.
"Excuse me, hindi ko first time dumaan dito kaya alam kong effective ang 'No left turn' sign na yan sa lahat ng oras" pangangatwiran ko
"Hay naku marami ka pang sinasabi, bigay mo lang yung bayad para sa pampagawa nung pick-up namin para hindi na tayo maperwisyo pare-pareho" sabi ng babae
"Anong bayad ang pinag-sasasabi mo? Kayo nga ang dapat magbayad kasi yung kotse ko ang may gasgas" sabi ko
"Masyadong maangal pala ang gagong 'to eh. Ano Anna, gusto mo upakan ko na?" Sabi ng singkit na driver. So, Anna pala ang pangalan ng masungit na 'to.
"Sayang lang ang oras natin dyan. Tara na, baka wala na tayong abutang paninda. Charge na lang natin 'to sa experience" sabi ni Anna
"Anong charge sa experience, hindi pwede oy, kayo ang magbayad sa akin kasi kotse ko ang may gasgas at baka nakakalimutan nyo kayo ang wala sa lugar, 'No left Turn' pero kumaliwa kayo. So sino ngayon ang may kasalanan?" sabi ko. Mukha naman na-realize ng dalawang ito na nasa katwiran ako kaya medyo lumabot ang tabas ng mga mukha. "Ano babayaran nyo ba ako, o hihintayin nating magising yung mga traffic enforcer? Pare-pareho tayong maabala" tanong ko
"Magkano ba?" pa-angil na tanong ni Anna
"Five thousand pesos" sagot ko
"Five thousand?" gulat na gulat nyang sinabi, actually kahit naman ako eh nabigla sa sinabi ko kasi kung tutuusin sapat na ang one thousand pesos dun sa talyer na malapit sa amin para maipaayos ko ang konting gasgas ng kotse. Siguro sa sobrang inis ko kaya ko nasabi ang ganung presyo. "Hoy ang kapal naman ng mukha mo para humingi ng five thousand sa maliit na gasgas nyang kotse mo. Mapagsamantala ka ah" sabi ni Anna
"Oh eh di kayo ang magpagawa para wala kayong angal" sabi ko. "Ano gigisingin ko na ba yung mga traffic enforcers?" tanong ko
"Eh di gisingin mo, by the time na dumating sila dito eh naka-alis na kami dahil magbibihis at magsesepilyo pa ang mga yun. Ikaw ang maghintay kung gusto mo at sa kanila mo na rin singilin ang five thousand pesos na sinasabi mo. Dyan ka na" sabi nya. "Tara na nga Boyet, sobra na tayong naabala ng mestisong bangus na 'to. Baka wala pa akong mabiling prutas na maititinda" patuloy nyang pagsasalita habang bumalik ng sakay sa pick-up nila
"Hoy kayo ang makapal ang mukha. Tatakbuhan nyo lang 'tong bangga ng kotse ko" sigaw ko habang mabilis na umalis ang dalawang mandarambong. At wala na akong nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang papalayong pick-up na may sticker na "Carillo's Fruit Stand"
************************
Napansin mo ba Dondi? Ibinigay na sa iyo ni universe ang way kung paano mo makikilala ang destiny mo. 😉😛😊
Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
