Anna's POV
Mabuti naman at umalis na ang lalaking maputla. Kaya naman pala giliw na giliw si Mama Rio sa kanya eh, marunong mag-uto.
"Napaka-gaang talaga ng loob ko sa batang yan, palibhasa napakabait at napakagalang" narinig kong sabi ni Mama Rio at tinaasan ko talaga ng kilay. Saang banda sa pagkatao ng maputlang lalaking yun ang napakabait at napakagalang?
"Hay naku Ma, wag ka ngang masyadong nagpapadala sa mga mababait na sinasabi mo, for all you know, gusto lang nun humingi ng discount kaya mabait sa iyo" sabi ko
"Alam ko kung saan ang tumbok ng salita mo. Ibahin mo si Dondi, talagang magalang at mabait ang batang yan, kahit ipagtanong mo pa sa bangko. Hindi ko nga maintindihan sa iyo bakit galit na galit ka dun sa tao samantalang nagpapakumbaba na nga at humihingi ng paumanhin" sabi ni Mama Rio.
"Ang yabang kasi nya Ma. Akala mo kung sinong eh bulok naman yung kotse nya" sagot ko
"Naririnig mo ba ang sarili mo Cristina, sino ngayon ang mayabang?" sabi ni Mama Rio
Hindi na lang ako sumagot kay Mama, kasi mukha namang sarado ang isip nya sa opinion ko tungkol sa Dondi na yun, hindi ko alam kung ano ang ipinakain ng maputlang lalaking yun sa kanya.
"Wag kang magsimangot dyan Cristina, hindi kita pinalaking mapanghusga ng kapwa. Alam mo ba na gusto kong maging kaibigan mo yang di Dondi" sabi ni Mama at sobra ko yung ikinagulat.
"Marami na akong kaibigan Ma, ayoko nang dagdagan" sabi ko
"Sinong kaibigan, yung mga kaklase mo na inuuna pa ang mag-make-up at makipag-boyfriend kesa mag-aral mabuti? Mabuti na lang at hindi ka nahahawa sa mga yun" sagot ni Mama Rio
"Ma, alam ko naman kung ano ang mabuti para sa akin. Hindi naman komo kaibigan ko ang mga yun eh gagawin ko na rin yung mga ginagawa nila. May pangarap ako at yun eh yung maginhawang buhay para sa iyo" sabi ko
"Aww ... pinapaiyak mo ako anak, sobrang natouch si Mama sa sinabi mo" sagot ni Mama
"Tutoo naman yung sinabi ko Ma, ang dami-dami ko pang gustong gawin para sa iyo. Gusto kong na pagdating ng araw hindi ka na mahihirapang pumunta sa kung saan-saang barangay para mag-make-up sa mga beaucon. Gusto ko relax ka na lang sa magiging bungalow natin" sabi ko
"Gusto ko yang bungalow anak" sagot ni Mama Rio na may malapad na ngiti. "Pero mas gusto ko na mangarap ka para sa sarili mo. Wag mo akong intindihin, magiging masaya ako kapag natupad mo lahat ng pangarap mo. Saka mo na isipin yung ibang pangarap ko para sa iyo" sabi ni Mama Rio
"Bakit Ma, ano ba ang iba mo pang pangarap para sa akin?" tanong ko
"Isang masaya at tahimik na buhay kasama ang lalaking magmamahal sa iyo ng tunay" sabi ni Mama.
"Ganon Ma????" pinatatakahan kong tanong. "Akala ko ba ayaw mo akong magboyfriend, bakit may lalaking magmamahal na tunay kang sinasabi ngayon?" tanong ko
"Eh hindi ko naman sinabing ngayon na, magtapos ka muna ng pag-aaral mo" dali-daling sagot ni Mama Rio at isang matamis na ngiti at sunod-sunod na pagtango ang isinagot ko sa kanya.
Ang tutoo, kahit hindi sabihin ni Mama, wala pa naman talaga akong balak mag-boyfriend. Kapag iniisip ko kasi ang mga hirap na dinanas ni Mama Rio para makapag-aral lang ako, lumalalim ang kagustuhan ko na masuklian ang lahat ng ginawa at ginagawa nya para sa akin. Wala na akong ibang pamilya maliban sa kanya dahil ang tutoong Nanay ko matagal na akong nakalimutan.
![](https://img.wattpad.com/cover/176393220-288-k273230.jpg)
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...