Dondi's POV
Nung dumating kami sa school, naging iba ang pakiramdam ko kesa dati. Ngayon kasi feeling ko lahat ng tao dito nakatingin sa akin, sa amin ni Anna. Mula sa parking hanggang sa makarating kami sa kanya-kanya naming classroom, nakikita kong may manaka-nakang kumukuha ng litrato namin. Gusto ko na tuloy maniwala kay Anna na dapat lang na ipa-deactivate ang FB fan page na YabSung, ang lakas makapraning eh. Nakakatakot na baka makarating kay Mama Rio, siguradong malalagot kaming dalawa ni Anna.
Patapos na ang klase ko nung biglang tumunog ang phone ko, may viber message ako galing kay Anna. “Pssttt …. Yabs. Tapos na klase ko, dun na lang ako maghintay sa kotse mo, pero bibili muna kami ng squid ball, gutom na ako eh” sabi ng viber message
“Patapos na rin ang klase ko, hintayin nyo na ako, gutom na rin ako, hindi naman ako nagmeryenda kanina, kasi nagmamadali ako na sunduin ka.” Sagot ko sa viber message nya.
Pagkaraan ng sampung minuto, magkasama na kaming naglakad ni Anna pati na rin si Paolo at Isay, papunta sa labas ng campus para tumusok ng squid balls. Nakagawian na namin ang ganitong pangtawid gutom, lalo na kung petsa de peligro na at paubos na ang allowance.
Ang siste, kahit patapos na ang araw ng mga estudyante, para yung mga followers ng YabSung fanpage, malakas na malakas pa. Malakas na malakas pang mag-paselfie. Nakikiusap na lang ako na sana nilang i-upload kasi mahirap na, baka may makakita at masumbong kami kay Mama Rio.
Kaya minabuti na lang namin na dun na lang kami sa kotse tumambay para may konting privacy.
“In fairness sa loveteam nyo ha, patok na patok.” Komento ni Paolo
“Tumigil ka nga dyan, akala mo nakalimutan ko na yung kasalanan, nyong dalawa ni Isay?” sabi ni Anna.
“Oo nga, hindi nyo man lang sinabi na meron na palang ganung fanpage. Kailangang malaman natin kung sino ang admin nun, para maipa-deactivate.” Pag segunda ko kay Anna.
“Hindi mo na kailangang hanapin, Yabs kasi nahanap ko na.” Sabi ni Anna sabay tingin nang masama kay Paolo at Isay.
“Kayo ang admin nung fanpage?” gulat na gulat kong tanong.
“Mismo, mga walang kwentang kaibigan.” Sabi ni Anna.
“Bakit nyo ginawa yun?” tanong ko.
"Sorry naman na, katuwaan lang naman namin ni Isay, hindi naman namin expected na in less than 48 hours, 200 followers agad. Kaya itinuloy na namin." Paliwanag ni Paolo at napailing na lang ako sa sinabi nila.
"Ayusin na lang namin yung page, pero wag nyo nang ipa-deactivate, sayang ang nabuong friendship dahil sa fanpage na yun." Sabi ni Isay.
"Wow ha, eh dun sa pagkakaibigan natin hindi kayo nanghinayang?" Sita ni Anna kay Paolo at Isay.
"Syempre iba naman yung friendship natin, nakakatuwa lang kasi yung mga nasa gc, kilig na kilig sa inyong dalawa. Gusto nyo add ko kayo sa GC namin? Naku siguradong matutuwa ang mga yun." Excited na sinabi ni Paolo.
"Paano pa kami sasali eh mamaya lang deactivated na yung page, kaya siguradong magagalit yung mga member ng gc nyo at isa-isa silang mag-aalisan." Sabi ni Anna.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
