31 - Strategy

911 116 32
                                        

Anna's POV

Isang masakit na kutos ang inibigay sa akin ni Paolo nung sinabi ko sa kanila ni Isay yung deal namin ni Dondi. Tinanong ko kasi sila kung ano ang magandang gawin para sa 'katahimikan' ni Dondi sa campus. Magdamag kasi akong nag-isip ng strategy, pero wala akong ma-isip kaya humingi na ako ng tulong sa mga kaibigan ko.

"Gaga ka, paano mo gagawin na alisin yang mga umaaligid kay Dondi eh sangdamakmak yun. At pwede ba hayaan mo nga yang si Tisoy." Litany ni Paolo.

"Paano ko hahayaan ang libreng sakay papasok at pauwi? Alam mo ba na kulang-kulang one thousand ang matitipid ko bawat buwan sa palibreng sakay ni Dondi?" sagot ko

"Ewan ko sa iyo beh, para kang timang, hindi ko alam kung paano mo gagawin yun." sagot ni Paolo.

"Hindi kaya berde rin ang dugo nyang si Dondi kaya may allergy sa mga dumidikit sa kanya?" malisyosang tanong ni Isay.

"Well, hindi bading si Dondi. Ako pa ba ang hindi makakaamoy kung anong dugo meron yun? Hindi ko lang alam bakit naalibadbaran sya sa mga nagpapa-cute sa kanya, samantalang yung ibang guys dito sa campus, enjoy na enjoy kahit isa lang ang magpa-cute sa kanila." Sabi ni Paolo.

"Baka naman may girlfriend na yun kaya ganon, loyal sa syota baga" sabi ni Isay. Hindi ko inisip yun, kasi si Dondi naman mismo ang may sabi na wala syang panahon sa lovelife. Pero hindi ko rin alam bakit nairita ako sa sinabi ni Isay, what if meron ngang itinatagong girlfriend itong si Dondi?

"Possible yan, pero paano pa silang magkikita nung girlfriend nya kung mula Monday hanggang Saturday eh trabaho at school ang routine nya?" tanong ni Paolo.

"Baka naman tuwing Sunday sila nagkikita." Sabi ni Isay at masakit sa tenga ang ipinaglalaban nya buti pa itong si Paolo may sense ang mga sinasabi.

"Sunday lang nagkikita? Ano yung pabible study? Saka kung may girlfriend yun, di ba dapat laging nakatutok sa phone nya kung hindi man sila lagi nagkikita? Gamitin ang technology ang peg, pero mas libro ang nakikita kong hawak ni Dondi kesa sa phone nya." sagot ni Paolo na may sense talaga, hindi katulad nitong si Isay na kung anu-ano ang sinasabi.

"Baka naman gusto lang talagang mag-concentrate ni Dondi sa studies nya kaya ayaw nya nung mga istorbong nagpapa-cute sa kanya. Remember, maraming nasayang na oras sa kanya kaya siguro bumabawi." Sagot ko.

"O baka naman, ikaw ang type ni Dondi, kaya sa iyo lagi nakabuntot, at yung paghingi nya ng tulong ay way nya para iparamdam sa iyo na hindi nya type yung mga nagpapalipad ng hangin sa kanya kasi ikaw nga ang gusto nya" sabi ni Paolo ... ooopppsss ... binabawi ko na yung sinabi kong may sense ang mga sinasabi ni Paolo.

"Tse, bakit pati ako nadamay dyan? Saka wag nga ka ngang malisyoso, magkaibigan lang kami ni Dondi. At parehong wala pa isip namin ang mga ganyang bagay." Sagot ko. "Lumalayo tayo sa usapan eh, ano na ang gagawin ko? Sayang naman yung matitipid ko sa allowance ko." sabi ko.

"Aba, anong malay ko sa iyo, ikaw mag-isip tutal ikaw naman ang makakatipid. Palibhasa kapag pera na ang pinag-uusapan nawawala ka sa focus. Gumagapang na ba kayo sa hirap ni Mama Rio at ganyan ka kaporsigidong kumita?" tanong ni Paolo.

"Syempre naman, hangga't maari nga, ayoko nang mag-make-up si Mama sa mga beaucon, kasi sobra syang napupuyat. Kaya kung kakayanin ko rin lang na kumita eh bakit ba hindi ko i-grab yung opportunity." Sagot ko. "Kaya bilang mga kaibigan ko, dapat lang na tulungan nyo ako sa mga raket ko" sabi ko.

"Oh sya, sige na, na-gets na namin" sabi ni Paolo. "Bakit ba hindi na lang kayo magpanggap na mag-syota para tumigil na yung mga nagpapa-cute kay Dondi" suhestyon nya.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon