Dondi's POV
Kahit kailan talaga hindi nakakatuwa ang traffic, konting oras na nga lang ang meron kami ni Anna para sa araw na ito, mauubos ko pa yata sa kalsada. Mabuti na lang at sobrang understanding ng babaing maganda kahit may kasungitan.
At iyon ang ayokong mangyari, yung masungitan ako ni Anna. Kaya gumawa ako ng paraan para hindi mainip ang girlfriend kong maganda. Nagse-selfie ako sa bawat pag-stop ko para alam nya ang sitwasyon ko. Hindi naman sa andres-de-saya ako, ayoko lang na masira ang natitirang oras naming magkasama para sa araw na ito. Sa bahay kasi nila kahit magkasama kami, wala naman akong pagkakataon na masolo sya. Laging nasa paligid ang buong pamilya naming dalawa, kaya diet ako sa kiss at hug kay Sung, energizer ko pa naman yun.
"Wag ka nang ma-stress sa traffic, may pahabol ng pinapagawa yung supervisor ko kaya hindi naman ako maiinip sa paghihintay sa iyo. Mag-ingat ka, Yabs" ang nakalagay sa huling viber message sa akin ni Anna na ikina-hinga ko nang maluwag.
Mukhang sa pag-kain na lang talaga ng pizza ang magagawa namin ngayong gabi. Gusto ko pa naman sanang sumaglit sa mall para bihan ko si Anna ng ilang damit para gamitin nya sa OJT nya. Yung iba kasing office attire nya, bibigay lang nung kamag-anak nila galing batangas kaya karamihan hindi sukat sa kanya. At dahil sa tindi ng traffic ngayon, malamang sa Sabado na ko na sya maibibili ng damit.
Matapos ang ilang minutong pakikipag-buno ko sa traffic at ilang kilometro na rin bago ako makarating sa office ni Anna, nagsend ako ng viber message sa kanya. "Tapos na ba yung pinapagawa ng boss mo? Malapit na kasi ako, five minutes na lang nandyan na ako."
Hindi ko mapigilang mapangiti, nung nakita kong tumatawag si Anna. Pakiramdam ko maii-na-miss na nya ako kaya tumawag na agad.
"Hello Sung." Mabilis kong sagot.
"Yabs, malapit ka na?" tanong ni Anna sa akin.
"I therefore conclude, miss na miss na ako ng pinaka magandang at pinaka mamahal kong babae sa buong mundo, kasi ang alam ko sinabi ko sa viber message ko na malapit na ako. Pero eto sya, kausap ko at tinatanong ako kung malapit na ako." Sagot ko.
"Ang dami mong sinabi, pero hindi mo naman nasagot yung tanong ko." pambabara ni Anna sa akin.
"Mga tatlong kanto na lang nandyan na ako. Tapos ka na ba sa pinapagawa ng supervisor mo sa iyo?" tanong ko.
"Oo kakatapos ko lang, mag-shut-off lang ako ng PC ko tapos bababa na ako. Wag ka nang mag-park, mabilis lang naman ako." Sagot ni Anna sa akin.
"Sige dun na lang kita hintayin sa entrance ng building." Sagot ko.
"Ok babay na, para makapag-ligpit na ako. See you later." Sabi ni Anna bago nya ibinaba ang phone.
Okaymay oras pa para mag-mall kami, siguro mas magandang bumili muna kami ng damit nya bago kami mag-pizza.
Ilang saglit lang naka-hazzard na ako sa harap ng building nila Anna. Kaso ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin bumaba si Anna. "Boss, bawal maghintay ng matagal dito sa harap ng building." Sabi nung guard sa akin.
"Saglit na lang sir, pababa na rin naman yung susunduin ko." paki-usap ko.
"Kanina mo pa sinasabi yan pero lagpas limang minute ka nang nakatigil dyan. Magpark ka na lang sa loob." Sabi nung guard.
Napilitan tuloy akong umalis, hindi para magpark kundi para umikot na lang. Ayoko din namang mag-park, kasi ang mahal ng parking fee sa building nila Anna.
Habang umiikot ako, tinawagan ko si Anna para malaman ko kung ilang minuto pa akong maghinhintay. Kaso na-ilang dial na ako, hindi sumasagot si Sung ang hirap pa namang mag-compose ng message kapag nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
No Left Turn (Completed)
FanfictionSi Anna Carillo ay 20 years old. Isa syang fruit vendor at working student na lumaki sa piling ni Mario Carillo, 'Mama Rio' para sa nakararami, na isang make-up artist at mag-isang nagtaguyod at nag-alaga kay Anna simula nung umalis papuntang ibang...
