35 - Interrogation

932 129 18
                                    

Anna’s POV

Isang matalim tingin ang itinapon si Paolo sa akin nung makita nyang sumesenyas si Dondi sa akin na aalis muna sya pero babalik agad.  Thursday kasi ngayon, nagcommute lang kami ni Dondi kasi nga coding sya kaya iniwan nya yung kotse nya sa bangko saka nya ako bababalikan.

“Bakit nagpapaalam pa?” tanong ni Paolo habang nakatambay kami sa labas ng room at naghihintay sa prof namin. “Magsabi ka nang tutoo, kayo na ba ni Dondi?” tanong ni Paolo sabay hila sa buhok ko.

“Aray ko naman, masakit yun bakla.” angal ko.

“Magtiis ka, kalat na kalat na dito sa campus na girlfriend ka ni Dondi, pero kaming mga kaibigan mo, mukhang tanga kasi hindi naming alam ang tutoo” panunumbat na sinabi ni Paolo

“Oo nga, mukha kaming tanga ni Paolo kapag may nagtatanong ng tungkol sa inyo ni Dondi.  Wala kaming maisagot kasi wala ka namang sinasabi.” Semegunda pang sinabi ni Isay.

“Anong hindi alam ang tutoo, kayo nga ang nakakaalam ng tutoo.” Pabulong kong sinabi.

“At sino ang lolokohin mo, iba kayong umasta, hindi yun galawan ng fake na mag-syota” gigil na gigil na bulong ni Paolo.

“Bakit paano ba kami umasta? Pareho din naman dati ah.  Maliban sa sabay kaming pumapasok at umuuwi.” Sagot ko.  “Saka bakit ba kayo nagagalit sa akin, eh alam nyo naman ang puno’t-dulo nito.” Dagdag ko.

“Hindi kasi ganon ang nakikita namin beh.” Sabi ni Isay.  “Kung sabagay, hindi mo naman makikita na kumikislap ang mata mo kapag kasama mo si Dondi.” Dagdag nyang komento.

“Hindi tutoo yan.” Pagtanggi ko.

“Talaga lang ha, eh bakit may term of endearment kayo?  Ano na nga yun, Yabs at Sung.  Ang pangit ha, pero still, mag-syota lang ang meron nun uy” sabi ni Paolo.

“Wala pa ang deal namin yun na ang tawag naming sa isa’t-isa.  Yabs as in Yabang, Sung as in Sungit.” Paliwanag ko.

“Eh bakit nga may ganon pa?” mapilit na tanong ni Paolo.

“Ano naman ang masama kung may tawagan kami, hindi naman sweet yung Yabs at Sung.  Naisip lang ni Dondi yun para daw kung may makarinig magmukhang tutoo” paliwanag ko.

“Ayun …. in a fake relationship pero nagpapadikta sa fake boyfriend” komento ni Isay.

“Ewan ko sa inyo, bahala kayo sa iisipin nyo, basta ako at si Dondi alam na hindi tutoo ang lahat ng ito.” Sagot ko.

“Teka lang, may naalala akong sinabi itong si Isay. Kung hindi tutoong kayo na , bakit holding hands kayo kanina?” tanong ulit ni Paolo.

“Anong holding hands? Kelan nangyari yun?” tanong ko dahil sa tutoo lang wala akong naalalang nagholding hands kami ni Dondi.

“Kanina lang nakita mismo ng dalawang mga mata ko, holding hands kayo nung bumababa ka ng jeep.” Sabi ni Isay.

“O ayan ha, first hand information nay an, at alam mong hindi nagsisinungaling yang si Adeliza” sagot ni Paolo.

No Left Turn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon