Anna's POV
Dapat talaga inagahan ko ang pagpunta dito sa school. Since tinanghali ako ng gising eto ang napala ko, sobrang haba ng pila sa enrollment. Harinawa umabot akong sa mga subject na kailangan kong mai-enroll this semester.
“Anna, tapos ka na?” narinig kong sigaw ni Isay
“Hindi pa, ang haba ng pila eh” sagot ko. “Nasaan si boyfie mo?” pabiro kong tanong kay Isay
“Boyfie ka dyan, wag ka ngang maingay at baka marinig ka nung si Paolo, sumuka sa harap natin yun” sagot ni Isay at tinawanan ko lang sya.
Hindi pa nag-a-out si Paolo, crush na sya si Isay. Ang hindi ko maintindihan bakit hindi sya na-turn-off nung inamin ni Paolo sexual preference nya, mukhang naniniwala pa sya na may pag-asa pang magbago ang pananaw ni Paolo sa buhay.
“Full load ka ulit?” tanong ko sa kanya
“Syempre, para OJT na ako next sem. Ikaw ba?” pabalik nyang tanong
“Next question please. Eleven units lang ang sagad, kaya nga kinondisyon ko na ang sarili ko na tatlong sems pa ako” sagot ko
“Ang lungkot naman, hindi pala tayo magkasama sa OJT” sabi ni Isay
“Ganon talaga, puntahan na lang kita sa graduation mo, sigurado namang mauuna ka sa akin mag-graduate eh.” sagot ko kay Isay.
“Hoy mga bakla, tapos na kayo?” nung bigla naming narinig na sabi ni Paolo
“Ikaw lang ang bakla, babae po ako” sagot ko
“Alam ko” sagot ni Paolo bago ako inirapan. “Ano na, tapos na ba kayong mag-enroll?” tanong nya ulit.
“Hindi pa ako tapos, nakita mo nang nakapila pa ako oh. Kanina pa nga ako dito eh.” sabi ko
“Kasi naman bakit ngayon ka lang dumating? Tawag ako nang tawag sa iyo, hindi ka naman sumasagot. Girl, uso rin naman ang magreply, maki-uso ka naman” sabi ni Paolo
“Hindi ko napansin na naka-silent ang phone ko. Papunta na ako dito nung nakita ko yung mga messages at missed calls mo kaya hindi na ako nag-reply sa iyo” sagot ko.
“Anong oras na girl, mahaba rin ang pila sa cashier, baka masaraduhan ka” sabi Paolo
“Hindi naman ako ngayon magbabayad, baka next week pa kaya keri lang na masaraduhan ng cashier” sagot ko.
“May natira ako sa ibinigay ni Ate sa akin na pang-tuition, gusto mo hiramin mo muna para hindi ka na babalik next week” alok ni Paolo.
“Hindi na Pao, ok lang. Ganon naman lagi ang ginagawa ko eh, maraming salamat sa alok mo, pero Ok lang talaga ako” sagot ko. Ganyan ka-sweet si Paolo, palibhasa bigtime na nurse ang Ate nya sa London kaya hindi problema ang allowance at tuition fee nya.
“Eh di last mo na dito sa assessment?” tanong ni Isay
“Oo, pagkatapos nito uuwi na ako” sagot ko
“Wag muna, lamyerda muna tayo” sabi ni Isay
“Huh? Hindi pwede, kailangan ko nang umuwi pagkatapos nito eh” sabi ko
“Bakit nagmamadali teh? Anong meron?” nagtatakang tanong ni Isay
“Wala, basta kailangan ko nang umuwi pagkatapos nito. Kung gusto nyong pumunta sa mall, kayo na lang. Basta ako uuwi na pagkatapos ko dito” sagot ko
![](https://img.wattpad.com/cover/176393220-288-k273230.jpg)
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanficSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...