Dondi's POV
Mabuti na lang walang sasakyan sa likod ko nung bigla ako nagpreno dahil sa sigaw ni Anna. Nagtatanong lang naman ako kung tutoo yung sinabi ni Stephanie, bigla na lang naghysterical itong si Anna. "Sandali nga, wag ka mag-hysterical, tinatanong lang kita." Sabi ko.
"Paano mo ba kasi nalaman na sinabi ko kay Stephanie na girlfriend mo ako?" mabilis kong sagot at huli na ulit nung maisip ko na halos umamin na ako kay Dondi ng ginawa ko.
"Aha, sinabi mo talaga kay Stephanie na girlfriend kita" Sabi ko, sabay itinabi ko ang sasakyan ko para malinaw kaming makapag-usap. "Sabi mo kanina, siniraan mo lang ako kaya na-turned-off si Stephanie" sabi ko.
"Pasensya ka na, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kanina nung biglang dumating si Stephanie at nagpapa-set-up ng blind date sa iyo. Sobrang haling na haling sa iyo ang babaeng yon kaya feeling ko hindi uubra kung mabahong paa at hininga lang ang sasabihin ko sa kanya. So naiisip ko sabihin na lang na taken ka na para manahimik na." Sabi ni Anna.
"Taken na sa iyo?" tanong ko
"Hindi kasi ako nakapag-isip kung sino ang sasabihin ko. Kasi sabi ba naman kung hindi daw taga campus yung girlfriend mo eh OK lang daw sa kanya na dalawa silang maging girlfriend mo tutal wala naman daw sila sa parehong lugar. Kaya kailangan kong mag-isip ng mabilis" mahabang sagot ni Anna.
"At naisip mo na sabihing girlfriend kita" tanong ko kay Anna.
"Opo" maiksi nyang sagot at ayaw tumingin sa akin.
"So ibig sabihin, girlfriend na kita?" tanong ko at hindi ko alam bakit ganito ako kasaya nung sinabi ko yun.
"Tse, anong girlfriend ang sinasabi mo dyan, hindi no." mabilis na sagot ni Anna at dun ako nahimasmasan, mukhang napa-aga ang pagbubunyi ko.
"So paano, babawiin mo yung sinabi mo kay Stephanie?" tanong ko
"Oo naman no, bukas na bukas din kakausapin ko yang si Stephanie, at sasabihin kong nagbibiro lang ako." Sagot ni Anna sa akin.
"Ok, so paano, dito ka na lang ba bababa o ibabalik kita sa campus?" tanong ko
"Anong bababa? At saka anong ibabalik mo ako sa campus? Siraulo ka, ang dilim-dilim dito ha, saka punuan na ang mga jeep kapag dumaan sila dito. Wala na akong masasakyan" sagot nya.
"Eh di ba kaya kita ihahatid ngayon kasi nga, wala nang umaaligid sa akin dahil dun sa sinabi mo kay Stephanie, eh since babawiin mo rin naman pala eh di parang balewala rin yung deal natin. Saka na lang kita ulit ihahatid kapag nagawa mo na yung dapat mong gawin. Nagkakaintindihan ba tayo Ms. Sungs?" tanong ko. "O sige baba ka na" dagdag ko
"Alam ikaw, hindi ka lang mayabang, may kasamaan din yang ugali mo eh. Bakit mo ako papababain eh hindi ko pa naman binabawi, technically, effective pa yung deal natin." Sagot ni Anna.
"Eh bakit kasi babawiin mo pa eh pwede namang panindigan na lang natin." Sagot ko.
"Ano ka sinuswerte? Girlfriend mo na ako nang ganun-ganon na lang? Dalagang pilipina ito uy, hindi mo ako madadala sa mga ganyang style. Neknek mo" nakakatawang sagot nya.
"Ang ibig kong sabihin, panindigan na lang natin na kunwari girlfriend kita, nakita mo naman kung gaano ka-effective. Sabi pa nga ni Stephanie, poprotektahan daw nya ang relasyon natin sa mga masasamang elemento na pwedeng makasira sa atin dalawa. Saka isipin mo na lang na pareho naman tayong makikinabang sa palabas na yun" sagot ko.
"Anong pareho tayong makikinabang, baka ikaw lang. Makakalibre ka ng tsansing sa akin tapos makikinabang pa ako." Sagot ni Anna.
"Huy grabe ka, gentleman ako, hindi ako abusado." pagmamalaki kong sinabi. "Pumayag ka na kasi para tapos na ang usapang ito. Gumagabi na at maaga pa tayo pareaho bukas" dagdag ko.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
