68 - Hindi Ba Talaga Pwede?

932 121 39
                                    

Anna’s POV

Hindi na talaga ako komportable na malapit lang at abot tanaw ko si Dondi.  Ang tutoo, kapag nanatili pa ako nang ilang minuto sa kwartong yun, malamang hilahin ko na si Dondi palabas at iwan ang mga taong nagdudulot ng sakit na nararamdaman naming dalawa.  Konti na lang papayag na akong dalhin ni Dondi sa kahit saan man nya gusto, basta magkasama lang kami.  

At ang utos ni Mama Rio ang pagkakataon para makahinga ako ng maluwag kahit saglit lang at iwasan kung ano man ang hindi magandang iniisip ko ngayon.  Kung makakalayo ako kay Dondi kahit konting saglit lang, makakapag-isip ako nang matino.  Nalulungkot kasi ako na si Dondi ang kapalit ng pagbabalik ng nanay ko. 

Sobrang lalim na nga yata ng pag-iisip ko, hindi ko alam kung ano ang nangyari, bigla na lang may humablot ng ATM card na hawak ko.  At lumakas ang kabog ng dibdib ko nung nakita ko kung sino ang lalaking nasa tabi ko.

“First time ka bang gagamit ng ATM machine?” tanong si Dondi sa akin.

“Anong pinagsasasabi mo? Mukha ba akong first timer sa paggamit ng ATM machine?” sagot ko.

“Ganon naman pala eh, bakit hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘off-line’.  Tingnan mo nga at nagsusumigaw yan sa harap mo.”  paliwanag ni Dondi sa akin.

“Hindi ko napansin eh, bakit ba nakikialam ka?” pabalang kong sagot kay Dondi.

“Hindi kita papakialam kung hindi ka pinatitinginan ng mga tao at malamang iniisip nilang tatanga-tanga ka.” Sagot ni Dondi sa akin.

“Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Bumalik ka na nga sa room ni Nanay.” Sabi ko.

“Di ba sabi ni Lola Cora samahan kita kasi malaking halaga rin ‘yang wi-withdrawhin mo.  At since off-line dito sa ospital, wala kang choice kundi lumabas at maghanap ng pinakamalapit na ATM Machine, eh di mas lalo mong kailangan ng kasama.” Sabi ni Dondi.

“Kaya ko na ang sarili ko, hindi ko kailangan ng kasama.” Tanggi ko.

“Kaya pala simpleng ‘off-line’ message hindi mo napansin. At wag ka nang tumanggi, tara na para makabalik tayo agad.” Sabi ni Dondi sabay hila sa akin palabras ng hospital.

“Sandali nga.  Pwede ba wag mo naman akong hilahin.  Kailangan kong bumalik, magpapaalam muna ako kay Mama Rio na sa labas na lang ako magwi-withdraw kasi off-line dito.” Pagdadahilan ko.

“May telepono naman kayong dalawa ni Mama Rio, pwede mo syang tawagan para hindi ka na bumalik sa room ni Tita Isabel.  O baka naman wala kang load, eto ang telepono ko, may load pa yan para pantawag.” Sabi ni Dondi sabay abot sa akin ng telepono nya.

“May load ako, maraming salamat na lang.” pa-angil kong sagot bago ko tinawagan si Mama Rio para magpaalam na kailangan kong lumabas ng ospital para mag-withdraw. 

Pumayag naman si Mama Rio pero sa kondisyon na sasamahan ako ni Dondi, mahirap na raw kasi na wala akong kasama lalo pa at may dala akong malaking halaga.  Wala naman akong pagpipilian kundi ang tiisin na makasama si Dondi. 

“Gamitin na natin yung kotse.” Sabi ni Dondi.

“Wag na, baka naman may malapit na ATM machine dito.  Lakarin na lang natin.” Tanggi ko.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon